CHAPTER 4

155 9 3
                                    

“Woahh..”

“Hay.. Sarap ng tulog ko ah, Teka anong oras na nga ba..? Parang hindi nag-alarm cellphone ko ah, Cellphone ko..? Nasaan na nga ba??” Pagkagising ni Cherry hinanap niya kaagad kung nasaan ang cellphone niya.

“Saan ko nga nilagay yun bago ako matulog? Haist.. Baka nandito lang yun sa ilalim ng kama, O kaya andito sa bag ko, O kaya..”

“Yay! Hindi pwede mawala yun!”

“Andun pa naman audio diary, Songs at designs ko….” Nakasimangot at nakanguso..

“Hmm….. Di kaya naiwan ko sa taxi na sinakyan ko..?” Tanong sa sarili.

“Oo nga pala may calling card na binigay si.. Andrew, Tama Andrew pangalan nun ni manong.”

“Kaso.. san ko nga ba nailagay yung calling card na yun?? Naku Cherry baka naman pati yun nawala mo pa!? Hay kainis..” kinakausap ang sarili.

“Alam ko…Tinapon ko yun sa trash-can dun sa ground floor eh.. Tama! Dun nga!”

Dali-dali siya sumakay ng elevator para hanapin sa basura ang calling card. Pero pagbaba niya, Wala ng laman ang trash-can.

“Shocks.. kainis.. bakit ko ba kasi yun tinapon? Huhu.. Sayang naman yung mga gawa ko..” Dismayado siya at nanghihinayang.

Ring.. ring…

“Hello?” sinagot ni Raiven ang cellphone niya habang nakapikit pa.

“Raiven, Nasaan ka ba? Nagising na si Boss! Sabi ng doktor pwede na daw siya iuwi, Pero magsasama tayo ng isang doctor at isang nurse na magmomonitor sa kanya sa mansyon. Ano bang pinag-gagawa niyo ni Andrew?”

“Ah, eh.. Papunta na ako diyan!” Palusot ni Raiven.

“Huy! Andrew, gising! Huy, Gising na!” Niyu-yugyog si Andrew habang ginigising.

“Woahh..” Humikab si Andrew at umunat.

“Bro, Ang baho!, Umurong ka dun, Pasaway hihikab ka lang sa mukha ko pa.” Reklamo ni Raiven.

“Gumising ka na diyan, Pinapabalik na ako sa ospital, Nagmamadali ako, Pano ba yan? Maiwan na kita ah..” Sabi habang naglalakad na palayo.”

“Tatawagan nalang kita Bro, Ingat!”

“Tsk. Tsk.. Tignan mo ito, Iwan daw ba ako? Makatulog pa nga..”

“Anong balita kay Cherry?” Tanong ni Mr. Yu.

“A-ah Boss Alam na po namin kung nasaan siya. Madami na po nakabantay sa kanya ng hindi niya alam, Hindi ko nalang pinalapit masyado ang mga tauhan para hindi niya malaman. Lalo po kasi siya lumalayo kapag alam niyang may mga Bodyguard na nakasunod sa kanya kaya nagpasya po ako na hayaan nalang muna siya sa condo na tinutuluyan niya.” Paliwanag ni Sec. Jin.

“Ganun ba.. Talagang yang bata na iyan, noon pa man ay ayaw na niyang may mga bodyguard na nakabuntot sa kanya.” Umiiling na sinabi ni Mr Yu.

“Sec. Jin, Bantayan nyo siyang mabuti, Alam kong may mga nagtatangka parin sa buhay niya dahil imposibleng hindi alam ng mga kaaway natin na nakabalik na ang anak ko dito sa bansa.”

“Opo Boss, Makakaasa kayo.” Sagot ni Sec. Jin.

Tok, tok, tok.. Bumukas ang kwarto ni Mr. Yu.

“Andito na po ako..”

“Oh Raiven, Saan ka galing?” Tanong ni Mr. Yu.

“A-h ah, Nakipagkita lang po ako sa kababata ko, Nakipag-inuman lang ako sa kanya dahil matagal na kaming hindi nagkita ulit.” Sagot ni Raiven.

“Ahh.. Ok.. Raiven simula ngayon.. Hindi na ikaw ang magiging personal bodyguard ko, Maari ka nang umalis ng mansyon sa susunod na buwan.”

“H-huh..? Pero bakit naman Boss? Dahil ba nakipaginuman ako? Yun lang?” Tanong ni Raiven.

“Huwag ka mag-alala.. Hindi dahil dun..”

“Huh? Eh bakit po?”

“Dahil papasok ka sa isang exclusive school para mag-aral.”

“A-ano po??” Nagtatakang tanong ni Raiven.

“Hindi ba’t gusto mo naman talaga mag-aral, alam ko matalino at may talent ka, ayoko naman na masayang lang yan sa kakabantay mo sa akin. Mag-aaral ka kung saan mag-aaral ang anak ko dito. Alam ko isang araw ay pupunta siya sa akin para kulitin ako na huwag na siya ulit bumalik sa L.A at dito nalang magaral.. Ito na siguro ang tamang panahon para payagan ko siya na dito na lang mag-aral sa bansa at tumigil na sa pagtatago sa kanya.  May isa lang akong hihilingin sayo Raiven Siya naman ang bantayan mo.”

“A-hhh.. Boss, pwede niyo po ba ako bigyan ng panahon para pagisipan yan? Mauna na po muna ako, Excuse me.” Sagot ni Raiven at lumabas ng kwarto.

“Di ko inaasahan na ganun ang isasagot niya Boss.” Nagtakang sinabi ni Sec. Jin

“Maaring nabigla lang siya sa desisyon na ginawa ko para sa kanya. Pero yun ang makakabuti sa kanya at lalo na sa anak ko. Sa tuwing nakikita ko ang batang iyan, Nakukunsensya padin ako hanggang ngayon, Kahit kinupkop na natin siya, Tingin ko hindi parin sapat  iyon na kabayaran para sa lahat ng nangyari sa buhay niya dahil sa kasakiman ko noon.” Paliwanag ni Mr. Yu.

“Pero pano kapag nalaman na niya ang lihim mo Boss? Hindi kaya ang anak niyo naman ang pamahamak? Ibang klase magalit yan si Raiven. Hindi siya natatakot pumatay at mamatay dahil simula maulila siya sa pamilya niya pakiramdam niya ay wala ng halaga ang buhay niya at wala siyang nakikitang rason para mabuhay pa. Hanggang ngayon hindi parin niya nakakalimutan ang lahat ng nangyari at dala-dala padin niya ito kahit sa siyam na taon na ang nakakaraan.” Nag-aalalang sagot ni Sec. Jin.

“Kapag dumating na ang araw na malaman niya ang lahat, Maaring wala na ako dito sa mundo dahil matanda na ako. Ikaw na mismo ang nagsabi, Siyam na taon na ang nakalipas.. Kaya tayo din mismo Sec. Jin, Kailangan na din nating kalimutan iyon. Ikaw nalang ang kumausap sa kanya ng maayos nang sa ganun kapag nagpaalam na si Cherry na mag-aral dito ay agad ko na siyang mapayagan.”

“Opo Boss, Masusunod po.” Sagot ni Sec. Jin.

“Malaki ang tiwala ko kay Raiven na mapoprotektahan niya ang anak ko dahil wala siyang takot at ang listo magisip. Inaasahan ko naman sa’yo  Sec. Jin na ikaw ang mas lalong gagabay at magbabantay kay Raiven. Alam kong wala siyang interes sa mga babae at gusto lang ay mag-training at lumaban ng lumaban sa MMA Tournament, Pero ngayon palang sinasabi ko na, Hindi siya maaring magkagusto sa anak ko kaya mas bantayan mo ang kinikilos niya ng hindi siya masaktan. ” Paalala ni Mr. Yu.

“Makakaasa po kayo.” Maikling sagot ni Sec. Jin.

“Salamat Sec. Jin, Hmm.. Gusto ko ng umuwi pero mananatili muna tayo dito. Kapag nalaman ni Cherry na may sakit ako, alam kong mag-aalala din siya at bibisitahin ako. Kapag nangyari iyon ay sabay na kaming uuwi sa mansyon.” Plano ni Mr. Yu.

“Ha-hachiiing!!!”

“Hay.. Bakit ba kanina pa ako bahing ng bahing? Mukhang ping-uusapan ako ah, Kagabi din sa panaginip ko pinaguusapan ako ng dalawang lalake, maganda daw ako? Haha.. It’s true naman na maganda ako, Agree to the maximum level!”. Kinikilig habang nagaayos sa salamin.

Tok! Tok! Tok! Bug! Bug! Bug!

May kumatok ng malalakas sa pinto niya na parang gusto na sirain ito. Kinakabahan siya na lumapit sa pintuan ng kwarto dahil natatakot siya na baka ito na ang simula ng pang-gugulo sa kanya ng mga nakaaway ng Daddy niya sa negosyo. Hindi niya alam na nakapalibot na sa condo na tinutuluyan niya ang mga tauhan ng Daddy niya kaya imposibleng may manggulo sa kanya. Chineck niya ang live footage ng CCTV at..

My Dear ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon