Chapter 37

51 4 0
                                    


Narito ako ngayon sa napag usapan naming cafeteria nina Ria. Kasalukuyan ko silang hinahanap. Ang hirap nila hanapin dahil ang daming tao ngayon. Kasama ko nga pala ngayon si James, ang sarap niyang kausap, hindi kasi siya boring kausap, at paminsan minsan ay nag papatawa.

Kanina pa ako lumilingon at hinahanap sina Ria. Nasaan na ba ang mga babaeng yun! Ang hirap naman nilang hanapin.

"Zhaira!" Hanggang sa narinig ko sa may bandang likuran ko ang isang pamilyar na boses. Agad naman ako napalingon sa tumawag sakin. Napahinga pa ako ng malalim ng makita  ko na sila. Sa wakas nag pakita din sila! Gutom na gutom na kasi ako.

"Tara James andun pala sila, pinahirapan pa tayong maghanap eh" nakangusong saad ko sa kaniya. Kinurot naman niya ang kanang pisngi ko, kaya namula ito. Ang bilis din namin nagkapalagayan ng loob kasi nga ang bait niya at madaling makisama sa babae.

"Ang cute mo, pero hayaan mo na atleast nahanap na natin sila, alam kong gutom kana, based on your facial expression" Natatawang saad niya. Yeah kanina pa nga akong gutom eh, samahan pa na pinahirapan akong paghanapin ng tatlo. Tsaka sinamahan niya ako maghanap, binanggit ko sa kaniya ang itsura ng tatlo kung sakaling makita niya ito.

Lumakad na naman kami papalapit sa tatlo. Napansin ko na may halong gulat ang mukha nina Dutch at Eljane na ikinataka ko, habang si Ria naman ay may makahulugang ngiti! Shemay alam ko iniisip ng gagang 'to.

"Oh my gosh! Warden!!!" Sabay takbo ni Dutch papalapit kay James at niyakap ng mahigpit. Nag taka naman ako sa ikinilos ni Dutch. Mag kakilala ba sila? Mag kaano ano sila.

"God Warden ikaw nga! Kamusta kana?! Kamusta si baby Emerald ko?!" Sunod sunod na saad ni Dutch na ikinatawa naman ni James. Okay mag kakilala nga sila.

"Easy easy Chess, hintay lang mahina ang kalaban" Natatawang saad ni James. Tahimik lang akong nakikinig sa kaniya, katabi ko ngayon si Ria na may nakakalokong ngiting nakapaskil sa kaniyang mukha, hindi ko na lang ito pinansin.

"Ikaw talaga hindi ka pa rin nagbabago" Sabay pingot sa tenga nito na ikinangiwi naman ni James. Okay naoop kami dito. "At bakit hindi mo sinabing dito ka mag aaral at nakabalik kana pala" Nakataas ang kilay ni Dutch. Napakamot na lang ng ulo si James.

"Last week lang ako nakabalik no, tsaka inayos ko pa ang condo ko"

"Ah, anway guys ito nga pala ang pinsan kong si Warden James Rufel, pinsan ko siya to my mother's side" pakilala niya kay James. Ah so pinsan niya pala, kaya pala ganon na lang ang reaction niya "Warden mga bago ko nga palang kaibigan sina Rializa Suayan, Ria for short" ngumiti naman si Ria kay James na ginantihan din naman ni James. "At ito naman si..." Hindi na naituloy ni Dutch ang sasabihin niya dahil si James na ang nag patuloy nito.

"Zhanaira Mitch Lopez, yeah yeah I already know her" Ngumiti siya na nag palabas ng dalawa niyang dimples.

"Uy pag ibig na ba itu?" Napatingin naman ako ng masama kay Eljane ng sabihin niya yun. Habang si James naman ay tumawa lang. Whoot hindi siya nagalit?!

"Uy El anjan ka pala, kamusta na?" Nakangiting saad niya kay Eljane.

"Ayos lang naman heto maganda pa rin naman" Sabay flip hair pa nito. Na ikinatawa namin.

"Bat nga pala kayo mag kasama at pano mo nakilala si Zhaira?" May nakakalokong ngiti ang nakapaskil sa mukha ni Dutch. Loka talaga ang mga 'to binibigyan ng malisya ang pag kakasabay namin ni James. Alam ko na talaga ang takbo ng bituka ng mga kaibigan kong 'to pag malungkot ang isa sa amin ay alam namin.

Love Full Of PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon