Chapter 9

114 64 0
                                    

Zhanaira's pov

Monday na naman. As usual pasukan na naman so tiis tiis na naman ako kung may mang bubully na naman sakin. Anyway bago ko problemahin yun andito nga pala kami sa canteen nag tetake kami ng break ni Ria. Habang kumakain nag tanong siya sakin.

"Besh kamusta naman ang practice niyo ni kurt? Diba sa bahay ka nila nag practice! Ano maganda ba ang bahay nila? Mabait ba mommy niya?"

Ay grabe makapagtanong walang ka preno preno eh. Derederetsyo lang ang trip neto.

"Grabe besh pede isa isa lang mahina ang kalaban at tsaka dahan dahan lang kumakain tayo oh"

Grabe naman kasi makapagtanong eh.

"Ah basta...Pero ano na nga ang balita besh?"

Ang kulit naman talaga ng lahi neto hayzz. Alam kong hindi ako titigilan niyan hanggat hindi ko sinasabi da kanya.

"Dun sa una mong tanong okay naman ang pag papractice wala naman nabago practice pa din"insert sarcasm here. "At dun sa pangalawa oo diba sinabi ko na nga sayo na sa kanila kami nag practice kaya wag paulit ulit. Maganda din ang bahay nila okay at mabait naman si tita"

Hayan na sinagot ko na siya naku pag di ako tinigilan ng gaga na to sasabunutan ko to.

As if naman na kaya mo eh mahal na mahal mo ang best friend mo.

Aish kainis naman na konsensya na to tsh.

"Besh naman"sabi niya habang naka pout. Problema na naman ng babae na to.

"Aba diba nasagot ko na ang tanong mo ano pa ga ang itatanong mo" Aish kaloka naman to si besh. Pati tuloy kinakain ko hindi ko makain ng maayos.

"Eh kasi naman besh ang sarcastic  ng way ng pag sasalita mo at saka sorry kung naiinis ka na dahil sa mga tanong ko pasensya na talaga"Aww nag paawa pa ang gaga. At eto pa effective  ang paawa ng gaga nakonsensya tuloy ako kahit wala namang akong kasalanan Hays .

"Aish wag kana mag drama jan besh. Oo na besh mamaya ikukwento ko na sayo ang nangyari hays. Siya bilisan na natin at pumunta na tayong room baka nandun na din si prof"

"Okay besh. Basta ikuwento mo ha" Paulit ulit na lang si besh sabing ikukuwento ko na nga hays. Hindi na lang ako sumagot.

Matapos naming mag break ay pupunta na kami sa aming classroom.

Ng maka upo na kami ay biglang pumasok ang aming president at sinabing...

"Good morning classmate ang ating prof ay wal--"

Woahhhhhhhh

Yunn naman walang klase!

Yess masisilayan ko nanaman si crush at walang klase!!!

Ajujuju at sari sari pang comment tuwang tuwa naman ang mga ito paano na lang kami matututo kung walang si prof tuwang tuwa pa sila pag walang klase eh. Dapat pumunta sila sa library  para mag advance lesson kundi kung ano ano ang inaatupag sayang lang ang binabaon nila eh.

"Hey tahimik muna patapusin niyo muna ako. Wala nga ang ating prof ng 3 oras pero may iniwan siyang ipapagawa sa atin pero pag natapos na to okay na pwede kayo lumabas kung san niyo gusto pero maganda kung mag punta na lang kayo sa library  at mag advance lesson"

Love Full Of PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon