cнapтer тen: ☾вlaѕт ғroм тнe darĸ paѕт☽

43 4 0
                                    

『N̶Y̶X̶I̶E̶ M̶O̶N̶T̶E̶Z̶E̶L̶L̶


“Nice pole dancing, Nyx.” Bati sa 'kin ni Krys nang makaalis na ako sa stage.

Yes, nag-pole dance ako ngayong hatinggabi. Ni-rentahan kasi ang ANC for a whole midnight ng isang famous racer na si Ryker Stanford, at ayon sa mga chismosa kong mga co-workers birthday daw ni Ryker ngayon kaya dito niya sine-celebrate ang birthday niya. He personally requested the manager to have someone that will perform a pole dance on stage, and the manager —unfortunately— picked me.

Speaking of manager, kahit na isang beses lang man yata ay hindi pa kami personal na binibisita ng Manager ng ANC, karaniwan niyang pinapapunta ang Secretary niya para ihatid ang kanyang mensahe or whatsoever. Minsan nga ay hindi ko mapigilang mapa-isip kung bakit ganoon.

Mahiyain lang ang peg ni Manager?

Anyways, back to the current topic.

Ang dapat kong gagawin ay magpapa-excuse muna ako ngayong gabi dahil nga kailangan ko mag-brainstorm ng mga idea para sa event. Honestly I was about to turn down the offer but the manager offered a decent sum of salary kaya hindi ko na 'to natanggihan pa.

I need to earn more money to pay that Devil.

“Uy babe!” Narinig kong bati ng isang pamilyar na boses, tumingin ako sa likod ko at doon ko nakita si Hera na tumatakbo papalapit sa amin ni Krys.

Si Hera ay isa rin sa waitress ng club na 'to. Nag-leave siya ng ilang weeks ng hindi lang man sinasabi ang dahilan sa amin. Noong una nga ay akala namin ay nabuntis na siya or what.

Agad namin siyang binati ni Krys bago niya kami niyakap isa-isa.

“Na-miss ko kayo, gosh!” Sambit niya bago tumalon-talon na para bang bata.

“Eh, saang lupalop ba ng mundo ka nagpunta, ha?” Tanong sa kanya ni Krys.

“Sa Korea, duh.” Sagot naman ni Hera bago hinawi ang itim niyang buhok.

“Ewan ko sayo girl. Paano ka makakapuntang Korea? Eh, papuntang Muñoz pa nga lang ay wala ka ng pamasahe, eh.” Sabat ko habang humihirit ng tawa.

“Ang harsh talaga!” Reklamo niya bago marahang pinalo ang braso ko ng palad niya.

“Malay mo nakasibat ng mayaman na boyfriend!” Pang-aasar ni Krys sa kanya.

“Siguro.” Sakay ko sa pambibiro ni Krys bago tinaasan ng kilay si Hera.

“Hindi kaya!”  Sagot ni Hera bago inirap ang mga mata niya.

“Excuse me, pwede bang mahiram ang pole dancing girl?” Awtomatiko kaming napalingong tatlo sa pinanggalingan ng boses.

“Sorry Axel, sa amin siya ngayon.” Sagot ni Hera bago niya ipinulupot ang braso niya sa braso ko.

“Oh, come on!” Reklamo ni Axel bago nag-pout. “Palayain niyo naman siya.”

He's Axel Sebastian Cruz. He's already 29 pero kung titignan mo siya ay aakalain mong 18 years old lang siya dahil sa baby face niya. Mabait, magalang, at honest, 'yan ang pagkakakilala ko kay Axel. Nagta-trabaho siya as a Bartender dito sa ANC for 9 months now, at siya rin ang personal na gumagawa ng mga mix ng inumin dito sa club.

“Sus, bakit? Para maligawan mo?” Nang-aasar na tanong sa kanya ni Hera na sinabayan pa ng pag-sipol ni Krys.

“Axel.” Tawag ni Krys sa kanya bago ako itinuro. “Ba-bustedin ka lang niyan.” Kunwaring bulong niya pa sa lalaki kahit na rinig na rinig ko naman siya.

Our SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon