『N̶Y̶X̶I̶E̶ M̶O̶N̶T̶E̶Z̶E̶L̶L̶』
Hindi ko mapigilang mapakislot sa kinauupuan ko habang sumusulyap ng tingin sa dalawang lalaki na naka-upo sa dining chair. Sinigurado nila na lumayo sa isa't-isa, at ang naging resulta naman nito ay ang pag-upo nila ng 5 seats apart.
At simula noong nag-away sila ay wala pa ring sumusubok na magsalita ni isa lang man sa kanilang dalawa, napa-isip tuloy ako na paano kaya kung kasama ko pa rin sa bahay ang ate ko? Mag-aaway kaya kami ng katulad nito?
Hopefully not.
Wala sa sarili kong tinusok-tusok ng tinidor ko ang pancake na nasa plato ko. Maraming foods ang nakahanda sa lamesa katulad ng bacons, scramble and sunny side-up eggs, hotdogs, spam, isang bote ng peanut butter at isang dosenang tinapay.
Sapat na para sa apat na tao o higit pa!
Naalala ko naman bigla ang mga sinabi sa 'kin ni Eros kanina na inihanda niya 'to para sa aming dalawa lang.
Ang akala ba ni Eros patay gutom ako?
Nagtatakang tanong ko sa sarili ko bago isinubo ang maliit na piraso ng pancake.
Patay gutom ka naman talaga, eh.
Sagot ng boses sa isip ko. Hindi ko na napigilang bumuntong hininga. Minsan feeling ko nababaliw na yata ako, kasi naman, sino ba namang matinong tao ang makikipag-usap sa boses sa isip niya, hindi ba?
“Hey.” I heard someone murmured before I felt a poke on my right cheek.
“Huh?” Natataranta kong tanong bago umayos ng pag-upo.
“Are you alright?” Nag-aalalang tanong ni Eros habang nakatitig sa 'kin.
Inboluntaryo akong napalunok nang ma-function ng utak ko na napaka lapit na ng mukha namin sa isa't-isa. Naramdaman ko ang pag-init ng dalawang pisngi ko dahil sa close proximity, ang tanging nagawa ko na lang ay humiling na sana imagination ko lang ang pag-init ng pisngi ko at sana hindi ako mukhang ewan na namumula sa kina-uupuan ko ngayon.
I've never been this close to a guy before, considering the fact that I do not usually talk to a guy aside from Kyle and my devil of a boss. This close proximity makes me nervous.
“Oh, uh, yeah!” Sagot ko at tsaka tumango.
“You were dead silent, I almost thought that you didn't like the food.” He whispered with a sheepish smile.
How can a guy like Eros be related to Tristan?
“Get out of my fvcking house if you two are planning to make out.” Naiiritang sambit ni Tristan na naging dahilan ng paglayo namin sa isa't-isa.
“You're being rude.” Kalmadong sagot ni Eros bago hinawakan ang coffee mug niya. “And I already taught you a lot of times that you shouldn't be rude when we have our visitors.”
“Shut up.” Singhal ni Tristan bago ibinalibag ang hawak niyang phone sa mesa. “You might be my brother but that doesn't give you the right to lecture me, Eros.”
“I'm simply reminiscing our old lessons, Tristan.” Palabang sagot ni Eros bago sumipsip ng kape.
“And I don't need your reminiscing shït right now!” Sigaw ni Tristan.
BINABASA MO ANG
Our Secrets
Lãng mạnSadya nga naman na lahat ng tao sa mundo ay mayroong sikreto. May mga bagay tayo na sine-sekreto upang maprotektahan ang image o di kaya ang reputation natin. May mga bagay tayo na sine-sekreto para maprotektahan ang mga tao na mahalaga sa atin. At...