Chapter 35

66 8 0
                                    


"Zhanaira gising na oy!" May biglang yumugyog sa mag kabila kong balikat. Aish istorbo naman 'tong kung sino man 'to.

"Aish ano ba maaga pa!" sabay talikod ko sa gawi ng yumuyugyog sakin.

"Aish ang kulit mo Zhanaira! Bubuhusan kita diyan ng malamig na tubig pag 'di ka pa bumangon! Makita mo!" Hindi ko pinansin ang istorbo na gumigising sa akin. Naramdaman ko ang kung sino man na yun na umalis na sa kwarto. Umidlip na lang ulit ako. Buti na lang at nawala na din yung istorbo.

Hanggang sa...

"Ahh! Putakte ang lamig!" Sigaw ko dahil may kung sino mang nangbuhos sakin ng malamig na tubig.

"Ang galing ko talaga! Oh ayan edi gising kana" ngumiti si Dutch sakin ng nakakaloko kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Urgh bwiset ka talaga Dutch! Pwede namang tapik tapikin mo ako! Hindi yung binuhusan mo pa ako ng malamig na tubig! Jeez" Basang basa ako ngayon dahil ang ibinuhos niya lang naman po sakin ay isang tabong malamig na tubig. Nabasa rin ang higaan dahil sa ginawa ni Dutch.

"Like duh! Akala mo ba hindi ko yun ginawa! Eh para ka ngang walang pakialam eh, kaya hayan ang ginawa ko. Tsaka gumana naman diba? Hahaha so get up at mag handa kana aalis na tayo" Shucks oo nga pala ngayon na nga pala ang alis namin. Hayz nakakalungkot lang at aalis na kami. Ang ganda ganda pa naman daw ng nga tanawin dito sa batangas. Mamimiss ko ang sariwang hangin at paligid ng batangas.

"Oh sige na tsupi na mag lilinis na po ako" Natatawa naman siyang tumalikod sakin. At isinara ang pinto.

"WAHH salamat po sa pag aalaga niyo samin kuya Vicente. Mamimiss ko po kayo" Naiiyak na saad ni Dutch. Ngumiti naman si Kuya Vicente.

"Ala ey wala iyun agay. Nag papasalamat rin ako at nagustuhan niyo dine sa batangas, lalong lalo na ang lumi namin dine" ngumiti si Kuya Vicente matapos sabihin yun. Wah! True ang sarap ng kanilang lomi dito sa batangas. Ang totoo niyan nong isang araw ko lang din natuklasan ang lomi. Hindi ko naman kasi alam yun.

"Wah! Isa pa yan kuya Vicente mamimiss nga po namin ang lomi dito. Wala naman po kasing lomi dun sa lugar namin" nakangusong saad ni Eljane.

"Salamat po kuya Vicente. Pag may oras po kami dadalawin po ulit namin kayo" ngumiti naman siya ng sabihin ko yun sa kaniya.

"Naku agay maraming salamat at sige aasahan ko iyang pag dalaw niyo ulit dine" napaka bait talaga ni Kuya Vicente kaya ang hirap mag paalam sa kaniya.

"Kuya Vicente una na po kami at salamat po ulit" nakangiting saad naman ni Jm.

"Sige tutoy mag iingat kayo sa byahe ha. Ikamusta mo na lamang ako kay Sir Marcus"

"Sige po paalam" sumakay na kami isa isa dito sa loob ng van. Kung ano ang pwesto namin ay ganon din ang pwesto namin ngayon.

Napatingin naman ako sa bintana habang papaalis na kami. Mamimiss ko ang batangas. Kahit sandaling panahon lang kami dito ay parang napamahal na sakin ang lugar na 'to.

"Wah! Mamimiss ko ang batangas!" Sigaw ni Dutch kaya napatingin kami sa kaniya.

"Te wag kang maingay jan! Hindi lang ikaw ang makakamiss dito sa batangas 'no!"

"Tsk epal ka talaga kahit kailan! Tsaka salida pa!" Hindi ko na lamang pinakinggan ang kanilang bangayan sa halip ay ako ay natulog na.

"Zhanaira gising na andito na tayo" Tapik tapik sakin ni Ria. Nimulat ko naman ang aking mata at nakitang nasa tapat na nga kami ng aming bahay.

"Hayy! Sumakit ang pwet ko dun ah" nag rereklamong saad ni Dutch.

"Gusto mo bang hilutin ko babe ng mabawasan ang sakit?" Tumataas babang kilay na saad ni Kuiper habang nakangisi pa.

"Gusto mo bang bigwasan kitang kutong lupa ka ha!" Napanguso naman si Kuiper. Baliw talaga 'tong si Kuiper.

"Babe naman ako na nga ang nag mamagandang loob ako pa may bigwas? Aba babe hindi naman ata tama iyon"

"Che! Ang bastos mong kutong lupa ka! Tirisin kita diyan makita mo!" Mas lalo namang humaba abg nguso ni Kuiper pero di na lang sinagot si Dutch.

"Wah!! Anjan na pala kayo!" Napalingon kami sa likuran namin at nakita roon si mama.

Pumunta naman ako sa harapan ni mama at niyakap siya.

"Kamusta na po kayo mama? Ayos lang po ba kayo? Kumain na po ba kayo?" Natatawang napakalas naman sakin si mama.

"Ikaw talagang bata ka, ang daming mong tanong pero ang sagot ko diyan ay ayos lamang ako" ngumiti naman si mama sakin kaya ngumiti na rin ako.

"Hi ma namiss ko kayo" parang batang saad ni kuya. Kaya napa tawa kaming mag babarkada dahil kay kuya.

"Naku namiss ko rin kayong dalawang baby damulag ko" parehas naman kaming napanguso ni kuya dahil sa sinaad ni mama na baby damulag kami.

"Mama!" Sabay naming saad ni kuya. Pero tinawanan lang kami ni mama.

"Oh siya siya tara muna sa loob ng bahay ng makapag pahinga na kayo, alam kong kayo'y pagod na pagod dahil sa haba ng byahe niyo"

"Naku tita mukhang hindi na po kami makakapasok sa bahay niyo. Hinahanap na din po kasi kami ng parents namin eh" Saad ni Eljane kay mama. Sabagay baka namimiss na rin sila ng kanilang mga magulang.

"Ganon ba sige mag iingat na lang kayo sa pag uwi ha" paalala ni mama sa mga ito.

"Sige po tita tutuloy na po kami" paalam nila kay mama. Tumingin naman sakin sina Eljane,Ria at Dutch "Beshy bukas na lang una na kami"

"Sige mag iingat kayo ha" tumango naman sila at ngumiti bago isa isang pumasok sa loob ng van.

Aksidente namang napatingin ako kay Kurt na nakatingin din sa akin. Nakipag titigan pa siya sakin ng ilang sigundo bago ngumiti at bumasok rin sa loob ng van.

Napahawak naman ako sa dibdib ko sa tapat ng puso ko. Napakalakas ng tibok ng puso ko dahil lamang dun. Hindi ko alam kung ano ba talaga itong nararamdaman ko. Ilang beses ko na itong itinanong sa sarili ko ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang kasagutan.

Nagulat naman ako ng may biglang bumulong sa kanang tenga ko.

" Little sis don't you dare to fall inlove to Kurt. Kapatid kilala ko ang gagong yun! Binabalaan kita pag nahulog ka sa gagong yun tiyak sa putik ka pupulutin" Biglang kumalabog ang puso ko dahil sa sinabi ni kuya. Hindi ko alam kung bakit ko 'to nararamdaman...na parang binabalaan niya ako.

Posible kayang mahulog ako kay Kurt? No way!

Hindi 'to maaari!









Love Full Of PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon