Tuluyan ng nakaalis na ang taxi na sinakyan niya. Pero hindi alam ni Cherry na sinusundan siya ng mga tauhan ng tatay niya para sa seguridad niya. Si Sec. Jin naman, nagaalala sa magiging reaksyon ng Daddy ni Cherry dahil sa mansyon ay naghanda sila ng Welcome Party at inaasahan nito na makakasama niya na ulit ang anak niya pagkalipas ng halos tatlong taon.
“Boss, Pasensya na po kayo sa sasabihin ko pero si Mam Cherry po, Hindi daw po tutuloy diyan sa mansyon.”
Nabitawan na lang ni Mr. Harry Yu ang cellphone niya habang kausap si Sec. Jin dahil sa narinig nito.. Makikita sa mukha niya ang pagkadismaya at lungkot.
Napansin ito ni Raiven na nasa tabi niya at pinulot ang cellphone.
“Sir ok lang po ba kayo?” Sabi niya habang iniabot ito sa kamay.
“Wala ng party na mangyayari, Pauwiin niyo na yung mga naimbitahan na bisita.”
“H-hhuhh.. ”
“P-Pero.. Isang linggo na pinaghandaan ito Sir, Ano po bang nangyari.? Pano ung mga pagkain na hinanda Sir?” Nanghihinayang na tanong ni Raiven.
“Hindi daw siya uuwi dito, Pasok na ako sa loob, Humingi kayo ng pamumanhin sa mga bisita, Ipauwi nyo nalang sa kanila ang mga pagkain o kaya itapon niyo na.”
“A-ako nalang po bahala Sir.”
Kumulimlim ang langit at mga ilang minuto lang ay nagsimula ng umambon at sinundan ng malakas na ulan. Habang ang mga bisita naman ay nagmamadaling umalis at ang mga katulong naman ay ipinasok sa loob ang mga pagkain.
Habang nangyayari ang mga ito sa mansyon, Si Cherry naman..
“Gosh, I didn’t expect na uulan,ngayon, kainis ah.., hmmm.. Manong Driver pwede po bang pakihinto yang pinapatugtog niyo?, Naka-Earphone na ako pero sapaw yang pinapatugtog niyo eh, Tsaka konting bilis naman sa pagpapatakbo, pwede?”
“Ang arte naman nitong babaeng ito, Ang feeling, Tinawag pa akong manong.” Sa isip ng Driver habang inihinto ang radyo ng sasakyan.
Napansin ng Taxi Driver na may tatlong sasakyan ang kanina pa nakabuntot sa kanila.
“Ahmm.. Excuse lang Miss, Maistorbo nga kita sandali.” Sabi niya habang nakikinig ng music si Cherry.
“Ano po yun?”
“Mukhang kanina pa kasi may sumusunod sa atin, Baka lang may naghahabol sayo o kaya hina-hunting ka po ng pinagkakautangan niyo.”
“Excuse me manong, ako? Magkakautang? Never!, Gusto mo bilihin ko pa itong kotse mo eh, hmp!”
“Ganun ba, pasensya na.”
“Ok, pakibilisan nalang, Mukhang alam ko na kung sino sila, Kung kaya mo sila iligaw, iligaw mo.”
“Sige Miss.. Walang problema, Kabisado ko pasikot-sikot sa lugar na ito.”
Nakabalik na si Secretary Jin sa mansyon nang tumawag yung mga tauhan niya na hindi nila nasundan si Cherry.
“Kamusta ang anak ko?, Nasan siya ngayon?” Tanong ni Mr. Yu.
“A-ah Sir, Bad news po, Hindi daw po nasundan ng mga tauhan natin si Cherry, Mukhang nalaman niya na pinasundan ko po siya.”
“Ano?! Hindi pwede, Baka mapahamak siya! Minsan na siyang tinangka na kidnappin ng mga nakalaban ko sa negosyo! Ayoko ng maulit pa yun! Hanapin nyo siya! Hanap..p-in..”
“Boss?, Boss!!!” Sigaw ni Sec. Jin.
“Raiven, I-ready mo ang sasakyan!!”
Inatake sa puso si Mr. Yu dahil sa labis na pagaalala para sa kaligtasan ng anak niya, Habang si Cherry naman walang kamalay-malay na nagkakaroon na ng tensyon sa mansyon dahil sa kagustuhan niyang mapagisa.
“Hay.. Sa wakas, makakapag-pahinga ka na din ganda,.” Tuwang-tuwang sinabi ni Cherry sa sarili habang patumba sa kama niya.
“Loko yung Taxi driver nay un ah, P10,000 siningil saken? Mukhang ang mahal naman nun.. Sa bagay tinulungan naman niya ako makatakas sa mga kumag kong body guard, hek.”
“Sabi na, magagandahan siya sa akin, haha.. May nalalaman pang pakamay-kamay at bigay ng number niya.” Kinakausap ang sarili habang may naalala…..
“Ah Miss tulungan na kita buhatin yang mga dala mo.”
“No thanks, kaya ko ito, Baka itakbo mo pa.”
“Anyway, ito ang P10,000, Keep the change.. Salamat sa pagtulong sa akin na mataguan ang mga Bodyguard ko.”
“Ah, Salamat Miss, Ako nga pala si Andrew, at ikaw naman si…?” Sabi niya habang nakikipag-kamay.
“Cherry.”
“Ito ang Calling Card ko, Pakitawagan ako kapag may gusto kang puntahan, Susunduin kita kahit nasaan ka pa. hehe..”
“Talaga? Ok thanks.” Maikling sagot niya.
“Ay, Oo nga pala noh, ako lang pala nagabot basta nung P10,000 na yun, haha.. Ok lang, magagamit ko pa naman si kuya next time eh, makatulog na nga.” at pinatay ang ilaw.
Nasa Ospital si Raiven at Secretary Jin Dahil binabantayan si Mr. Yu. Pinipilit nila na ma-contact ang cellphone ni Cherry pero hindi ito sumasagot. Hindi dahil tulog na siya, Ngunit dahil naiwan niya sa Taxi ni Andrew ang Cellphone niya.
“Grabe naman yung anak niyang un tanda, nakakairita. Biruin mong halos isang linggo kayo lahat naghanda sa mansyon tapos ganito lang ang mangyayari?! Naawa ako kay Mr. Yu.” Naiinis na nasabi ni Raiven.
“Tumigil ka nga, Baka may makarining sayo.” Sagot ni Sec. Jin.
“Madami na kasing hindi magandang nangyari sa pamilya nila, At parehas nilang dinadala ang mga yun hanggang ngayon, hindi sila madaling makalimot, tulad mo.. hanggang ngayon hindi ka pa makamove-on..” Paliwanag nya kay Raiven.
“Haist.. Dinamay mo pa ako. Pero ang swerte na nga niya diba? May tatay pa siya, ang yaman pa. Ako nga wala na talaga.” Sagot ni Raiven.
Ring.. Ring..
“Excuse lang tanda, sagutin ko lang ito.”
“Hello Andrew..?”
BINABASA MO ANG
My Dear Protector
Teen FictionGmail: heartbeatspersecond@gmail.com Yahoo Mail: heartbeatspersecond@yahoo.com Facebook: heartbeatspersecond Twitter: @heartbeatpersec