KINAGABIHAN ay napagpasyahan ko na mag ikot ikot muna sa may dalampasigan. Sigurong wala namang masamang tao ang mag babalak sakin dito. Ang saya namin kanina habang nag swi-swimming kami hindi na lang din nila tinanong kung bakit ako nag maong short. Binigyan na lang nila ako ng mapanuyang tingin. Iniwasan ko na lamang ang mga tingin nila. Sapagkat ako'y naiilang.Habang nag lalakad ako may nakita akong isang puno. Pinuntahan ko ito at nakita ang lapag nito na parang kininis. Sa lapag namang iyon ay duon ako umupo. Natanaw ko mula sa lapag na inuupuan ko ngayon ang dagat na tahimik na umaalon na umaabot sa may dalampasigan. Napaka ganda ng natatanaw ko dito. Sinabayan pa ng mga libo libong mga bituin na nag niningning sa malawak na kalangitan.
Habang pinag mamasdan ko ang ang kalangitan at ang dagat ay bigla na lamang may nag salita sa likuran ko na ikinagulat ko.
"Why are you here? Ba't ayaw mo dun sa may dalampasigan. Nanduon sina Zhyrell na nag kukwentuhan" Tama ang sinabi niya nanduon sa may dalampasigan sina Kuya na nag bobonfire tapos nag kwekwentuhan sila.
Sa tuwing nakikita ko siya hindi maiwasan ng aking puso na bumilis ng pag kalakas lakas na tila gusto na nitong lumabas mula sa aking dibdib. Hindi ko alam kung ano ba itong nangyayari sa akin. Sapagkat ngayon lamang ako nakaranas ng ganito.
"Ah eh... Wala naman nais ko lamang mapag isa" Turan ko naman sa kaniya. Umupo siya sa tabi ko ngunit may espasyo.
"Do you have a problem? Kaya nais mong mapag isa?" Tanong niya sakin. Hindi ko alam o ano pero parang mababakasan ko sa boses niya na parang nag aalala siya? Oh baka assuming lang talaga ako.
"Wala naman talagang gusto ko lamang ng mag isa muna"
"Ahh.." Tumatango tango pa niyang sabi.
Pagkatapos niyang sabihin yun ay wala na muling nangahas na mag salita. Mahabang katahimikan ang nangyari sa pagitan namin. Hanggang sa binasag ko ang katahimikang iyon.
"Ang ganda ng mga bituin na nag niningning ngayon sa kalangitan diba?" Tanong ko kay Kurt habang hindi pa rin inaalis ang tingin ko sa mga libo libong bituin sa langit.
"Oo napaka ganda" Turan niya. Lumingon naman ako sa kaniya at napansing hindi naman siya nakatingin sa kalangitan kundi sa akin.
"Alam mo wala sa mukha ko ang mga bituin" Binaling ko ang ulo niya at itiningala ito sa kalangitan "Nandyan po ang mga bituin ha, wala sa mukha ko" Natawa naman siya ng bahagya. Kaya parang sumikdo ang puso ko dahil sa tawa niya na parang musika sa aking mga pandinig.
"Hindi lang naman mga bituin ang maganda ngayong gabi eh" Makahulugang saad niya na hindi ko naintindihan.
"Ha? Ano ang iyong ibig sabihin?" Nag tataka kong saad. Ngumiti naman siya sakin. Na lalong nag pabilis ng tibok ng puso ko. Mamamatay na ba ako sa heart attack?
"Pati kasi nasa harapan ko napaka ganda" Bigla namang nag init ang dalawa kong pisngi na alam kong namumula na sa mga oras na 'to. Buti na lamang at madilim at hindi niya nakikita ang pamumula ng mag kabila kong pisngi.
"A-ano bayang sinasabi mo? G-gusto mo bang itulak kita jan sa dagat na yan ha"
"Sige ba itulak mo 'ko basta ba eh sasaluhin mo ako" nakangiti niyang saad. Mas lalong nag init ang mag kabila kong pisngi . Alam kong nadagdagan pa lalo ang pamumula ng aking mga pisngi.
Hindi ko rin alam kung bakit ganito siya sakin ngayon. Parang ibang Kurt ang kaharap ko ngayon sa mga oras na 'to. Para kasing hindi siya 'to eh. Hindi naman kasi niya sasabihin ang mga bagay na ito sa akin. O baka naman may sapak na ang isang 'to o kaya naman ay may isa pa siyang katauhan. Wah oh my gosh!
"Tigilan mo ako Kurt kung ako ay niloloko mo--" Pinutol niya ang aking sasabihin.
"Tingin mo ba niloloko lang kita?" Seryosong saad niya. Medyo napalunok naman ako sa biglang pag babago ng kaniyang emosyon. Kanina lang masaya at ngumingiti pa tapos ngayon seryoso na. Ano ka kuya bipolar lang?
Pero anong sabi niya? 'Tingin ko daw na niloloko niya lang daw ako?' edi ibig sabihin kung totoo ang sinasabi niya.. pero ayaw ko namang mag assume marami naman kasing nasasaktan sa pag assume. Kaya ayaw kong maging isa sa nga iyon.
"Hayss ano ba naman itong pinag uusapan natin pwede change topic" Pag iiba ko ng usapan. Kasi talagang kinakabahan na ako sa mga iniisip ko eh.
Hindi niya sinagot ang aking turan. Seryoso pa rin ang kaniyang mukha. Lalo akong kinabahan ng unti unti siyang lumalapit sakin. Trumiple ang kalabog ng dibdib ko na isiping hahalikan niya ako sa ikalawang pag kakataon.
Hindi ko alam kung bakit napapikit na lang din ako. Hanggang sa.......
"Hoy kayong dalawa kanina ko pa kayo hinahanap!" Napamulat naman ako sa sumigaw nayun. At tumingin sa may likuran namin. Namula pa ang mukha ko ng marealize na pumikit ako at hindi matanggap ng utak ko na hinihintay ko ang halik niya. Shit!
Hindi ko man lang siya magawang tignan kasi ang awkward. At nahihiya rin ako dahil sa ginawa kong pag pikit.
"O-oh Jm ikaw pala hehehe, bakit pa-pala?" Nauutal kong saad. Shezz sana hindi niya nakita.
"Inutos kasi sakin ni Zhyrell na hanapin kayong dalawa" Baka nag aalala na yung baliw kong kapatid. Sabi ko kasi sa kaniya sandali lang ako.
"S-sige, nasa dalampasigan pa ba sila?" Baka kasi wala na sila dun sa may dalampasigan at pumunta na dun sa bahay.
"Ah oo nandun pa sila" Tumayo na naman ako. At nag paalam na pupunta na ako sa may dalampasigan. Hindi naman ako makatingin kay Kurt na seryoso pa ring nakatingin sa akin. Tanga mo Zhanaira! Ba't ka pumikit! Wahh oh gosh!
Ngumiti muna ako kay Jm at umalis na. Hindi na ako nag bigay pa ng sulyap kay Kury kasi parang hindi ko kakayanin dahil sa nakakahiyang nagawa ko kanina.
Ano ba kasing naisipan ko at pumikit ako at hinintay ang halik niya! Oh gosh! Sabihin niyo na ako assumera pero yun talaga ang iniisip ko na gagawin niya sakin.
Hindi ako nakatulog ng maayos ng gabing iyon dahil nga sa pangyayaring iyon. Sa tuwing naiisip o pumapasok sa isip ko ang eksenang yun parang biglang nilalagnat ang dalawa kong pisngi.
Ano ba 'tong nangyayari sakin! Can someone tell me kung ano 'tong nararamdaman ko. Urgh naiinis na talaga ako sa sarili ko. Parang hindi ko kilala ang sarili ko dahil sa emosyon nararamdaman ko na hindi ko mapangalanan.
Aish bahala na nga si batman! Makatulog na nga lang baka mukha na ako netong zombie pag gising ko pag hindi pa ako natulog.
BINABASA MO ANG
Love Full Of Promises
Teen FictionPagmamahal na puno ng mga Pangako Pangakong hindi ka iiwan Pangakong papasayahin ka Pangakong hindi ka lolokohin Pangakong mamahalin ka habang buhay Pangakong bubuo tayo ng sarili nating pamilya At Pangakong tayong dalawa hanggang sa huli Pa'no kung...