Chapter 17

83 46 1
                                    

Zhanaira's pov

Nagising ako sa isang puting kwarto na hindi pamilyar sakin lahat ng gamit dito ay purong puti. Nasaan na ba ako? Ano bang nangyari sakin?

Napatingin ako sa gilid ng kamang aking kinahihigaan. Nakita ko dun si mama na mahibing na natutulog

Inilibot ko pa ang aking paningin at napatungo ang aking mga mata sa sofa. Nakahiga dun si Kuya at Kurt

Ano ba talagang nangyari wala akong maalala na dinala ako sa ospital

"Ma-mama" tawag ko kay mama sa mahinang boses

Pero ang lalamunan ko ay parang tuyong tuyo,  parang gusto kong uminom ng maraming tubig

Hindi pa rin nagigising si Mama. Kaya tinawag ko uli siya sa ikalawang pag kakataon

"Ma-mama" kahit nanghihina ang aking kamay ay pilit ko itong iginalaw upang magising na si Mama

Gumalaw naman si Mama at tila nagulat ng makita akong gising na

"Zhanaira anak ko mabuti gising kana! Pinag alala mo ako. Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo?" sunod sunod na tanong ni Mama. Napangiti naman ako ng bahagya dahil napaka OA ni Mama

"Ma-mama o-okay lang po a-ako" nanghihina ko pang sabi sakaniya upang hindi siya mag alala

"Ma gu-gusto ko po n-ng t-tubig" paos na sabi ko sa kaniya

Tuyong tuyo talaga ang lalamunan ko

"Sige sige nak wait lang" tumayo si Mama at niyugyog niya si Kuya para magising

"Ma ano ba natutulog yung tao eh!" Reklamo ni kuya. Siguro naabala ang tulog ng mokong na to

"Ano ka ba naman Zhyrell!" hinampas niya si kuya para tumayo na ito hahahah baliw talaga tong kapatid ko

"Kumuha ka nga ng tubig at nauuhaw na ang kapatid mo" tila natigilan si Kuya at lumipat ng tingin niya sakin

"H-hi Ku-kuya hehehe" bati ko kay kuya

Napabalikwas naman si kuya ng pag kakaupo at mabilis pa sa alas kwatro na niyakap ako ng pagkahigpit higpit

"Ku-kuya ca-can't breath" hindi ako makahinga ng maayos sa pag kakayakap niya

"Oh~~sorry Baby girl buti gising kana miss na miss kana ni Kuya" kiniss niya ako sa noo

Wahh!!! Ang sweet ng Kuya ko tas tinawag niya akong BABY GIRL yieee ang sweet *^O^*

"Mi-miss na d-din k-kita Kuya, pero pwede k-uha m-mo ko ng tu-tubig"

"Oh sige Baby girl wait mo lang si Kuya ha" sabay kiss ulit sa noo ko

Umalis na si Kuya para kumuha ng tubig ko

Napatingin naman ako kay Mama at sa katabi ni Mama na kagigising lang

Nakatingin din siya sakin. AWKWARD

"H-hi"awkward na bati ko kay Kurt

"Hello okay kana ba? Gusto mo ba na kumuha ako ng pagkain mo?" Tumango na lang ako sa kaniya

At umalis na din siya. Ang awkward promise. Dahil ata yun sa huling engkwentro namin hahahah seriously engkwentro hahaha parang barilan lang ah

Tumingin ako ulit kay Mama. Nakangisi siya na parang may iniisip

"Nak bagay pala kayo ni Kurt ano" bigla nalang sabi ni Mama

Bigla naman akong nasamid sa sarili kong laway dahil dun

Seriously bagay kami. Ako na Panget at siya na Gwapo. Duh ang layo!

"Ma na-naman wa-g na-naman kayo mag sa-sabi ng ganan at ts-tsaka hi-hindi kami ba-bagay"

"Nak naman sinasabi ko lang naman ang nakikita ko eh! Maganda ka naman anak eh bat ba ayaw mo ayusin ang sarili mo anak? Tignan mo nga si Mama oh napaka ganda" yeah right maganda si Mama pero ayoko naman baguhin ang sarili ko eh

Gusto ko kung ano ako ngayon eh. Kung hindi ako Nerd hindi ako si Zhanaira

"Okay" yun na lang ang nasabi ko

Naghintay pa kami ng ilang minuto ay magkasabay na dumating si Kuya at Kurt

"Baby girl eto na tubig mo" gusto kong matawa dahil kay Kuya hahaha kasi ang lambing niya ngayon hahaha

Kinuha ko muna yung tubig kasi kanina pa ako uhaw na uhaw. Para din makapag salita na ako ng maayos

"Kuya na-nakain mo?" pigil ko ang tawa ko sa pag sasalita non

Si Mama naman ay napapailing na lamang  habang naka ngisi sa sofa samantala si Kurt ay seryoso lang na nilalapag ang mga pagkain ko at tumabi kay Mama sa sofa

"Bakit mo naman natanong yan?" nag tatakang sagot ni Kuya

"Eh kasi naman kuya hindi ka kasi mabait sakin noon eh at Baby girl tawag mo sakin ngayon" namula naman ng bahagya si kuya sa sinabi ko

Buti hindi na ako nauutal sa pag sasalita thanks sa tubig!

"Tsk wala! Basta ngayon lang to so sulutin mo na" wika sakin ni kuya hahaha ang cute talaga ng kapatid ko

Pero wait bat nga pala ako nandito sa ospital. Wala naman akong maalala na dinala ako dito sa ospital ah

"Uh kuya bat nga pala ako nandito sa ospital? Anong nangyari sakin at bakit may benda ang ulo ko?" takang wika ko

"Uh-oh ahmm pwede mamaya ko na lang ikwento kasi dadating sina Ria dito"

"Oh ano naman kung dadating si Ria dito at bakit may sina may kasama ba si Beshie?diba pwede mo naman din ikwento sakin kahit nandito si Beshie"

"Basta wag na makulit Zhanaira mabuti pa kumain ka na lang jan" seryosong wika ni Kuya. Nakakapang duda talaga kung bakit ako nandito sa ospital? At ano ba talagang nangyari sakin at may benda ang ulo ko! Wala naman kasi akong malala na nabagok ako eh

"Okay" wika ko na lang kay kuya at kumain na

Nag daan ang konting katahimikan at binasag ni Kurt ang katahimikan

"Uh Tita mauna na ho ako kasi may pupuntahan pa po ako eh, Bro una na ako ha at Zhanaira pagaling ka ha" seryosong paalam niya sa amin

Ngumiti na lang ako sakaniya

"Sige salamat at ingat" sabi ko sa kaniya

"Sige nak ingat sa pag dadrive ha" paalala sa kaniya ni Mama

"I will tita" wika ni Kurt kay Mama

"Sige Bro ingat at ikamusta mo na lang ako sa kanila ha"

Huh? Sino kaya ang tinutukoy ni kuya?

"Sige Bro bye" bago siya umalis ay lumingon siya sakin at ngumiti

Ngumiti naman ako sa kaniya pabalik. At umalis na siya

   ♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡~*~♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡

Sino kaya yung tinutukoy ni Zhyrell kay Kurt na ikamusta daw siya dito hmmm???

Next Chap. 18: ⓦⓡⓞⓝⓖ ⓡⓞⓞⓜ

Thank you for Reading♡
Enjoy Reading♡
I love you guyszs

Love Full Of PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon