Chapter 24

82 40 2
                                    

Dedicated to:Miss_Shogu

Kurt's pov

Nandito kami ngayon ni zhyrell sa kotse ko

Siya yung nag dadrive habang ako nakaupo dito sa tabi niya

Hindi pa kasi ako pwedeng mag drive ngayon. Nakakainis lang! Dahil 'to sa dalawang abnormal! Hindi tuloy ako makahawak ng manibela

Tahimik lang kami ni Zhyrell dito sa loob ng kotse ko. Hanggang sa makarating kami dito sa usapan namin with Anna ay tahimik lang kami

"Ang tagal naman ng babaeng yon!" Naiinis na usal ni zhyell sa hangin. Napailing na lang ako, ayaw talaga nito sa mga nalalate, sabi niya samin noon ayaw daw niya sa nalalate kasi hindi daw bagay sa gwapong mukha niya kuno'

"Easy bro, dadating din yun wag kang excited" natatawang usal ko sa kaniya

"Ako ba'y ginagago mo? Gusto mo dagdagan ko yang sprain mo sa paa ng pantay na" napipikong usal niya sakin

"Woahh wag naman bro, kita ng masakit na ang isa tapos dadagdagan mo pa, aba maawa ka naman sa gwapong katulad ko" natatawang sabi ko sa kaniya

"Gwapo mo mukha mo ugok ka" ang bilis talaga mapikon ng isang 'to

"Hahahaha"

"Uy Kurt sorry kung pinaghin--" napatigil ako sa pagtawa ko at sumeryoso ulit ng mukha ng marinig ko ang boses ni Anna at tila rin natigilan siya sa pag sasalita ng makita niya ang galit na mukha ni zhyrell

"Na-nandito k-ka r-rin pa-pala Zh-zhyrell" nauutal na sambit niya kay Zhyrell

Mahahalata rin sa mukha ni Anna ang takot, nanginginig din siya habang nag nagsasalita

"Oo bakit masama ba?" Seryoso pa ring sambit ni Zhyrell

"Hi-hindi na-naman" utal pa ring sambit ni Anna

Sumingit na ako sa usapan nila at seryoso ding tinignan si Anna

"Hindi na kami mag papaligoy ligoy pa at sasabihin ko na sayo kung anong dahilan kung bakit ka namin pinaparito" seryoso kong sambit, napalunok naman siya

"A-ano y-yon?"

"You're expelled at pakisabi na rin sa mga kaibigan mo na expelled na rin sila" seryoso kong sambit sa kaniya

Tumingin naman siya ng maluha luha

"N-no yo-you c-can't do t-that" maluha luha niyang sambit

"At bakit? Ako ang anak ng may ari ng school na pinapasukan mo kaya, kaya kong gawin yun sayo"

"Pl-please na-nag mamakaawa a-ako sa-sayo w-wag mo t-tong g-gawin ma-magagalit s-sakin a-ang m-ga ma-magulang k-ko" lumuhod pa siya sa harapan ko at puno ng luhang tumingin sakin

"So ngayon nag mamakaawa ka ha! Nung sinaktan mo ba ang kapatid ko at nagmakaawa siya sayo na tigilan mo na siya nakinig ka ba?! Diba hindi!" Napasigaw na si Zhyrell dahil sa galit, hinawakan ko naman ang kanang balikat ni Zhyrell upang maihinahon ko siya kahit papaano

"Bro huminahon ka babae yan, Bro sinasabi ko sayo wag mo siyang sasaktan" hinawakan ko naman ang nakakuyom na kamao niya

Love Full Of PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon