2 hours have passed...NANDITO kaming apat na babae sa isang store na bilihan ng mga swimsuit. Ang mga kalalakihan naman ay gumala muna pansamantala para mag pahangin.
Nakikita ko ang buong paligid na puno ng mga nag gagandahang mga swimsuit ngunit sobrang revealing naman. Parang ang laswa tignan kung ganon lang ang suot suot ko. Mas gugustuhin ko pang mag panjama at mag suot ng oversized na damit kahit nandito kami sa beach wag lang yang mga ganiyang mga saplot.
"Zhaira bagay 'to sayo" Napatingin naman ako kay Dutch. Hawak hawak niya ang isang 2 piece na kulay itim. Seryoso ba siya? Don't tell me iyang ang ipapasuot nila sakin. Ako na lang kasi ang walang napipiling swimsuit.
"Seryoso ka Dutch? Iyang telang yan ang ipapasuot mo sakin? Mas gugustuhin ko na lang na mag panjama at oversized na T-shirt kesa sa suotin ko yan" Hindi ako makapaniwala na ipapasuot nila yan sakin.
"Zhanaira naman wag ng mag inarte. Bagay naman sayo yan" Seryosong saad ni Ria. Pati ba naman si Ria!
"Pero..." Pinutol ni Eljane ang sasabihin ko.
"Wala ng pero pero. Lakad na sa fitting room ng makaalis na tayo at makapag swimming na" Napabuntong hininga na lamang ako at kinuha kay Dutch ang itim na 2 piece.
KASALUKUYAN kaming nandito sa may dalampasigan. Marami pa ring mga turista ang mga nandito at nag papakasaya dahil sa magandang view, kulay asul na tubig at kulay puting mga buhangin.
Talagang napaka ganda dito sa batangas. Talagang maipagmamalaki ang mga tanawin dito. Hinding hindi ka mag sisisi kung pumunta ka dito at matunghayan ang ganda ng batangas.
Kanina pa rin maraming tumitingin sa amin. Lahat kasi kami ay naka swimsuit na rin at hindi maipagkakailang ang gaganda ng katawan ng mga kasama ko ewan ko na lang sakin.
Sa totoo lang naiilang na talaga ako sa suot suot kong 'to. Hindi kasi ako komportable na mag suot ng mga ganitong kareaveling na tela. Lalo't sa maraming makakakita pa, pero no choice eh. Baliw kasi 'tong mga kasama ko.
"Tara guys mag gala gala muna tayo. Hanapin na rin natin ang boys ng sabay sabay na tayong mag swimming!" Masiglang saad ni Ria. Nakasuot siya ngayon ng matingkad na rosas na 2 piece.
"O sige sige" Sang ayon ni Eljane. Nakasuot naman siya ng kulay violet na 2 piece.
Habang si Dutch naman tahimik na nag cecellphone. Nakasuot siya ngayon ng kulay pulang 2 piece. At ako? Alam niyo na yun.
"Guys text ko na lang kaya si Kuiper para malaman kung na'san sila. Nakakatamad naman kasi silang hanapin" Ngumiti naman kami ng kakaiba sa kaniya kaya napataas ang kilay niya.
"Oh...anong klaseng ngiti yan? Problema niyo?" Nakataas kilay pa ring saad niya.
"Girl bat kasi 'di mo na lang maamin na may gusto ka kay Kuiper" malisyosang saad ni Eljane.
"Oo nga dutch halata din naman eh" Natatawang saad rin ni Ria.
"Ano ba yang pinag sasabi niyo! Ako? The beautiful, hot and gorgeous Dutchess mag kakagusto lang sa isang low class na unggoy? No way!" Natawa naman kami kasi halata namang defensive siya masiyado sa sagot niya.
BINABASA MO ANG
Love Full Of Promises
Teen FictionPagmamahal na puno ng mga Pangako Pangakong hindi ka iiwan Pangakong papasayahin ka Pangakong hindi ka lolokohin Pangakong mamahalin ka habang buhay Pangakong bubuo tayo ng sarili nating pamilya At Pangakong tayong dalawa hanggang sa huli Pa'no kung...