Lily huminahon ka nga. Ayos na siya sabi nga ng doctor na stress lang siya pero hindi naman malala yun kaya please huminahon ka na." ang boses ni dad ang una kong narinig.
Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata at si Alex agad ang napansin ko na hinahawakan ang aking mga kamay.
"Apple! Ayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong niya ningitian ko lamang siya.
"Oh! Tignan mo okay na siya. Wag ka nang mag-alala.."
"Hayyy salamat sa Diyos Apple at okay ka na. Ikaw naman kase sabi namin kanina na magpahinga ka pero ayaw mo naman."-mom.
"Pasensiya na po kung pinag-alala ko po kayo mom gusto ko lang na matapos agad ang mga kailangang gawin."
"Anak may dalawang buwan pa naman kaya magpahinga ka na lang muna."
"Opo mom."
"Uminon ka muna ng tubig "
"Salamat" inabot sa akin ni Alex ang baso ng tubig.
"Wag na kayong mag-alala okay na po ako."
"Oo nga okay ka na kaya magpahinga ka lang diyan para hindi na mangyari ulit yun."
"Opo mom" caring lang kase masyado si mom. That makes me love her more.
"Sige maghahanda lang ako ng pagkain mo"
"Samahan nakita." sabi rin ni dad. Ayun nga lumabas na silang dalawa which is kami nalang dito ni Alex ang naiwan.
"Apple wag mo namang pagurin ang sarili mo." heto na naman siya sa mga pangaral niya. Noon naman hindi siya ganiyan. Niwala nga siyang paki alam sa akin diba? Pero ngayon ang weird na niya.
"Hindi ko naman pinapagod ang sarili ko."
"Oh! Eh ano ang tawag sa nangyari sayo kanina, sa ngayon?"
"Ano..basta! ayos na naman ako kaya wag ka nang mag-alala.."
"Im just concern Apple. For you at sa baby natin." Ayiee kyahh!!. Baby natin mwehehe. Napakaganda sa pandinig.
"Okay okay fine and I know!!---wait. Pwede ba akong humingi ng favor?"
"Ano na naman yan Apple? You have to rest."
"Eh gusto ko sanang pumunta sa park."
"Pero kailangan mo pang magpahinga."
"Okay na ako Alex. Gusto ko lang na maglibang and smell fresh air"
Bumuntong hininga naman siya."O sige na nga pero sasamahan kita."
"Talaga? Yeyy. Tapos magbabike tayo at kakain sa mga street foods"
"No. Hindi ka pwede kumain ng ganun"
"Ayy sayang naman hehhe pero okay lang basta't kasama kita." wait nakita ko ba siyang namula?? ohhmeee
"Kinikilig ka ba Alex?"
"Ha? Ano bang sinasabi mo? ahh mainit kase. Sige na mag-ayos ka na diyan."
"O sige." lumabas naman siya. Yess!! lalabas kami. Sana naman hindi na maulit ang nangyari noon.
*♡*
"Alex! Bilisan mo naman!" eh ang tagal tagal niya eh. Daig pa ang babae.
"Andiyan na!!" Andiyan na? Pero nagsusuklay pa pala.
Ganun talaga ang mga Pilipino kapag sinabi ng kaibigan mo na kung saan ka na, sasabihin mo na malapit ka nang makarating pero ang totoo eh naliligo ka pa pala. Hayyss..
"Hayyy naku!" after 5 minutes, salamat naman at nand---
"Oh halika na!" ???-ako.
"Oh bakit? Hindi ba bagay ang suot ko?" Lumingo- lingo naman ako.
"Bakit ba? Magsalita ka naman?"
My gas!"Eh bakit parang ang ayos ng suot mo? Sa park lang naman tayo ah? Spooting masyado."
(Di ko alam kung tama ang spelling ng spooting Xd.)
"Ehh kase...para mas maganda diba? Nakakahiya naman kung nakapangbahay ang suot ko!" Weird niya today--no scratch that everyday.
"O-kay. Tayo na bilis." Binuksan naman niya ang pinto para sa akin. Tingnan niyo ang weird talaga ng gwapong 'to.
"Salamat" plus ningitian pa niya ako.
Anyway, excited na akoooo!!!
Basta pakiramdam ko lang magiging masaya ang araw na'to ngayon para sa aming dalawa.
After 20 minutes ay narating namin ang isa sa pinakamalaki at binibisitang parke dito sa amin ang North Lake Park.
Agad akong bumaba sa sasakyan.
"Apple! Be careful" bilin pa ni Alex.
"Yeah. I will." tinungo ko agad ang maraming bata na naglalaro. Napakaraming mga bata dito. Naguguhit talaga sa kanilang mukha ang kasiyahan pati mga lovers nandito rin hehhehe ang sweet pa nila. Marami ring nagpi-picnic na magka pamilya.
Napakaganda talaga ng lugar na ito. Maraming makukulay na bulaklak tapos maraming puno. Nakaka-alis ng stress.
Una naming ginawa ay naglatag kami ng tela sa damuhan. Marami-rami rin ang dinalang pagkain ni Alex. Siguro para sa akin yun para hindi na kami bibili pa sa tindahan.
Inihiga ko naman ang ulo ko sa kandungan niya. Nagulat pa nga siya nung una pero ngumiti naman sa huli. Hayy napaka-romantic na nito para sa akin. Kahit kunting bagay lang basta't kasama ko si Alex payttss na ako.
Kumain lang kami, nagkwentuhan at pagkatapos ay niyaya ko siyang maglakad-lakad muna. Nagulat nalang ako ng hawakan niya ang aking kamay. Tumingin pa ako sa kaniya pero sa daan lang nakatuon ang paningin niya.
Bakit parang nanginginig yata ako? kyahhh ito na yun Apple. Ito na yun eh. Walking while holding each others hand.
Nagpaalam naman siya sandali dahil may kukunin lang raw siya.
Maya maya...
"Hey miss beautiful sumakay ka na sa mahiwagang sasakyan ko." A-anong nagyayari?? Hahha.. Ang Korny naman niya yata? Pero choks lang. Bakit kaya ang gwapo ng nilalang na'to?
"Talaga bang mahiwaga ang bike na yan?"
"Oo naman. Dadalhin ka nito kahit saan mo gusto."
"Sige nga pasakay."
"O sige. Dahan-dahan lang." tinulungan naman niya akong sumakay sa harapan ng bike.
"Humawak ng mabuti dahil lalarga na tayo" tss parang bata pero sige na nga masarap rin namang bumalik sa pagkabata hehheh.
Humawak naman ako ng mabuti sa kaniyamg baywang ayieee...ang bango bango naman niya.
Ipinilig ko na lamang ang ulo ko sa likuran niya.
I want to stay like this forever. Pero alam kong walang forever kaya gusto ko lubos-lubosin na lamang.
Weeeee! Hindi ko maintindihan ang sarili ko ngayon hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko napakaperfect ng lahat masaya kaming dalawa ni Alex kapwa walang mga problema. Para ngang nagslow mo ang paligid. Palagi kong napapansin yun kapag kasama ko siya. Tiningnan ko si Alex at ang ganda ng mga ngiti niya. Makikita mo rin sa mga mata niya na masaya siya at nagmamahal.
Sana hindi na matapos ang araw na ito kase pakiramdam ko pagkatapos nitong masayang oras ay haharapin mo na naman ang kalungkutan kaya sana hindi na ito matatapos pa.
I want to be like this until our last breath.
Me, Alex and our baby.
BINABASA MO ANG
I am Pregnant by My Gay Bestfriend (On-Going)
FanfictionI woke up with my head hurts.. Ahhhhh!!!... Pati ang ibabang bahagi ng katawan ko masakit din.. teka? nasaan nga ba ako? Ang naalala ko lang ay pumunta kami ng bakla kong bestfriend sa bar at nag inuman, sayawan, inuman ulit at...Holy crap!!! I sud...