cнapтer тнree: ☾тнe ғall☽

76 9 0
                                    

『N̶Y̶X̶I̶E̶ M̶O̶N̶T̶E̶Z̶E̶L̶L̶

"Ugh! Finally." Hindi ko mapigilang umungol nang matapos ko na ang tambak na trabaho ko.

Ipinatong ko ang pen sa taas ng folders at tsaka inunat ang likod ko, na naging dahilan naman ng pagtunog ng buto ko sa aking likod. Marahan kong minasahe ang sintido ko nang tinamaan na ako ng side-effect ng pag-skip ng breakfast at lunch kanina, hindi ko na nagawang kumain ng lunch dahil tinambakan na ako ng trabaho nung demonyo na yun na naka due ngayong araw.

Kaya wala akong choice kung hindi tapusin lahat ng 'to ngayong araw.

Napatingin ako sa digital clock na di kalayuan sa kina-uupuan ko, 8:45 P.M. Hindi ko man lang napansin na late na pala.

Eh sa dinami-dami ba naman niyang tinrabaho ko eh magagawa ko pa bang pansinin ang oras?

Akmang tatayo na sana ako nang biglang bumukas yung black doors nung office nung Devil na 'yun. Kasalukuyan niyang inaayos ang cufflink niya habang naglalakad palabas ng room niya.

"Montezell, I'd like you to cancel my lunch meeting tomorrow with Mr. Travis." Saad niya na hindi man lang tumitingin sa 'kin.

"But sir-" Napatayo ako sa kinauupuan ko. "I can't do that! I already finalized-" Pinutol naman niya ang pagre-reklamo ko sa pamamagitan ng paglapit niya sa kinatatayuan ko.

"Makinig ka nga sa 'kin." Utos niya nang makarating siya sa harap ko. "Who's the boss here?" Tanong niya bago ako tinitigan ng masama.

Inboluntaryo namang ako napalunok bago ko inayos ang posture ng pagtayo ko upang salubungin ang masama niyang pagtitig sa 'kin.

"Ikaw." Tipid kong sagot.

"That's right." Bulong niya bago humakbang papalapit sa akin.

Ano bang balak netong demonyo na 'to?!

Napakagat naman ako sa ibabang bahagi ng labi ko bago humakbang palayo sa kanya na naging resulta lang ng pag-bangga ng likod ko sa table.

"I'm the Boss, and you are just my secretary. Kaya ang papel mo lang dito ay makinig sa lahat ng sasabihin ko at tsaka ito susundin." Bulong niya bago ipinatong ang dalawang kamay niya sa table na nasa likod ko, causing me to be trapped in his arms.

Ewan ko ba kung anong nangyayari sa 'kin, pero ang tangi ko lang nagawa ay tumitig sa mga mata niya. Aaminin ko rin na ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko, marahil ay dahil natatakot ako? O di kay-

No! Nyxie kilabutan ka nga diyan sa mga iniisip mo! Panenermon ko sa sarili ko.

"Sir, I suggest you back off 'coz you're invading my personal space." Marahas kong bulong sa kanya bago siya itinulak palayo.

Napa-urong siya sa ginawa ko pero hindi naman naging dahilan yun para siya ay hindi ngumisi. Ipinasok niya ang dalawang kamay niya sa kanyang bulsa habang tumititig sa 'kin.

"See you later, huh." Bulong niya bago mabilis na tinignan ang orasan.

Nagkasalubong naman ang kilay ko sa sinabi niya.

Our SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon