cнapтer ѕιх: ☾concern?☽

45 9 0
                                    

『N̶̶Y̶̶X̶̶I̶̶E̶̶ M̶̶O̶̶N̶̶T̶̶E̶̶Z̶̶E̶̶L̶̶L̶̶』

“Ma! May ipapabili ka ba?” Tanong ko kay Mama na naka-upo doon sa sofa habang nanonood ng 'Meteor Garden'.

Napa-ngiti na lang ako habang pinapanood siya. Halatang-halata sa mukha ni Mama na nage-enjoy siya sa pinapanood niya.

And it's a big relief. Alam ko naman na nitong mga nakalipas na araw ay punong-puno ng pag-aalala at pamo-moroblema —kung paano siya makakatulong na mabayaran ang debt nung sperm donor ko— ang buhay ni mama.

Kaya hindi ko mapigilang matuwa dahil at least ngayon ay medyo nakakapag-enjoy-enjoy na siya sa pamamagitan ng panonood ng mga Telenobela na 'yan.

“Oh, saan ka ba pupunta?” Pagtatanong niya bago tumingin sa 'kin.

“Maglalakad-lakad lang po.” Sagot ko bago umupo sa tabi ni Mama para maitali ko ang sintas ng sapatos ko.

“Nagiging madalas na yata yang paglalakad-lakad mo, ah.” Sambit ni Mama bago ako tinaasan ng kilay. “Baka naman mayroon ka ng kinikita na lalaki?” Pang-aasar ni Mama.

“Ma!” I whined before rolling my eyes. “Wala po akong kinikita na lalaki, sadyang maganda lang po ang panahon kaya napapadalas ang paglalakad-lakad ko.” Pagpapaliwanag ko bago tinapos ang pag-sisintas.

“Ito namang anak ko hindi mabiro!” Sabi ni Mama bago ako tinawanan. “Bumalik ka ng maaga, ha?”

“Opo ma.” Sagot ko bago siya hinalikan sa pisngi.

Tumayo na ako at tsaka inayos ang suot kong black long sleeves at simpleng jeans. Ganto lang talaga ako manamit kapag lumalabas ako, I don't wear fancy clothes when I go outside. Wala akong balak na gandahan ang suot ko kung sa labas lang din naman ang punta ko.

Aaminin ko na hindi ako mahilig mag-ayos. I mean, let's just say that I am more focused on my work kaya nawawalan ako ng paki-alam sa mga nau-usong style ng pananamit ngayon.

Palabas na sana ako ng bahay pero narinig ko pa ang huli at malakas na bilin ni Mama na—

“Nak! Huwag kalimutan ang proteksyon, ha!”

Hay naku...Si Mama talaga.

Sinigurado ko na nakasara na ang gate namin bago ako naglakad paalis.

Tumingin-tingin ako sa paligid bago lumanghap ng sariwang hangin, buti na nga lang ay ligtas pa 'tong lugar namin mula sa polusyon ng mga usok ng sasakyan at basura. Pili na lang ang mga lugar na may sariwang hangin ngayon dahil nga sa maraming dahilan katulad ng usok ng mga sasakyan, kawalan ng puno sa paligid dahil sa manmade structures, mga basura, at marami pang iba.

Unti-unti akong napatingin sa kalmadong langit. Ang karaniwan na kulay puting ulap ay nahaluan na ng kulay Kahel, at ang Kahel na humahalo sa kulay puting ulap ay nag-sisimbolo lamang na palubog na ang araw.

Isa sa paborito kong gawin ay panoorin kung paano lulubog at lilitaw ang araw, pero syempre mas gusto ko pa rin ang paglubog nito. Hindi ko alam kung bakit pero sa tuwing pinanonood ko ang paglubog ng araw ay kumakalma ako.

It's kind of strange.

Ipinikit ko ng saglit ang mga mata ko bago bumuntong-hininga.

Ilang araw na rin ang lumipas simula noong dinala ako ni Tristan sa bah— mansion niya dahil nga nahimatay ako. Ilang araw na rin ang nakalipas simula noong nakita ko si Eros. At syempre, ilang araw na rin ang nakalipas pero ginugulo pa rin ako ng isip ko.

Our SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon