『N̶Y̶X̶I̶E̶ M̶O̶N̶T̶E̶Z̶E̶L̶L̶』
Baliw —O di kaya'y desperada— na lang siguro ang maga-agree sa isang deal na wala namang kasiguraduhan. Sino ba naman kasi ang may matinong isip ang tatanggap ng isang deal na walang kaaiguraduhan, 'di ba?
At isa na ako sa kanila.
My father's debt pushed me to take the risk and accept the freaking deal. It may sound stupid but I'll do it for the sake of my family.
Hindi ko na napigilang isuklay ang mga daliri ko sa aking buhok na sinubukan ko pang i-gel kaninang umaga. Kung ikukumpara sa dati ay halatang halata naman na medyo humaba na ito, hindi ko na naisipan pang magpagupit dahil hindi ko naman na iyon kakailanganin pa.
I'd leave Aviel's anyway, kaya hindi ko na kailangang magpanggap pa. And that made me feel somewhat relieved, sa wakas ay hindi ko na kailangan pang magsinungaling sa mga taong nakakasalamuha ko tuwing nasa trabaho ako. I feel extremely guilty sa tuwing ginagawa ko 'yun.
Unti-unti kong isinukbit ang daliri ko sa aking necktie at tsaka ito marahang niluwagan, I feel suffocated. Hindi ko alam kung dahil lang ba iyon sa kaba ko o baka naman mahigpit lang talaga ang pagkakalagay ko.
After a few moments of standing in front of the Aviel's building as I summoned my courage and confidence, I finally pushed my legs forward inside the humongous building that the Devil owns.
Pagkapasok na pagkapasok ko ay nakita ko na agad ang pamilyar na pangangatawan at pananamit ni Kyle malapit sa elevator kasama ang iba pa naming katrabaho —workmates that I do not usually socialize with— na hinihintay din ang elevator. Kung ikukumpara ang pananamit ni Kyle sa iba ay napaka-simple lang niya, he never wore any expensive suits, ties nor even shoes.
Kung tutuusin ay makakabili naman siya ng mga gano'n, eh. Malaking halaga ng pera ang sinasahod namin sa Aviel's, kung iipunin mo nga ang salary mo until next year ay paniguradong makakabili ka na ng bago mong bahay.
Playboy at egoistic man ang lalaki na 'yun pero alam ko na hindi siya ang tipo ng tao na basta basta na lang sasayangin ang pera niya para sa wala. Heck, kahit nga 50 pesos na lunch lang ay nagpapalibre pa siya!
Nagmadali akong naglakad papunta sa direksyon niya. At nang magawa ko na 'yun ay agad na akong gumawa ng paraan para mapukaw ang interes niya.
“Kyle.” Tawag ko sa pangalan niya bago tinapik ang kanyang balikat.
Agad namang nagtama ang mga mata naming dalawa bago sinakop ng isang malaking ngiti ang mga labi niya.
“Bro! Tagal na natin 'di nagkita, ah!” Ani niya bago isinukbit ang braso niya sa balikat ko.
“Tagal?” Pagu-ulit ko sa sinabi niya bago marahang napahalakhak. “It was only a day, Kyle.” Pagtatama ko sa kanya.
He's exaggerating.
“Hindi ka talaga marunong sumakay sa mga biro, pare.” Saad niya bago iniling-iling ang kanyang ulo.
“Hindi naman kasi nasasakyan ang mga biro. Ang pwede lang, jeep, tricycle, bus—” Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nang bigla na lang may tumulak sa 'kin.
Kung nakalkula ko ng tama ang mga bagay-bagay, alam ko naman na hindi talaga ako hihilata sa sahig kung matulak man ako. Napapalibutan ako ng maraming employado kaya imposible na mangyari ang ganoong bagay. Pero kahit na ganun...Hindi ko pa rin napigilan ang sarili ko na matakot, hindi naman kasi sa lahat ng oras ay kaya kang saluhin ng mga tao sa paligid mo.
![](https://img.wattpad.com/cover/160422215-288-k596530.jpg)
BINABASA MO ANG
Our Secrets
RomanceSadya nga naman na lahat ng tao sa mundo ay mayroong sikreto. May mga bagay tayo na sine-sekreto upang maprotektahan ang image o di kaya ang reputation natin. May mga bagay tayo na sine-sekreto para maprotektahan ang mga tao na mahalaga sa atin. At...