Chapter 14: Amnesia?

1.5K 43 0
                                    



Nang maramdaman niya ang presensiya ko ay lumingon siya sa akin at ngumiti.

"Oh! Hi! I'm Charles Nierre" Inilahad niya ang kamay niya sa akin. Kinamayan ko naman siya.



"Alex. Alexander "

"Nice to meet you"

"Yeah" Pagbitaw ko sa kamay niya ay agad kong dinaluhan si Apple.

Hinawakan ko ang mukha niya.
And check if may mga galos siya.


"Apple. I'm sorry. Pasensiya ka na kung iniwan kita roon. It's all my fault. You should blame me." Hinawakan ko ang kamay niya at dinala iyon sa pisngi ko. Hindi ko napansin na tumulo na pala ang mga luha ko.


"Pasensiya ka na dahil sa kapabayaan ko. Hindi kita inalagaan ng maayos pati si baby. I'm sorry Apple. I will never leave you again." Umiyak lang ako hawak ang kamay niya.


"Wag kang mag-alala at okay na siya." Pinahid ko ang ilang luha sa aking pisngi. Tss. Ang bakla!

"Ikaw ba ang nagdala sa kaniya dito?"


"Yeah..."


"Maraming salamat pero alam mo ba kung ano bang nangyari?"


"I am a secret agent and matagal na naming minamanmanan ang lalaking iyon because of some other crimes that he did. Nasaktuhan naman na papunta ako sa mall and then I saw him and I know may bibiktimahin na naman siya. Kaya I saw that girl na pumara at sumakay. Dali dali ko naman silang sinundan. Mga ilang milya na lamang ang agwat namin ay ginawa na ng suspect ang kaniyang pakay. Agad akong kumilos and save that girl na wala na palang malay." Di ko alam na ganito pala ang magiging kahinatnan ng pagiging pabaya ko.


"How about dun sa lalaki?"

"Don't worry nasa kulungan na siya"

"Thank you. Thank you sa pagsagip sa mag-ina ko. Hindi ko alam kung anong maibibigay ko kapalit ng kabutihan mo."


"Naku! Its okay ginawa ko lang ang tama and besides dahil sa kaniya ay nahuli na naman ang kriminal. At sana wag mo na siyang pabayaan lang lalo na't buntis pala siya. Sige mauna na ako"


"Sige maraming salamat. "


Pagkaalis niya ay pumasok naman ang doktor.


"Excuse me kaano-ano niyo po ang pasyente?"


"A-ahmm ano po. Asawa ko po siya. She's my wife." Naku naman. Ano ba itong sinasabi ko?


"Alright. Base sa aming examinasyon, maayos na po ang kalagayan niya and maya-maya nalamang ay magkakamalay na siya."


"Ahm...Doc how about the baby?"


"The baby inside her womb is very okay" salamat naman.


"Thank you Doc"


"Welcome. Excuse me"

"Sige po Doc."

Pagbaling ko ulit kay Apple ay gising na pala siya.

"Apple? How are you? Okay na ba ang pakiramdam mo? May masakit ba ha? Anong gusto mong kainin? Baka gusto mo ng tubig?"


Hindi ko na alam kong ano bang kailangan niya. Nag panic na talaga ako.


"Apple magsalita ka naman anong gusto mo?" Nakita kong kumunot ang noo niya.
.
.
.
.
.
.
.

"Sino ka ba?"

Ang kaniyang tanong na nagpagulantang sa akin.

I am Pregnant by My Gay Bestfriend (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon