Apple's P.O.V.*tok.tok.tok*
"Apple!kakain na tayo!"psh!
Bahala ka diyan. Hindi ako kakain!"Apple!Please lang! More than ten times na akong kumakatok at tumatawag sayo pero hindi ka parin lumalabas. Alam kong gising ka na kaya please bumaba ka na dito at baka malipasan ka pa ng gutom! masama yun sayo" bahala kang bakla ka!!!kasalanan mo to eh dahil sayo umiyak ako kagabi tapos nakatulog ako.
Akala ko pa naman mag so-sorry ka pero hindi at ang mas nakakagalit ay hindi ka natulog dito sa kwarto!!!!!!
I hate you na bakla to the moon and back!! hmp!!
Bumalik ako sa aking higaan at niyakap nalang si Zom ang teddy bear ko. Bigay pa to ni dad nung umalis kami sa bahay.
Hindi ako childish ha! At saka ngayon ko palang nabigyan ng panggalan matapos kong mapanood yung walking dead. Ngayon ko lang na realize na ang pangit nga talaga nila. Kawawa naman ang baby ko pag ganun ang magiging itsura niya. Mabubully siya ng mga kaklase niya huhuhu kawawang baby pero don't worry baby nandiyan naman ang daddy mo na to-the-rescue hahhah...
Maya-maya ay tumahimik ang bahay. Bumangon ako at dahan-dahang binuksan ang pinto at pinalabas ko ang half ng aking mukha.
Tingin sa kanan...wala.
Tingin sa kaliwa...wala rin.
Tingin sa harap...wal---
"Ayy zombie!!!"napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa kaba.
Psh! Nasa harapan ko lang pala siya at naka cross arm pa! Hanep!!
"Bakit ka ba nanggugulat ha?"tanong ko.
"Ako pa talaga ang nanggulat ha? Eh kanina pa ako dito nakatayo at hinihintay ka na bumaba"
"Ehh...kasalanan mo kase! Tabi diyan!" tumabi naman siya kaya lumakad na ako pero ang mata ko ay nakatuon lamang sa kaniya.
Death glare pa!! pagbaba ng hagdan ay tumakbo ako papuntang kusina narinig ko pa nga siyang nagsabi na wag akong tumakbo. Hindi naman ako tumakbo ng mabilis slight lang concern rin ako kay baby nu!!
Pagdating sa kusina ang amoy ng gulay ang sumalubong sa akin.
Yayy! I hate gulay! Super!
Agad akong pumunta sa sink at sumuka. Ilang segundo rin akong nagsusuka ng maramdaman ko ang isang kamay sa aking likuran at hinahagod-hagod ito.
"Okay ka lang ba Apple?"tumango naman ako kay Alex.
"Hindi ko lang gusto ang amoy ng gulay..."
"Ahh ganun ba...magluluto nalang ako ulit"
"Hindi na...pwede bang pa favor? kakain nalang tayo sa labas?"
"Ah O sige kung yun ang gusto mo"
"Yeheyy!!!at saka...pwede bang maglakad-lakad din tayo...sa park?"
"O sige....mag-ayos ka na sa taas" yieee....para na iyong date hahhah ang galing mo talaga Apple!!!
Masosolo mo na siya hindi bilang beshie ko kundi bilang tunay na Alex.
Sana naman...sumang-ayon ang tadhana at pakitaan kami ng romantic na himala.
Nakahanda na ako suot ang pink offshoulder dress at doll shoes. Siyempre pasimple lang muna tayo baka ano pa ang masabi ni Alex.
Kaya bumaba na ako.
"Alex tayo na!" pero wala man lang akong natanggap na sagot. Baka nasa kotse na?
Agad akong pumunta kung saan nakapark ang kotse pero....wala siya doon.
Hindi naman siguro siya aalis na wala ako diba? at saka nandito pa ang kotse.
Hayy!!! Saan na ba nagpunta ang baklang yun!.
Bumalik ako sa loob para hanapin siya pero wala rin. Pumunta ako sa likod at... ayun!!! pero teka...may kausap siya sa phone.
Siguro mauna nalang ako sa kotse at hintayin nalang siya.
Pero hindi pa nga ako nakadalawang hakbang ay narinig ko ang panggalang nagpahinto sa akin.
"H-hanna?"sabi ni Alex.
Ano raw? Hanna? Hmmm....familiar ang name niya ah.
Parang nakilala ko na siya eh.
Nagtago ako sa likod ng puno malapit sa kinatatayuan ni Alex para mas marinig ko pa ng mabuti ang usapan.
"Hello?! Hanna! Hello!Aish!!"ayun na yun? Baka pinutol na ng hanna ang linya?
Pero ang tanong na bumabagabag sa isipan ko ngayon ay kung sino si Hanna? Baka kaklase ko o baka naman kakilala ni Alex? Familiar kase madyado ang name eh!!
"Apple? Anong ginagawa mo diyan?" sus maryusep!....patay.
Mag-isip ka ng paraan Apple!!
"A-ahh a-ako?? ahmm ano nag aano lang ako dito"
"Ano?"
"Ahmm...hinahanap si Cring- cring."
"Cring-cring?.."
"Ahh oo si Cring-cring bagong pusa natin sa bahay hehhehe hinahanap ko kase siya eh. Hayy saan naba pumunta yun si cring-cring? Mingggg? mingming? magpakita ka na! Ayy nakita mo ba siya Alex?"
"No? Hindi ko naman alam na may pusa na tayo?"
"Pusa lang walang tayo hehhe"kala mo ah!!
"Tss. Lets go! Mamaya mo na siya hanapin.Tutulungan nalang kita"
"Sige."
"Okay lets go"
Yes!!! buti nalang matalino ka Apple. Ginamit mo na ang utak mo. Ang ganda pa ng explanation!
BINABASA MO ANG
I am Pregnant by My Gay Bestfriend (On-Going)
FanfictionI woke up with my head hurts.. Ahhhhh!!!... Pati ang ibabang bahagi ng katawan ko masakit din.. teka? nasaan nga ba ako? Ang naalala ko lang ay pumunta kami ng bakla kong bestfriend sa bar at nag inuman, sayawan, inuman ulit at...Holy crap!!! I sud...