『N̶Y̶X̶I̶E̶ M̶O̶N̶T̶E̶Z̶E̶L̶L̶』
“You—you idiot! I was so worried about you!” Halos muntikan nang sumabog ang eardrums ko nang tinapat ko ang cellphone ko sa tainga ko.
“Krys! Ano ba? Balak mo bang mambasag ng eardrums, ha?” Tanong ko bago bahagyang inilayo ang phone ko para masahihin ito.
“Dio! Masyado mo kaming pinag-alala dito, Nyxie!” Sambit niya bago ko narinig ang isang malalim na buntong-hininga na nanggaling sa kanya.
I bit my lower lip and sighs. It wasn't really my intention to make them worry about me, sadyang natakpan lang ang better judgment ko ng sakit at galit. Galit sa kanya.
“I'm sorry Krys... Hindi na ulit mangyayari 'to, promise ko 'yan.” Panata ko bago napa-upo sa upuan na malapit sa luma kong study table.
“Aba! Dapat lang talaga na hindi na mangyari ulit 'yun, Nyx.”
“Yes ma'am.” Sagot ko upang mapakalma siya ng kaunti.
“Mr. Stanford was literally looking for you, woman. What the heck happened anyway?” Nagtatakang tanong sa akin ni Krys.
Napasapo na lang ako sa noo ko nang maalala ko na dapat ko nga palang puntahan si Mr. Stanford kanina. Nakalimutan ko na lang iyon bigla dahil kay Zander.
Zander...That dämn bastard.
Biglang tumakbo sa isip ko ang unexpected encounter namin kanina at yung mga kasinungalingang sinabi niya kay Tristan. Iniisip ko pa lang ang mapaglarong ngisi niya ay sapat na para iwanan akong nanggigigil sa galit.
Bakit ba kailangan niya pang bumalik sa buhay ko?
“Nyx? Buhay ka pa ba, ha?” Tanong ni Krys mula sa kabilang linya.
“Anong klaseng tanong ba naman 'yan?” I scoffed before absentmindedly gazing at the blue pen na naka lapag sa study table ko.
“Sorry, sorry...So, ano ngang nangyari?” Inulit niya ang kanina niyang tanong sa akin na hindi ko nasagot.
Hindi naman niya madalas inuulit ang tanong niya, eh. Isa lang ang ibig sabihin nito, gustong-gusto niya talagang malaman kung bakit biglaan na lang ako naglaho sa club kanina.
Pero ang tanong...
Handa ba akong sabihin sa kanya ang lahat ng mga iyon?
Kaibigan ko si Krys at dapat hindi ako naglilihim sa kanya... Pero may mga bagay lang talaga na mahirap sabihin at ipa-intindi.
“Sumama ang pakiramdam ko, Krys.” Pagsisinungaling ko.
“Oh...Buti buhay ka pa.” Narinig kong sagot niya.
“A-aba't! Pangalawa mo na 'yan, ha!” Reklamo ko.
Narinig ko ang marahang pagtawa niya sa kabilang linya.
“Biro lang naman, Nyx. Anyways, okay ka na ba?” Tanong sa akin ni Krys.
I couldn't help but feel guilty.
“Yes, I'll be.” Napatingin naman ako sa orasan na naka kabit sa dingding na malapit sa kama ko. “I need to go, kailangan kong makabawi ng kahit saglit na tulog para sa trabaho ko maya-ma—”
BINABASA MO ANG
Our Secrets
RomanceSadya nga naman na lahat ng tao sa mundo ay mayroong sikreto. May mga bagay tayo na sine-sekreto upang maprotektahan ang image o di kaya ang reputation natin. May mga bagay tayo na sine-sekreto para maprotektahan ang mga tao na mahalaga sa atin. At...