『T̶R̶I̶S̶T̶A̶N̶ E̶. A̶V̶I̶E̶L̶̶』
Mabilis kong iminulat ang mga mata ko para iligtas ang sarili ko sa panaginip na gusto akong bihagin pang habang buhay. Iniangat ko ang itaas na bahagi ng katawan ko sa postura ng pag-upo, kasabay non ang pagkaramdam ko sa nagtatagaktak na pawis na binabalutan ang katawan ko.Isinandal ko ang likod ko sa headboard ng kama ko habang pinapakalma ang puso ko na nagdadaloy ng adrenaline rush sa katawan ko na naging dahilan ng pagkawala ng antok ko. Napahilot na lang ako sa sintido ko nang mapunta ang tingin ko sa orasan na nakakabit sa pader na nasa taas ng pinto ko.
2:50 A.M.
Same hour as usual na naman.
Imbis na bumalik sa tulog na karaniwan kong sinusubukan ay bumangon na lang ako. Alam ko na sa sarili ko na hindi na ako papatulugin ng mga bangungot ko, kung makatulog man ako ay tiyak ako na susubukan lang akong bihagin ng mga masasamang bangungot na mga 'yun.
I'm just so fvcking tired of wasting my time trying.
Hinablot ko ang manipis na white T-shirt at jogging pants na nakasabit sa swivel-chair ko. Agad ko itong sinuot at kinuha ang black running shoes na nasa ilalim lang ng kama ko.
Umupo ako sa kama para abutin ang phone ko na nasa ilalim ng itim na unan, nang makuha ko na ito ay agad kong inilapat ang hintuturo ko sa maliit na bilog na nasa likod ng phone para ito ay mabuksan.
Agad kong i-chineck ang schedule ko ngayong araw na isi-nend sa 'kin ng secretary ko na si Montezell.
Speaking of that infuriating woman, how the heck did I didn't noticed that she was a woman all along? I mean, I've been working with her for a year and a half now ni hindi ko nga lang man nahalata na babae pala siya.
She sure do has the vocal of a man, and that dämn hair, was that a wig or what? That must be a wig, I mean, she wouldn't cut her hair, would she? Knowing typical women out there, they love their hair so much that they can even kill someone who touched a single strand of it without their freaking permission.
And yes, she was also thin. Ang kapayatan ng katawan niya ang nagliligtas sa kanya, dahil kung hindi siya payat ay malamang napansin ko na ang mga 'Womanly Assets' niya.
Dämn, her chest was a freaking board!
And that annoying attitude of hers to always talk back to me —and also argue with me— made it hard to believe that she was actually a woman.
Dämn!
Aaminin ko na ang una ko talagang ginagawa bago tumanggap ng isang employee ay ang paga-under-go ko ng private investigations sa mga profile nila. That's just for safety measures, hindi ko pwedeng ilagay sa panganib ang company ko kaya ko 'yun ginagawa.
Pero noong oras kasi na 'yun ay hectic na ang trabaho sa Aviel's, tambak na ang mga papeles na dapat gawin dahil hindi inaasahan na tinanggal ko sa trabaho ang former female secretary ko dahil sa kalandian niya. That was the reason why I was only looking for a male.
But guess what? I still got a freaking female! A female with an infuriating attitude.
Aakalain mo ba na ang secretary ko na 'yun ay hilig akong insultuhin once na lumabas na siya ng office ko? Ang akala niya siguro ay hindi ko alam ang mga pinag-gagagawa niya. How dare she do that? I got this weird feeling of ducting her mouth with a tape para lang manahimik siya.
Don't expect me to say na gusto ko siyang patahimikin sa paraan ng pakikipaghalikan sa kanya, I wasn't born that way, I wasn't born to romantic, I wasn't born to be Eros. I was born and raised to be a brutal ruler, I was born to be Tristan E.
Pinalaki ako ng mga magulang ko sa paraan na kung saan na matindi itong sumasalungat sa paraan nila ng pagpapalaki kay Eros. I'm the complete opposite of my brother, Eros. Lumaki siya sa paraan na kung saan binabalot siya ng pagmamahal ng mga magulang namin. Pero ako? Lumaki ako sa paraan na kung saan pati ang sarili kong tatay ay pinapahirapan ako para lang matutunan ang mga bagay na gusto nilang matutunan ko. Kaya nga hindi kami nagkakasundo kapag nasa iisa kaming lugar, lagi kaming nag-aaway, nagkakaroon ng issue, at lagi kaming hindi nagkaka-unawaan.
Kaya it's better kung hindi na lang kami nagkikita.
And it's not like I want to see him either.
Pagkatapos kong mai-secure ang sintas ng sapatos ko ay agad na akong tumayo para lumabas ng kwarto ko. Pagkababa na pagkababa ko sa huling hagdan ay sinalubong nalang ako bigla ng katawan ng isang tao. My natural reflex was to quickly grab my gun from my waist and aim it at the person's head, but I restrained my own self from doing that when I saw who it was, and besides I don't have a gun with me.
“What the fvck, Eros?” I seethed. “Why are you still up?” Tanong ko sa kanya bago tinignan ang kasalukuyan niyang suot.
A leather jacket and a pants in the middle of the night?
“I wanted to get some water.” Ang mabilis niyang sagot sa 'kin. “Anyways, I'm gonna go back to my room.” Dagdag niya bago umakyat pabalik sa taas ng hindi lang man hinihintay ang sagot ko.
What the freaking hell was that?
Hindi ko mapigilang mapa-isip sa mga ikinikilos niya, at sino ba namang tao ang magsu-suot ng leather jacket sa gabi? I swear, Eros is weird sometimes.
Imbis na pasakitin ang sarili kong ulo sa pag-iisip ng mga bagay tungkol kay Eros ay naglakad na lang ako palabas ng mansion. Balak ko sana na mag-race ngayong madaling araw but I'd rather do something more interesting instead, I'm going to pay ANC a short visit.
Yup the same ANC where my dear secretary works as a dancer, hindi 'yun gaanong kalayuan sa mansion kaya makakarating ako dun ng mga ilang minuto lang kung magjo-jogging ako.
I want to have some fun and I'm going to have that fun by annoying Montezell.
⊰᯽⊱┈──╌❊╌──┈⊰᯽⊱
Cut!
Kamusta naman po ang POV ni Tristan?
Maganda ba or may igaganda pa? Lol.
Comment niyo na po ang mga opinyon niyo!!!
Gustong-gusto niya talagang iniinis si Nyxie, eh no? XD
PLEASE KEEP SUPPORTING ME BY:
VOTING.
COMMENTING.
SHARING.
ADDING THIS TO YOUR READING LIST/LIBRARY.
AND ALSO BY FOLLOWING ME.Thank you!
![](https://img.wattpad.com/cover/160422215-288-k596530.jpg)
BINABASA MO ANG
Our Secrets
RomanceSadya nga naman na lahat ng tao sa mundo ay mayroong sikreto. May mga bagay tayo na sine-sekreto upang maprotektahan ang image o di kaya ang reputation natin. May mga bagay tayo na sine-sekreto para maprotektahan ang mga tao na mahalaga sa atin. At...