CHAPTER 3

156 10 4
                                    

Mag-bestfriend si Andrew at si Raiven, Parang kapatid na ang turingan nila sa isa’t isa dahil magkasama silang dalwa na lumaki sa kalye.

“Hello Raiven, Kamusta na? Balita ko nanalo ka nanaman sa huling laban mo ah.. Congrats Bro, Pero sana ihinto mo na yang pagsali diyan.”

“Hmp. Tumawag ka ba para pagsabihan nanaman ako?” Masungit na sagot niya kay Andrew.

“Hmm.. Hindi naman, nangangamusta lang, Nasan ka ba ngayon?”

“Andito ako sa Ospital”

“Huh?! Anong ginagawa mo diyan? Grabe ba lagay mo nung huling laban?”

“Sira, Ok lang ako. Yung Boss ko ang nakaconfine dito sa Ospital.”

“Ahh.. ganun ba.. buti naman at ayos ka lang. Saang Ospital ba yan? Gusto mo daanan kita diyan? Pauwi naman na ako eh, Medyo malaki na kasi kinita ko ngayong araw.”

“Ganun ba, Sige Ok lang, Ikaw ang bahala, Nandito kami ngayon sa St. Dukes Hospital.”

“Sige Punta ako diyan.”

Nakarating na si Andrew sa Ospital ng mapansin niya pagbaba niya ang isang Cellphone sa likod ng upuan niya.

“Kanino kaya ito?.. Malamang kay Cherry ito, siya lang naman naging pasahero ko buong araw eh. Ayos ito, May dahilan pa para bumalik ako sa condo na tinitirahan niya at Makita siya ulit, hehe..”

Inilagay ni Andrew ang Cellphone ni Cherry sa bulsa niya at pinuntahan na si Raiven.

“Raiven!” Sigaw niya habang niyayakap ang kaibigan.

“Ano bang ginagawa mo? Bitiwan mo nga ako, nakakahiya ka.” Naiiliang na sinabi ni Raiven sa kaibigan, Dahil nakatingin at natatawa si Sec. Jin.

“Hi po Sir Jin, Kumain na ba kayo? Medyo malaki kinita ko ngayon, Gusto niyo ilibre ko kayo? Hehe..”

“Aba, Mukhang nakajackpot ka ngayon ah..” Biro ni Raiven.

“Naku, Hindi lang Jackpot! Super Jackpot! Haha..” Tuwang-tuwang sagot ni Andrew.

“Bakit?”

“May naging pasahero kasi ako kanina, Ang ganda niya, Sosyal, Mukhang mayaman, Medyo pangit lang ugali.. Pero ok lang, kasi binayaran niya ako ng P10,000.”

“At bakit ka naman niya binayaran ng ganun kalaki?”

“Ewan ko dun? Baka hindi niya alam kung gaano kalaki yung perang yun, Kasi mukhang galing siyang ibang bansa eh.”                        

“Ganun ba, Edi ayos.”

“Teka ano pala kasi nangyari sa Boss niyo?”

“Inatake kasi siya kanina, Medyo na-dipress ata dahil disappointed siya at dahil na rin sa siguro sa sobrang pagaalala niya sa anak niya, Hindi na kasi naming alam kung nasaan siya ngayon.”

“Ahh.. kaya pala.. ”

Maya-maya, Sinubukan ulit tawagan ni Secretary Jin si Cherry, at kasabay nito ay pagring naman ng cellphone nito na nasa bulsa ni Andrew. Nagtinginan silang lahat kay Andrew pati na mga tauhan ni Secretary Jin. Na-werduhan naman si Andrew sa reaksyon ng mga ito, at nang sagutin niya tawag..

“Hello?..

Sumama ang tingin ng mga taong nakapalibot kay Andrew dahil nagtataka sila kung bakit ang cellphone ni Cherry ay hawak niya. Maging si Raiven hindi rin naiwasang magtaka..

My Dear ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon