Chapter 31

76 21 2
                                    

MATAPOS naming kumanta ay katahimikan ang nahimigan namin sa buong staduim. Tila takot sila mag salita baka kasi ano mang oras baka madeads sila.

Pero bigla na lang....

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Wuahhh Zhanaira ang galing mo!"

"Wohoooo idol na kita Zhanaira at Ria!"

"Akin ka na lang Zhanaira!"

"Ang ganda ganda mo Zhanaira!"

"Woohooooo!"

Natuwa naman ako sa kanilang mga komento hindi ko inaasahan na gaganda ang impresyon ko sa kanila.

Ngunit ganiyan naman talaga ang mga tao sa panahon ngayon. Pag panget ka parang ang tingin lang nila sayo ay isang basura na kailangan ng sunugin dahil tila peste lang ang tingin nila sayo. Pero pag maganda ka sasambahin ka nila, ituturing ka nilang prinsesa o 'di kaya ay reyna dahil nga maganda ka.

Napapailing na lamang ako sa naiisip ko ngayon. Sadyang ganiyan na talaga ang mga tao sa panahon ngayon masyadong mapanghusga. Porket ba panget pag kinaibigan mo mag kakavirus ka? Suntukin ko kayo jan makita niyo.

Buti na lamang at may ilan pang mga taong hindi tumitingin sa panlabas na anyo tulad na lamang ng aking mga kaibigan. Hindi nila ako hinuhusgahan sa halip ay ipinag tatanggol pa nila ako sa mga nang aapi, sa akin tunay nga silang mga kaibigan. Hindi tulad ng iba jan mga plastic dapat sa inyo sinusunog ng hindi na makapag lasik pa ng lagim.

NANDITO na kami sa aming bahay kahit madaling araw na. Madaling araw na kasi natapos ang aming Christmas party.

Masyadong nag enjoy ang mga tao sa Christmas party. Parang naging bar kanina ang staduim dahil sa dim lights at may DJ pa na nag papatugtog ng malalakas na musika.

Hindi rin nawala ang mga nakakalasing na inumin, ngunit kaming mga babae ay juice lang ang ininom dahil pinag bawalan kami ng aking kapatid kasama na rin ang tatlong lalaki na uminom ng mga nakalalasing na inumin.

"Talagang napaka daya naman ng mga lalaking ito at sila lamang ang uminom" nakasimangot na turan ni Eljane. Hindi kasi siya sang ayon sa apat na lalaki na pag bawalan kaming uminom ng nakalalasing na inumin kesyo nasa tamang edad na naman daw kami, ngunit hindi talaga nag patalo ang apat na kalalakihan kaya wala ng nagawa si Eljane.

"Tama ka jane! Talagang napaka daya ng mga lalaking yan! At tignan mo sila lang ang lasing! Tayo pa ang nag buhat sa kanila kahit napaka bigat ng mga betlog ng mga ito" namula naman ang aking mukha dahil sa malaswang sinabi ni Dutchess.

"Duch napaka bargas naman niyang sinabi mong babae ka!" Namumulang turan ko sa kaniya. Ngunit ang gaga tumawa lamang.

"Naku Zhaira tunay naman ang aking sinabi na napaka bigat ng kanilang betlog kaya sila ay napakabigat rin diba Eljane?" Tumawa rin si Eljane at sinang ayunan ang sinabi ni Dutch.

Napapailing na lamang ako sa dalawang ito. Binalingan ko naman ng tingin si Ria na tahimik na akay ang kapatid ko. Bawat isa sa amin ay may akay na lalaki upang ipasok sa aming bahay napag desisyunan kasi namin na dito na lamang matulog sa aming bahay. Aka'y ni Eljane si Jm, Aka'y naman ni Dutch si Kuiper, Aka'y naman ni Ria si Kuya at ako aka'y naman si Kurt.

"Ria okay ka lamang ba? Kanina ka pa tahimik jan?" Nag tataka kong tanong sa kaniya. Pansin ko kasi na kanina pa siya walang imik.

"Ayos lamang ako Zhanaira wag mo 'kong intindihin" Ngumiti siya sa akin matapos yung sabihin. Kaya napanatag na rin ako at gumanti rin ng isang ngiti.

Love Full Of PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon