cнapтer ғoυr: ☾тнe polar oppoѕιтe☽

79 9 0
                                    

『N̶Y̶X̶I̶E̶ M̶O̶N̶T̶E̶Z̶E̶L̶L̶


Nabuhayan ang diwa ko nang maramdaman ko ang init na tumatama sa mukha ko, kasabay ng naaaninag kong maliwanag na ilaw.

Nakalimutan ko bang patayin ang ilaw?

Tanong ko sa mapungas-pungas ko pang sarili bago dumapa. I took a deep breath, inhaling the unfamiliar scent of lavender mixed with a men's cologne.

May hindi yata tama dito ngayon...

Bulong ko sa isip ko bago unti-unting iminulat ang mga mata ko. Una kong nasulyapan ang itim na kisame ng kwarto bago ito dumako sa bawat gilid ng kwarto, ang mga dingding nito ay napinturahan ng purong itim, wala rin masyadong gamit dito kung hindi ang isang walk-in closet, dalawang bookshelves sa isang dulo, at ang isang mahogany table kung saan nakapatong ang nagiisang laptop.

Unti-unti na akong napabangon. Hindi ko alam kung ano ba ang nangyari at napunta ako dito, ang naaalala ko lang ay pumasok ako sa ANC, ang usapan namin ni Krys, ang pagpunta ko sa dressing room para magbihis, at noong may naghahanap daw sa kin.

Maybe..Krys brought me here?

Nakakunot-noo kong sabi sa sarili ko habang tumitingin-tingin sa paligid. Pero..Hindi naman ako na-informed na mahilig pala sa black si Krys, I thought she was more into girlish colors.

Napahiga muli ako, letting myself sink into the soft, comfortable bed. Kinuha ko yung isang unan na nasa tabi ng ulo ko at tsaka ito tinitigan.

Bakit ba feeling ko ay mali ang mga pinagii-isip ko.

Niyakap ko yung unan at doon ko muli naamoy ang lavender at yung pamilyar na amoy ng pabango para sa lalaki.

Natahimik ako ng saglit bago ko ito unti-unting narealize.

.
.
.
.

This is not Krys room, but it's certainly a guy's room!

Biglaan kong naibato ang unan bago ko hinablot ang kumot na nakatakip sa katawan ko, yung puso ko nga ay daig pa ang Ferrari sa bilis nitong tumibok dahil sa pagkakaba. At nung nakita ko ang suot-suot ko na damit ay lalo lang akong nag-panic.

I'm not wearing my own clothes anymore! Sa halip ay naka-suot na lang ako ng oversized shirt at boxers!

No! No! Noooo!

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mag-isip ng mga posibilidad kung bakit ganto ang kinahantungan ko. I'm currently torn into two, the first one is saying that I didn't do anything stupid last night, and the other one is saying that I did. Hindi ko alam kung alin ba dun ang paniniwalaan.

"Oh, you're awake."

Inboluntaryo akong napa-flinch dahil sa gulat. Napatingin ako pinto kung saan nakasandal ang isang hindi ko kilalang lalaki.

"Look, I know what you were thinking earlier." Sambit niya bago itinaas ang dalawa niyang kamay. "But I swear to you that I didn't do anything." Dagdag niya.

Noong narinig ko ang mga sinabi niya ay nabawasan ang pag-aalala ko. Pero hindi ko naman mapigilan ang mag-alala parin dahil hindi ko parin naaalala ang mga nangyari kagabi.

"I'm Eros." Pagpapakilala niya sa sarili niya bago humakbang papalapit sa 'kin.

Eros? As in yung

Our SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon