P̸͟͞R̸͟͞O̸͟͞L̸͟͞O̸͟͞G̸͟͞U̸͟͞E̸͟͞

192 16 0
                                    

『N̶Y̶X̶I̶E̶ ̶M̶O̶N̶T̶E̶Z̶E̶L̶L̶』

“Nyx, cancel all of my meetings today.” Deretsahang utos ni Mr. Aviel habang inaayos ang suot niyang navy blue na suit.

“Sir, alam mo naman po na bawal i-cancel ang mga meetings today, are you well aware na ilang beses niyo na po kinancel yung mga meeting na 'to?” Kalmado kong pagtatanong sa kanya at tsaka naman ako napatingin sa notebook na hawak ko kung saan nakalista lahat ng important meetings niya ngayon.

Napahinto siya sa paglalakad at tumingin sakin. “Do I look like I care?” Sarkastiko niya sagot sakin.

“No.” Tipid kong sagot sa kanya. “Pero naniniwala ako na you'll care kapag nalaman mo na ang mga tao na dapat mong i-meet ngayon ay may potential na palaguin ang business—”

“At naniniwala ako na hindi kita kinuhang secretary ko para lang sagut-sagutin mo ko.” Lumapit siya sakin, his hands curled into a fist and his eyes glinting with dangerous fury.

“Nyx Montezell, huwag mong kalimutan na kayang-kaya kitang patalsikin sa company ko.” Pagbabanta niya bago tuluyang umalis.

I sighed while removing my fake glasses na parang sing-kapal na ng encyclopedia sa school namin dati. Napa-upo ako sa swivel chair na malapit sa table na punong-puno na ng mga untouched documents.

Tristan E. Aviel.

My witty yet arrogant boss. I've been working with that arrogant jerk for a year now, halos lahat yata ng employee dito sa Company na ito ay takot na takot sa kanya. Why? Kasi lagi niyang ginagamit yung speech niya na

“Kayang-kaya kitang patalsikin sa company ko.”

I couldn't help but roll my eyes sa naluluma niya nang linya. I've been sticking with him kasi kailangan ko yung money para sa piling debt ng Dad ko, which worths 3 million in total.

Kung perpektong pamilya lang naman ang paguusapan ay malamang talo na agad ako, the type of family I'm living with is far from being perfect. Ang mom ko ay isang housewife lang, hindi siya pwedeng mag-trabaho kasi may sakit siya sa puso, gustuhin niya mang mag-trabaho ay hindi pwede, kasi sa panahon ngayon ang unang-unang tatanungin sayo ay kung may sakit ka ba na pwedeng maka-apekto sa kukunin mong posisyon.

And my dad? Pala-sugal na tipo ng tatay yun. Nagta-trabaho siya bilang construction worker pero yung lahat ng mga sini-sweldo niya ay nilulustay niya sa pagsusugal.

May nakatatanda akong kapatid..Pero maaga siyang humiwalay sa amin. Paano? Maaga siyang nag-asawa para lang ma-iahon yung sarili niya sa hirap namin. She's one selfish sister.

And me?

I'm Nyxie Montezell. I'm 23 years old and currently working as the devil's secretary, pero I bet na alam niyo na yan. Bale..Parang ako nalang ang bumubuhay sa family ko, ako yung nagbibigay sa kanila ng pera for their daily needs. Mahirap mag-ipon ng pera, lalo na kung may 3 million na debt ang sugalero kong tatay.

“Hoy!”

“Ay, sugalero kong tatay!” Pasigaw kong sabi.

“Grabe! Alam kong hindi ako masyadong ka-gwapuhan pero sure naman ako na hindi ako kamukha ng tatay mong sugalero.” Reklamo nung gumulat sakin.

I looked up to see my best friend, Kyle Lopez. I met Kyle during my trainee days here sa company, siya lang yata ang may lakas na loob na tulungan ako dahil nga may striktong utos noon ang devil ko na boss na wala dapat tumulong sakin since I must learn to fit in sa busy na Company na ito.

Our SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon