Happy 100+ reads hihihi maraming maraming salamat po sa mga nag babasa at sa mga nag vovote maraming salamat din. Di niyo alam kung gaano niyo ako napapasaya pag nag vovote kayo so nainspire lalo ako na gumawa. So again Happy 100+reads
Iloveyou guys wmuah mwuah♡💋
Zhanaira's pov
Parang naestatwa ako sa kinatatayuan ko ng makita ko si kurt sa sahig na nakaupo hawak hawak niya din ang kaniyang mukha. Sobrang nag aalala ako sa kaniya hindi ko alam kung bakit ko to nararamdaman pero natatakot talaga ako. Tinanong ko siya pero di siya sumasagot lalo lang akong nababahala
"Hala okay ka lang ba kurt?! Huy ano sagot okay ka lang ba? "Sobra na akong nag aalala. Nanginginig na din ako hindi ko alam ang gagawin. Tapos bigla siya nahimatay hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.
"Tulong, tulungan niyo ang kasama ko nag mamakaawa ako!"mangiyak ngiyak kong hingi ng tulong
Buti na lang may lumapit samin upang tulungan si kurt. Hindi kona alam ang gagawin ko sobrang nag aalala na ako kay kurt. Tapos tapos dumudugo pa ang ilong niya. Gusto ko na talagang umiyak sa pag aalala kay kurt .Hanggang ngayon nanginginig pa din ako
Binuhat nila si kurt at ako naman ay sumunod na. Isusugod namin si kurt sa pinaka malapit na hospital
Nang naisugod na namin si kurt sa pinaka malapit na hospital ay nag hintay muna ako sa waiting area. Bigla naman may umupo sa tabi ko isang babae na maganda at ang asawa ata nitong lalaki kasama ang batang lalaki na umiiyak mukhang nasa pitong taong gulang lang ang bata
"Iha pasensiya kana ha, hindi sinasadyang matamaan ng anak ko ng bola yung si kuya hindi talaga namin sinasadya"ah sila din yung tumulong na mag buhat kay kurt at dalhin dito sa ospital
"Ah okay lang po iyon alam ko naman pong hindi sinasadya ng anak niyo po eh"
"Kami na ang bahala sa mga gastos ni iho pasensiya na talaga iha"hingi pa rin sila ng hingi ng tawad naiintindihan ko naman sila eh hindi naman nila talaga sinasadya eh
"Sige po"ngumiti naman ako sa kanila
Napatingin naman ako sa bata na kasama nila. Napangiti naman ako ng maalala ko na ang batang napaka cute na to ang nakapag patulog kay kurt nayun
"Hello baby anong pangalan mo? "I said in a soft tone
"Hello din po i am Ace jaxson Munti villa 7 years old po kayo ate nget? Huh ano daw ate nget
"Bat naman baby ate nget? "
"Ah kasi po panget po kayo pero mabait naman po kayo kaya like kona din po kayo"ngumiti pa siya sakin aba bakit may panget grabe naman ang batang to
"Ah okay pero ako nga pala si ate Zhanaira"
Masasalita pa sana yung bata bigla naman nag bukas ang pinto. Napatayo na lang ako at bumalik ang sobrang pag aalala na nararamdaman ko kanina
"Doc kamusta na po ang kaibigan ko okay lang po ba siya? "Please doc sabihin mong okay lang siya
"Ahm oo iha okay lang siya hindi naman malala yung pag kakatama nung bola sa ulo niya nahilo lang siya sa pagkakatama nung bola kaya nawalan siya ng malay at tungkol dun sa nosebleeding niya dahil din yun sa pagtama nung bola at pwede na din siyang madischarge na maaga"hayz buti naman okay lang ang lokong yun kinabahan talaga ako at nag alala ng sobra hindi ko nga alam kung bakit eh
BINABASA MO ANG
Love Full Of Promises
Teen FictionPagmamahal na puno ng mga Pangako Pangakong hindi ka iiwan Pangakong papasayahin ka Pangakong hindi ka lolokohin Pangakong mamahalin ka habang buhay Pangakong bubuo tayo ng sarili nating pamilya At Pangakong tayong dalawa hanggang sa huli Pa'no kung...