Chapter 13: The Kidnapped

1.5K 38 2
                                    

          

Apple's Point Of View

Hay naku!

Lagpas 4 minutes na pero wala pa rin si Alex. Ano yun? Wag niyang sabihin na naniniwala siya sa lahat ng sinasabi ni Hanna?

Ano rin naman kaya ang sinasabi ni Hanna?

Kung tawagan ko nalang kaya? Tama!

Ngek. Low battery? Ang malas naman.

Mamaya talaga itong baklang iyon! Iniwan ako dito.

Isusumbong ko talaga siya kay Daddy! Mangiiwan!

Lumakad na ako palabas at sasakay nalang ng taxi.

Pero naabutan ko si Hanna na pasakay sa kaniyang kotse.

"Hanna! Hanna!! teka lang!!" tawag ko sa kaniya. Tumingin naman siya sa akin pero pagkakita niya sa akin ay para siyang sinaniban ng demonyo. Sobrang galit ng mukha.

Lumapit naman ako sa kaniya.

"Nasaan na si Alex?"

"I don't know!"

"You don't know?? Eh diba kinaladkad mo siya?"

"Hahha you're right pero basta nalang siyang umalis nung malaman niya na ikaw  ang may kagagawan kung bakit kami naghiwalay!"

"Ano bang sinasabi mo? Hindi kita maintindihan."

"Yeah right di talaga dahil napapablind ka! Ikaw talaga ang may kasalanan kung bakit kami nag hiwalay ni Xandre."

"Hindi ako Hanna. Ikaw! pinayuhan lang kita at nasasa iyo ang desisyon. Di ko na kasalanan iyon! Kaya wag mo'kong sisihin."

"Huh! tignan lang natin kung sino ang paniniwalaan ni Xandre . Just what I've said, kukunin ko ang dapat ay sa akin." pagkatapos nun ay sumakay na siya sa kaniyang kotse at umalis.

Tss. bruha talaga. Ako pa sinisisi? Huh! Bakit ba ang pangit ng araw na'to?

Pumara na ako ng taxi. Lagot ka talaga sakin Alex. Galit ako sayo! Wag ka lang talagang magpakita sa akin dahil hindi kita uurungan. Iniwan mo ako dito mag-isa. Bestfriend mo ako noon pero wala man lang akong masyadong nalaman tungkol sayo.

Bestfriend pa bang matatawag yun kung marami pa akong hindi alam sayo??

Tinignan ko ang driver medyo may katandaan na tapos ang pangit pa. Itinuon ko nalang ang pansin sa daan pero nang tumatagal, pansin ko lang parang nakaramdam ako ng kaba.

Dahan-dahan kong kinuha ang cellphone ko sa bag. Kailangan kong tawagan si Alex. Pero sobrang malas ko talaga ngayon dahil naalala ko na lowbat pala ako.

Sobrang Natatakot na ako. Tingin ng tingin kase ang driver sa akin. Ang creepy niya masyado.

Niyakap ko ang aking tiyan na para bang pinoprotektahan ang baby ko. Sana man lang walang mangyring masama sa amin.

Maya maya lang ay nakita kong nagsuot siya ng isang mask at doon na kumalabog ang dibdib ko sa kaba ta unti unting tumulo ang luha ko sa aking mga mata.

Tapos agad niyang inisprayhan ang tapat sa aircon.

Hindi naman ako bobo para di malaman kung ano yun. Tinakpan ko agad ang aking bibig at ilong. Sinubukan ko ring lumabas pero naka lock ang pinto. Nakita kong ngumiti sa akin ang driver.

Alex...please help me.

Nawawalan na rin ako ng hininga.

Please somebody help me.

P-le-ase.

At dahan dahang nakaramdam ako ng hilo and everything went black.




Alex P.O.V


        Ilang minuto na ako dito sa bar gusto ko lang mapag-isa. Alam ko namang hindi gagawin yun ni Apple dahil naging bestfriend ko siya at kilala ko siya.

Alam kong gusto lang ni Hanna na bumalik ako sa kaniya. Nagsisimula palang kami ni Apple at...Teka--si Apple!!

Naiwan ko siya sa mall!

Dali-dali akong sumakay sa kotse at mabilis na pinaandar pabalik.

Wala akong pakialam kong beyond the speed limit na ako basta't mabalikan ko lang siya.

Napakapabaya mo naman Alex!! Ang bobo mo! Sarili mo lang ang iniisip mo!

Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kapag may mangyaring masama kay Apple.

Pagdating sa mall ay agad kong tinungo ang restaurant kung saan ko siya iniwan pero laking dismaya ko na wala na siya doon lumapit ako sa isang waiter.

"Excuse me!"

"Yes sir may I help you?"

"Nakita niyo bang lumabas  ang isang babae dito?"

"Marami po kasi kaming costumer na babae "

"Ahm maganda siya,  matangkad, maputi, mahaba ang buhok naka pink po siya"

"Sorry sir pero hindi po namin napansin."

"Sige salamat nalang." umalis agad ako doon at pumunta sa may security upang matulungan akong hanapin si Apple.

Pumunta naman kase sa may CCTV room.

"'Yan! 'yan. Siya po yan nakapink."

"Okay sir. Makalipas  po ilang minutong naka upo rito sa isang restaurant ay lumabas na po siya sa mall pero may kausap po siyang babae. At nang umalis na ang babae ay umalis narin po siya. Base sa labas ng aming cctv ay sumakay po siya ng isang taxi. Hanggang doon nalang po." Sabi ng security.

"Sige salamat " Agad kong nilisan ang mall at dali-daling pumunta sa bahay. Wala na akong sinayang na oras agad akong pumasok sa loob at hinanap siya.

"Apple? Apple?"

Pinuntahan ko na ang sala, kusina, sa kwuarto pero wala siya sa kahit saang parte ng bahay.

Apple..nasaan ka na ba? I'm sorry for leaving you.

*kring...kring...kring..*

Pumunta agad ako sa sala ng marinig kong nag ring ang telepono.

"Hello?"

"Hello? This is from TS Hospital. Is this Mr. Alexander Lopez?"

"Ahm yes bakit?"

"Meron pong emergency ang nangyari kay Ma'am Apple Gonperez and wala na po kaming ibang kakilala na relatives niya. Ikaw lang po ang natawagan namin dahil nakita namin ang isang business card na nakasulat ang pangalan mo kaya ikaw po ang tinawagan namin."

Thanks God. Sana ayos ka lang Apple.

Pinaharurot ko agad ang kotse patungo sa ospital na sinabi nung kumausap sa akin kanina. Hindi ko na alam kong anong nararamdaman ko. Kinakabahan ako kung ano nang nangyari kay Apple at bakit siya napunta sa ospital?"

Pagdating doon ay parang may humahahabol sa akin dahil sa sobrang bilis ng takbo ko.

"Excuse me miss Where is the room for miss Gonperez?"

"Ikaw po ba si Mr.Lopez?"

"Yes."

"Room 248 sir"

"Thank you" Sumakay na ako sa elevator. 246, 247, 248! Ito nayun. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang isang lalaki na naka suit. Matangkad siya at sintangkad sa akin. May pagka moreno at pangmayaman ang dating.


Who is this man?

Bakit siya nandito?




*******

Sorry for many typos and wrong grammar hehehe...Love lots

I am Pregnant by My Gay Bestfriend (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon