Mga ilang minuto kaming nandito lang sa loob ng Cr.
Si Hanna naman ay gustong lumapit kay Alex tapos si Alex ay nakayuko lamang.
"Apple lets go!" Nabalik naman ako sa aking tino ng hatakin ulit ni Alex ang kamay ko.
Luhh? Arg! Ano ba talagang nangyayari?
Madali naman kaming hinabol ni Hanna.
"Wait, Xandre. Please...mag-usap naman tayo" hinawakan na ni Hanna ang braso ni Alex para huminto ito sa paglalakad. Naaawa na ako kay Hanna. Tumulo na kase ang luha niya.
"Wala naman tayong dapat pag-usapan diba?" Sabi ni Alex. Yay! Ang cold naman yata nun.
"Xandre kahit ilang minuto lang please" pagmamakaawa ni Hanna.
Aishh! Naguguluhan na talaga ako.
"Alex ano bang nangyayari?" tanong ko sa kaniya pero hindi man lang niya ako sinagot.
"Sige...2 minutes.." sabi ni Alex.
"Pwede bang 5 minutes?" sabi naman ni Hanna. Palugit pa 'to eh ang mahal ng oras ni Alex 'no!
"1 minute" grabe namang pag-uusap iyan sobrang mabilisan.
Matatapos na ang minuto mo eh hindi ka pa tapos sa pag explain.
Teka ano bang paki ko?
"W-wait. O, sige sang-ayon ako pero sana dun tayo sa wala masyadong tao" sabi ni Hanna. Tss. Demanding naman itong si Hanna. Sana hindi ko nalang siya pinayuhan.
"Apple, doon muna kami. Stay at our table.." sabi namin ni Alex bago siya kinaladkad ni Hanna.
Hayy! Apple. Ang talino mo talaga ngayon mo lang narealize na pinayuhan mo ang isang linta na karibal mo.
Ay wait. Kung si Hanna ay humingi ng payo sa akin tungkol sa boyfriend niya at posible bang si Alex yun?
Xandre... Xandre came from the name Alexander. Tama! So Si Alex nga ang boyfriend niya noon at babalikan niya ngayon?!
Ha! ikaw pala ang kaaway ko Hanna. Pwes ngayon na alam ko na ipapangako ko na hinding hindi mo mababawi si Alex sa akin. Pinakawalan mo na siya. Thanks to my payo at hinding hindi mo na siya pwedeng bawiin dahil itinapon mo na siya at ngayong ako ang nakapulot ay hinding hindi ko siya isusuli sayo dahil hindi naman siya isang bagay!!
Ako kaya si Apple ang matalinong palaban! Hindi niyo lang alam--- Teka nga!! Parang naging kontrabida naman ang peg ko sa storyang 'to ah?
Pero ako ang BIDA...
Kailangan PALABAN.
*♡*
Alex P.O.V.
"Your 1 minute start now!"
"Xandre naman."
"58 seconds"
"Xandre. I'm sorry kung nakipaghiwalay ako sayo noon. Its just that ayaw ko na masaktan ka kapag sa ibang bansa na ako mag-aaral. Pasensiya ka na kung iniwan kita pero Xandre mahal na mahal parin kita kaya ako bumalik sa bansang 'to para sabihin sayo na mahal parin kita at pwede na tayong magsama habang buhay, Xandre. Mahal mo parin naman ako diba?" I can't believe what she said right now. I sarcastically laugh at her.
"What a brillant explaination pero pasensiya dahil matagal na tayong tapos and matagal na rin kitang kinalimutan. Ikaw ang dahilan kung bakit naging miserable ang buhay ko. Kung bakit palagi kaming nag-aaway ni daddy at kung bakit hanggang ngayon takot na akong magmahal pa. Kaya paano pa kita mamahalin kung boung buhay ko ay sinira mo! I'm sorry to say this but Hindi na kita mahal. So, this is more than a minute. Aalis na ako may kailangan pa akong gagawin." tumayo na ako at aalis na sana ng magsalita siya.
"Sino Xandre!!! Si Apple??" How did she know Apple?
"Wag mong isali si Apple dito."
"Huh! bakit? Siya na ba ang tinitibok ng puso mo?"
"Wala kang alam."
"Yeah. Wala nga pero do you know kung sino ang may kasalanan kung bakit tayo naghiwalay?"
"Stop being reasonable Hanna. Ikaw lang ang may kasalanan kung bakit tayo naghiwalay."
"No. Si Apple!"
"Can you please wag mo ngang sisihin si Apple. Wala siya sa usapan."
"Siya ang may kasalanan nito Xandre! Nung nagkita kami sa park. Sinabi niya sa akin na hiwalayan na raw kita dahil kung hindi ay hindi niya tayo tatantanan at gagawin niya ang lahat maghiwalay lang tayo." Umigting naman ang panga ko sa sinabi niya. She is accusing Apple!
"How dare you! wag mo siyang pagbintangan. Hindi ganun si Apple."
"Pero totoo yun Xandre. Nagkita kami sa park. Binigyan nga niya ako ng coffee. Akala ko mabait siya yun pala may balak siya sa aking masama. Please Xandre paniwalaan mo ako. I just tell you the truth dahil mahal na mahal kita." No..no. She will never do that.
Hindi ko na tinapos ang pag-uusap namin dahil umalis na agad ako. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. I just drive at napadpad ako sa isang bar.
Lots of information ang narinig ko ngayon na naging dahilan ng pagkalito ko. Di ko alam kung sino ang paniniwalaan ko. I am very confused and at the same time, frustrated.
I have to be alone.
I have to think.
*****
That's it!! Vote and please Comment kung ano pa ang kailangan kong gawin??
Or improvement?
BINABASA MO ANG
I am Pregnant by My Gay Bestfriend (On-Going)
FanfictionI woke up with my head hurts.. Ahhhhh!!!... Pati ang ibabang bahagi ng katawan ko masakit din.. teka? nasaan nga ba ako? Ang naalala ko lang ay pumunta kami ng bakla kong bestfriend sa bar at nag inuman, sayawan, inuman ulit at...Holy crap!!! I sud...