“Wahhhh!!! Mylene!!!”.
Tumakbo agad siya at binuksan ang pintuan dahil nakita niya ang BFF niya na si Mylene Hong. Siya ang kababata ni Cherry, Anak ng isa sa mga investor sa kumpanya ng Daddy niya na si Mr. Hong. Simula Grade School ay mag-kaklase na sila. Huli silang magkita noong pagkagraduate nila ng High-School kaya sa sobrang tuwa ni Cherry ay nagsisigaw ito.
“Mylene! Mylene! Mylene!” Paulit-ulit na isinisigaw ang pangalan ng kaibigan at binuksan ang pinto.
“Cherry!” “Mylene!” Sabay silang nagsigawan ng pangalan habang naiiyak at yakap ang isat-isa.
“Ang OA naman ng dalawang ito, Nasa pelikula kayo?.” Sabi ng lalakeng nakatira din sa condo na napadaan sa pinto ni Cherry!
“Tse!” “Tse!” at Sabay nanaman silang sumigaw.
Pumasok na silang dalawa sa loob at nagsimula ng magkamustahan habang nag-kakape.
“Cherry, Bakit ba hindi mo sinasagot ang phone mo?” Tanong ni Mylene dahil tinatawagan niya ito at walang sumasagot. Hawak ni Raiven ang phone niya at kahit mag-ring ito ng mag-ring ay binabalewala niya lang ito.
“Ha.. Eh.. Nawala ko kasi ang Phone ko, duda ko nga naiwan ko yun sa Taxi na sinakyan ko eh.” Sagot ni Cherry.
“Hay naku, Hanggang ngayon ganyan ka parin, makakalimutin, Ang bata-bata mo pa ulyanin ka na. Kaya ako napasugod dito dahil nag-aalala ako sayo, Ine-expect ko na tatawagan mo ako pagdating mo pero wala, Akala ko naman may nangyari ng masama sayo yun pala nawala mo lang phone mo. Hayaan mo bibigyan nalang kita ng Phone.. Oh ito, Sayo nalang itong isang Phone ko total hindi ko naman na ito masyadong ginagamit eh..” Iniabot ni Mylene ang isang Phone kay Cherry.
“i-Pon? Haha.. Parang ipon lang ah, Ano ito? Gawa ba ng Apple?” Biro ni Cherry.
“Ayaw mo ba? Akin na nga, Ikaw talaga..” Inaagaw ang cellphone kay Cherry.
“Teka, Teka, Binibiro ka lang eh, Nagtataka lang ako kasi.. Ikaw? Gagamit ng hindi pa masyadong sikat na Brand? Ano nga bang brand ito? Hmm… Orange? Hahaha.. i-Pon? Gawa ng Orange? Haha..” Kinukulit niya si Mylene.
“Hello, Hindi ko nga ginagamit di ba? Tsaka friend, Tawa ka ng tawa diyan, Isa kaya yan sa bagong business na pinasok ng Dad mo.. Hindi mo alam? Syempre Investor niya si Daddy, Kaya binigyan ako ni Dad niyan. Dapat nga Cherry yan, Hindi Orange eh, Kaso may nauna ng gumamit ng Cherry dito sa bansa.” Paliwanag ni Mylene.
“Huhh..??? Ang corny talaga ni Dad.” Natahimik si Cherry nahiya sa pinagsasabi niya.
“Haha.. Natahimik ka? ” Biro naman ni Mylene.
“Hmp.. Oo na, Thank You dito ah..” Sagot ni Cherry.
“No Problem..” maikiling sagot ni Mylene.
“Pero friend, Dapat maibalik sa akin aking Phone ko, Pano kasi nandun lahat ng ki-nompose ko na songs na nirecord ko pati mga designs ng damit na gawa ko. Sayang naman yun.. Hindi lang yun, Ginawa ko kasing Audio Diary yun, Tinatamad kasi ako magsulat kaya nirecord ko nalang yung mga dapat na isusulat ko sa diary ko. Shocks, Isa pa pala, Nakakahiya.. Ang dami kong pictures dun, Puro Selfie! Karamihan dun Wacky at Duck Face! at may Video ako dun ng sarili na uma-acting! May paiyak-iyak moment pa ako dun! Anong gagawin ko friend? Baka may makakuha nun at I-upload sa Internet, Nakakahiya talaga..”. Pag-aalala ni Cherry habang naka-pout.
“Ano friend??? Naku.. Sana lang hindi loko-loko nakakita nun.” Sagot ni Mylene.
Habang kasalukuyang naguusap ang mag-besfriend.. Si Raiven naman ay nakabalik na ng mansyon at nagkulong sa kwarto niya. Pinag-iisipan ang mga sinabi ni Mr. Yu.
“Haist.. Ano ba naman yan, pinapaalis na ako dito sa mansyon, Nananahimik na nga buhay ko dito.” Kinakausap ang sarili.
“Raiven, Nandiyan ka ba sa loob? Papasok ako ah..”. Tanong ni Mr. Yu na nasa labas ng pinto ng kwarto niya.
“Oy, Tanda? Nakabalik ka na, Eh si Mr. Yu? ” Tanong niya.
“Nagpaiwan siya dun sa ospital, May plano nanaman na naisip, Dun daw muna siya para kapag nabalitaan ng anak niya na na-ospital siya ay agad siyang puntahan.” Paliwanag ni Sec. Jin.
“Ahh.. ganun ba.. Ok.”
“Pero Raiven, Matanong nga kita? Ayaw mo ba yung inaalok sayo ni Boss? Pag-aaralin ka niya pero ang anak naman niya ang babantayan mo. Ano bang problema mo dun? Ganun din naman di ba? Magbabantay ka padin pero ngayon iba na babantayan mo, Pero mag-aaral ka naman. Alam ko naman na kaya mo pag-aralin ang sarili mo eh, Alam ko din na may ipon ka, Sa dami ba naman ng naipanalo mong laban eh. Pero nung bumisita naman ako sa apartment na tinutuluyan mo, Ang dami mo namang libro, Imposible naman na hindi mo binabasa yun dahil ang iba doon ay bago pa nung nakita ko, May price tag pa nga eh.” Kinakausap ni Sec. Jin si Raiven na parang anak niya.
“Opo, Totoo gusto ko naman talaga mag-aral. Pero hindi naman na siguro kailangan na pumasok ako sa isang school para madaming matutunan.” Sagot ni Raiven.
“Pero.. Madami ka ngang alam, Pero hanggang ngayon, Tagabantay ka lang kay Boss at ngayon anak naman, At sa susunod? Tagabantay padin? Wala ka na bang pangarap?” Tanong ulit ni Sec. Jin.
“Madami. Pero.. Para saan pa? Sinong matutuwa sa mararating ko? Ano pang mapapala ko? Wala naman akong pamilya na magiging masaya sa tagumpay ko, Ang iniisip ko nalang ay tumanda nalang at mamatay na, Dahil hindi ko naman kaya patayin ang sarili ko kahit sawa na ako sa buhay na ito.”
“Raiven.. Nagkakamali ka anak.. Isa ako sa magiging masaya kapag nakita kita na may narating sa buhay. Kapag nakita kita na sawa ng saktan ang sarili sa pakikibalaban para hindi maramdaman ang sakit na nasa loob mo sa pagkawala ng pamilya mo, Ayokong habang buhay kang ganyan, Kahit wala na ang pamilya mo, Dapat mamuhay ka ng normal, Siyam na taon na ang nakalipas, Kailangan mo ng ayusin ang buhay mo, Hindi yan ang buhay na gustong mangyari ng pamilya mo para sa’yo at balang araw.. Magkakaroon ka din ng sariling pamilya, Isipin mo kung ano ang maipagmamalaki mo sa kanila.. Ano? Ikukuwento mo na taga-salo ka ng bala na tatama sa Boss mo? Maiwan na kita.. May aasikasuhin pa ako..” Paliwanag ni Sec. Jin at iniwan si Raiven.
Natahimik si Raiven sa mga sinabi ni Secretary Jin sa kanya, Hindi niya inaasahan ang mga narinig niya. Umupo siya at isinandal sa din-ding ang ulo, Inaaalala ang pamilya na nawala sa kanya at ang mga naranasan niya sa buhay habang unti-unting nare-realize ang mga sinabi ni Sec. Jin. Hindi na niya napigilan ang emosyon at nagsimulang tumulo ang luha.
“Tama siya.” Nasabi niya sa sarili.
Ring.. Ring…
Nag-Ring nanaman ang Cellphone ni Cherry na nasa bulsa niya.
“Sige friend, Tawagan mo lang ng tawagan baka sakaling may sumagot” Sinabi ni Mylene kay Cherry.
“Eto nga, Ring lang ng ring… Sana naman may sumagot, Eh pano kung wala naman talaga nakakita?” tanong ni Cherry.
“Edi mas maganda! Hindi man maibalik sayo, Yung mga confidential files mo ay safe naman. Kesa may nakapulot nga, Pero hindi naman ibabalik sayo tapos pinakielaman pa lahat ng laman ng phone mo, Edi mas malaki problema mo..” sagot ni Mylene.
“Tama ka nga friend..” Pagsang-ayon ni Cherry.
Hinahayaan lang ito ni Raiven sa Pag-ring, Hanggang sa maisipan niya itong kunin sa bulsa at ireject ang tawag. Inihagis niya lang ito sa lapag at hindi na pinansin kahit patuloy padin ito sa pag-ring..

BINABASA MO ANG
My Dear Protector
Fiksi RemajaGmail: heartbeatspersecond@gmail.com Yahoo Mail: heartbeatspersecond@yahoo.com Facebook: heartbeatspersecond Twitter: @heartbeatpersec