cнapтer eleven: ☾нad enoυgн☽

34 2 1
                                    

『N̶Y̶X̶I̶E̶ M̶O̶N̶T̶E̶Z̶E̶L̶L̶


“Zander...” Wala sa sarili akong napabulong habang tinititigan siya.

Biglang nanigas ang buong katawan ko nang mapansin ko ang pamilyar na ngisi sa kanyang labi. Halos kulang na lang ay maging estatwa na ako sa kinatatayuan ko ngayon dahil lang sa kanya.

Ramdam ko ang pagkalabog ng puso ko sa dibdib ko, halos kulang na nga lang ay tumalon na ito palabas ng bunganga ko, eh. Hindi ko alam na kaya pa rin pala niyang gawin ang mga bagay na 'to sa 'kin kahit na matagal na panahon na ang nakalipas simula noong nagkasama kaming dalawa.

Zander is my own definition of nightmare.

Bigla ko na lang naramdaman ang marahang tapik sa balikat ko na naging dahilan ng pagka-alarma ko sa 'king paligid. Agad akong napatingin sa likod ko para tignan kung sino man ang tumapik sa akin, at hindi ko alam kung bakit pero agad namang nabawasan ng kaunti ang tensyon sa katawan ko nang makita ko kung sino ang nasa likod ko.

“Sir.”

Bakit naman siya nandito?

Aktong magsasalita na sana siya nang may bigla na lang nagsalita sa likod ko. Kahit na hindi ko tignan kung sino man 'yun ay alam ko na kung sino siya, ang pamilyar na boses niya na hindi maalis-alis sa isip ko, ang pamilyar na boses niya na naging dahilan ng kawalan ko ng tulog noon.

Ang boses ni Zander.

“Babe, fancy seeing you here.”

Nang marinig iyon ni Tristan ay agad namang kumunot ang noo niya bago dumapo ang mga mata niya kay Zander. Ang tangi ko na lang nagawa ay titigan si Tristan, tahimik na humihiling na sana ay mailigtas niya ako.

But I knew my wish wouldn't reach him.

“Who the hell are you?” Naiiritang tanong ni Tristan kay Zander bago ipinag-krus ang braso niya.

“I'm quite hurt that you could not remember me, Aviel.” Sagot naman ni Zander, his tone wrapped in a fake pain.

“Remembering the shïtty names of insignificant persons isn't my thing.” Sambit ni Tristan bago ipinasok ang dalawang kamay niya sa bulsa ng kanyang pantalon. “So, who the hell are you?”

“Alam mo,” Bigla na lang ipinatong ni Zander ang kamay niya sa balikat ko na naging dahilan ng pag-angat ng kaba, nerbiyos, galit at takot sa katawan ko.

GET THE FVCK AWAY FROM ME!

Iyan ang gusto kong isigaw sa pagmumukha niya. Pero sadyang may nag-iisang emosyon lang na pinipigilan akong gawin ang nais ko, takot. Takot sa mga maaari niyang gawin sa akin, sa club, sa employees...At kay Tristan.

“Maniniwala na sana ako sayo, eh. Kaso...Knowing the Tristan Aviel na nakasama ko noon—” Tumigil pa siya para lang tumawa. “Imposible na makalimot siya.” Bulong niya.

Wait, what?

Nagkasama na sila noon?

Pero sa paanong paraan naman? Kailan? At bakit?

“Pero gaya nga ng sinabi mo...Noon. Kung paano mo man ako nakilala noon ay kaya kong i-guarantee sayo na hindi na ako 'yun ngayon.” Sagot ni Tristan sa kanya, his tone lacked any emotion, it was obviously monotonous, and his face morphed into a completely blank mixed with bored expression.

“I can see that.” Mabilis namang sumang-ayon si Zander sa sinabi niya.

I could only stand in between the two of them while pathetically listening to their conversation. This weird conversation in between them was like an arrow of confusion stuck to my head and I'm pretty sure that it wouldn't let me sleep or even nap today.

Our SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon