cнapтer ѕeven: ☾new ғoυnd deтerмιnaтιon and ѕυѕpιcιonѕ☽

40 4 0
                                    

『N̶Y̶X̶I̶E̶ M̶O̶N̶T̶E̶Z̶E̶L̶L̶』

“Ugh! Demonyo talaga!” Pasigaw na bulong ko habang sinasalinan ng mainit na tubig ang mug nung Devil.

Ang sarap tapunan ng mainit na tubig sa mukha!

Napahawak ako sa dibdib ko bago huminga ng malalim, tahimik na humihiling na sana bigla na lang maglaho 'tong sakit na nararamdaman ko ngayon.

Wrong timing ka naman.

Napakamot na lang ako sa sintido ko habang hinahalo yung kape ng demonyo na 'yon.

I almost forgot how infuriating he can be.

Hindi ako makapaniwala na kani-kanina lang ay nagi-guilty pa ako sa mga pang-iinsulto ko sa kanya, eh, dapat lang naman talaga sa kanya ang mga 'yon.

Nakakainis!

Kung legal lang talaga ang pag-patay sa Pilipinas malamang napatay ko na ang devil na 'yun ngayon.

No, malamang sa malamang pala na matagal na siyang patay dahil diyan sa ugali niyang nakaka-inis.

Napahigpit ang hawak ko sa stainless steel na kutsarita habang tinititigan ang kape niya na nakahanda na. Pasalamat siya at mabait pa ako kahit na ganito ang trato niya sa 'kin, kung hindi....Malamang nilalagyan ko na ng lason 'tong kape niya ngayon.

I gasped out loud when I heard the door creaked open, I also felt my heart did a single throb in my chest dahil sa gulat. Inayos ko ang posture ng pagtayo ko dahil ayaw ko naman na maabutan ako dito ng isang tao na mukhang ewan, I took a deep breath, purposely neglecting the pain in my chest, and looked up to greet the person who came in.

Pero laking gulat ko na lang ay noong wala akong nakita ni isa lang man na tao na nasa pinto. Tumingin-tingin ako sa paligid ko, umaasa na makikita ko yung tao na pumasok sa company's kitchen.

Pero wala...As in wala talaga.

Agad na kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka. Gawa-gawa lang ba ng imahinasyon ko yung narinig ko kanina? Pero kasi...parang napaka-realistic naman ng tunog na yun para maging imagination ko lang.

May ear defect na ba ako?

Nagtatakang tanong ko sa sarili ko bago nagsimulang maglakad papuntang pinto habang dala-dala ang mug na puno ng black coffee, nang makalapit na ako dito ay agad kong napansin ang kakaunti pero kapansin-pansin na awang ng pinto.

Naramdaman ko ang pag-angat ng mga buhok sa likod ng batok ko dahil medyo kinikilabutan na 'ko. Sinigurado ko na nakasara ang pinto ng kitchen bago ako nagtimpla ng kape nung Devil, heck, dinouble-check ko pa nga kung nakasara bang mabuti, eh.

Pero bakit may awang na 'to ngayon?

So...Hindi gawa-gawa ng imagination ko yung narinig ko kanina?

But who the heck was it?

Binuksan ko ng mabuti ang pinto bago tumingin sa bawat sulok ng corridor. I listened intently to my surrounding, hoping to hear any footsteps that would justify my thought that someone did opened the door.

But there was none, not even a single sound aside from my breathing.

'wag mong i-overthink ang maliit na bagay na 'to, Nyxie! Malamang may sira na yung pinto kaya bumukas yun bigla.

Our SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon