Chapter 22

86 47 2
                                    

Dedicated to:zztrisha

Eljane's pov

"Ang saya ng pinanood natin hahaha di' pa din ako makaget over dun sa bida hahaha ang timang kasi eh" tumatawang turan ko kay Jm na nakangiting nakatingin sakin

"Yeah sobrang saya nga eh halata nga sa mukha mo eh" napasimangot naman ako sa sinabi niya

"Oh? Bat' sumimangot ka?" Nag tatakang turan niya sakin

"Di' ka ba nasiyahan sa pinanood natin?" Nakasimangot pa ring saad ko sa kaniya

"Nasiyahan naman bakit?" Nalilito siyang nakatingin sakin

"Eh kasi sabi mo kanina sobrang saya nga halata sa mukha ko,para namang hindi ka nasiyahan sa pinanood natin eh?" Nakasimangot pa ring saad sa ko sa kaniya

"Nasiyahan kaya ako" nakangising sagot niya sakin. Lalo naman akong napasimangot sa sagot niya

"Nasiyahan daw eh tutok ka nga sa cellphone mo buong palabas ng sine eh" tumalikod ako sa kaniya habang nakasimangot "Tatawa ka lang din pag sinasabi kong nakakatawa na yung palabas eh, tapos babalik na ulit ang pansin mo sa cellphone mo, dapat hindi ka na lang nag aya manood ng sine at sana nakipag bonding ka na lang din diyan sa cellphone mo" nakatalikod pa ring saad ko sa kaniya at hindi nawawala ang pag ka simangot ng aking mukha

Bigla niya naman akong hinila upang mapaharap naman ako sa kaniya at sobrang mag kalapit na ang mga mukha namin

Namula naman ako sa posisyon namin ngayon. Pinag titinginan na din kami ng mga taong may mga matatamis na ngiti sa labi

"Ang sweet naman nung lalaki oh, sinusuyo niya ang girlfriend niya"

"Gosh! Besh oh nakakakilig sila"

"Kuya, Ate walang forever! Maghihiwalay din kayo!"

Natawa kami parehas ni Jm sa huling sumigaw. Ang bitter naman ata ng sumigaw na yun

Pero natigil ang pag tawa ko ng maalala ko na nag tatampo nga pala ako sa kaniya

Tinulak ko siya ng mahina pero ayaw niya akong pakawalan sa bisig niya lalo naman akong namula, tingin ko para na akong kamatis dito dahil sa pula

"Ang cute mo talaga" sabi niya sakin sabay pingot ng aking ilong habang nakangiti

"A-ano ba" reklamo ko sa kaniya habang naka simangot parin

"Wag kana magtampo sakin please" saad niya sabay paikot sakin upang mayakap niya ako mula sa likod

Mas lalo na ata akong namula dahil mas malala na ata posisyon namin ngayon, shete ka Jm bat' ka ba ganito

"A-anong bang gi-ginagawa m-mo?" Hindi ko mapigilang hindi mautal dahil sa pag kailang ng posisyon namin ngayon

"Hinahug ka para di' kana mag tampo sakin" malambing niyang bulong sa tenga ko

Parang nag sitaasan naman ang mga balahibo ko dahil sa bulong niya sa tenga ko

"Hi-hindi mo na-naman na k-kailangan ga-gawin ya-yan" utal ko pa ring saad sa kaniya

Love Full Of PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon