Chapter 38

130 7 7
                                    

Ang bilis lumipas ng mga buwan at mag aapat na buwan na kaming pumapasok at mag kakasamang mag babarkada. Lagi kong kasama si James at believe me or not? Boy besfriend ko na siya. Yeap mas naging close kaming dalawa nitong mga nakalipas na buwan. Ang saya pala niyang kasama. Palagi kaming nag fofood trip non pag weeken minsan kaming dalawa lang at minsan ay kasama ang buong barkada.

Ngunit nag tataka ako dahil sa ikinikilos ni Kurt mas lalo itong naging tahimik. Biruin niyo di na siya umiimik pag mag kakasama kami. Mas lalo din siyang naging malamig, pag kakausapin namin siya ang ikli ikli ng sagot niya at ang lamig lamig ng kaniyang pakikitungo sa amin. Bakit naman kaya siya ang kakaganon? E bakit ko ba siya iniisip? Kasi concern ka sa kaniya. Sabi ng konsensiya ko. Ako concern sa kaniya? No way!

"Miss Lopez! Are you with us?" Napatigil ako sa pag iisip ko ng biglang tawagin ng prof namin ang apelyido ko. Oww fudge na space out ba ako? Halos lahat ng kaklase ko ay nakatingin sa sakin kaya mas lalo akong nailang

"Ahh yes yes ma'am" She smirked at me na ikinalunok ko. Matapang pa naman ang prof naming 'to.

"Very good! Mag kakaroon tayo maya maya ng qiuz at titignan natin kung nakikinig ka ba talaga sa lesson ko or hindi" Ngumiti naman ako ng nakakailang kay ma'am bago tumango. Nag simula na ulit siyang mag turo napahinga naman ako ng malalim. Buti na lang ay nag advance reading ako kagabi kaya alam kong may isasagot ako sa qiuz namin mamaya.

"Psst" napatingin naman ako kay James nung tinawag niya ako. Nag tataka naman akong napatingin sa kaniya.

"Ba't ka ba nas-space out? Pansin ko lang nitong mga nakaraang araw ay nawawala ka sa sarili mo. May problema ka ba?" He whispered. Pati pala yun napapansin niya? Nito kasi may iniisip akong tao. Hindi ko kasi alam kung bakit parang apektado ako sa kaniyang mga ginagawa. Gayung hindi naman kami mag kaibigan. Ano ba talagang problema ng sarili kong 'to ang gulo gulo ko na talaga nitong mga nakaraang araw.

"Mitch you're spacing out again" He whispered to me. Napa sorry naman ako sa kaniya. Ngumiti na lang siya sakin.

----

Lunch time na at nag paalam muna ako kay James na mag ccr lang ako. Gusto pa niya akong samahan ngunit sabi ko kaya ko na at hindi na ako maliligaw. Napatawa naman siya dun at pumayag na umuna na siya dun sa cafeteria. Habang nag lalakad ako sa hallway papuntang cr ay parang may nararamdamang akong sumusunod sakin kaya napalingon ako sa likuran ko at paligid ko. Nag palinga linga naman ako at wala naman akong nakitang kakaibang estudyante na may kakaibang kilos.

Siguro napaparanoid na ata ako? Dala lang ata ito dahil sa iniisip kong tao. Nag patuloy na ulit akong lumakad. Pero pakiramdam ko talaga may sumusunod sakin. Hindi ko na lang yun pinansin dahil paranoid lang siguro ako. Direderetso ako sa may cr ng matanaw ko na ito. Agad naman akong nag cr nung makapasok na ako. Nung pag ka tingin ko sa may baba ko na pansin ko na parang may pula. Tinignan ko naman ito at nanlaki ang mga mata ko.

Meron ako ngayon!

Hwuahh pano na 'to? Anong gagawin ko? Tinignan ko naman ang palda ko at ang laking panlulumo ko nung mapansin ko na may maliit na pulang mantya na ito. Iniwan ko pa naman kay James ang cellphone ko. And now i know that i'm dead.

*Tok Tok*

Nabaling naman ang pansin ko sa pintuan ng cr na katapat ko lang. Ba't may kumatok? Sa dami ba naman ng cr dito. Dito pa nais nang kumakatok na to na mag cr. Parang maiiyak naman ako dahil nga meron ako. Buti na lang at hindi pa masyadong halata ang tagos ko.

*Tok Tok*

"Teka lang naman!" Sigaw ko dun sa kumakatok. Natataranta tuloy ako eh. Di ko alam kung anong gagawin ko ngayon! Paano na yan? Anong gagawin ko? Mag kulong na lang ang magdamag dito sa cr? No way!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 15, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Full Of PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon