CHAPTER 8

73 8 7
                                        

Ilang araw ang lumipas, Nakauwi na si Mr. Harry Yu sa mansyon, Pero si Cherry nanatili parin sa condo na tinutuluyan niya. Wala na ding nagawa ang ama niya kaya hinayaan na lamang sa gusto niya na maging independent. Si Raiven naman, Tinanggap na ang alok na siya ang maging secret body guard ni Cherry at ang kapalit nito ay ang pag-aaral niya sa isang sikat at pang-mayamang school.

“Wow Bro, ang lupit ng sasakyan mo, Wooh!!! Kahit siguro manalo ka ng ilang beses sa underground fight di ka magkakaroon niyan. Pa-drive din ako minsan ah.. Please.. Hehe..” Wika ni Andrew.

“Sus, Ano ka ba, Kahit ikaw pa mag-drive lagi kapag may pasok tayo, Total mas magaling ka naman mag-drive saken eh, O kaya ngayon na, Tara gala tayo..” Sagot ni Raiven.

“Wow, Sige ba, Pero Bro, Salamat ah, Kung hindi dahil sayo baka mag-drive nalang ako ng taxi habang-buhay.”

Bukod sa gastos para sa pag-aaral ni Raiven ay binigyan pa siya ng isang bagong kotse  na gagamitin niya para magmukha din siyang mayaman sa school na papasukan niya. Hindi lang iyon, Sa pagsang-ayon ni Raiven sa alok ni Mr. Harry Yu, May isa siyang ipinakiusap, Ito ay hiling na sana ay sabay sila ni Andrew na mag-aral. Hindi naman nagdalawang isip si Mr. Yu dahil alam niyang makakadagdag tulong din si Andrew sa pagbabantay kay Cherry. Kaya sa darating na pasukan ay magkakasama silang apat sa iisang iskuwelahan. Sina Cherry, Mylene, Andrew at Raiven sa Richardson Academy.

“Friend, Shopping naman tayo, Malapit na pasukan wala pa akong bagong shoes and bags na gagamitin..” Sabi ni Cherry kay Mylene.

“What??? Friend ok ka lang? ang dami-dami mo na ngang bag eh, Lalo sapatos, Kaka-shopping lang kaya natin ulit kahapon, Ano ka ba? Gagayahin mo ba si Imelda?” Sagot ni Mylene.

“Sinong Imelda?”

“Hay nako, Di mo kilala yun? Si Imelda Papin? Yung madaming collection ng sapatos..” Paliwanag ni Mylene.

“Ahh.. Ok.. Siya pala yun..” Maikling sagot ni Cherry.

“Naku.. Ang shunga talaga.. Nag-Ok naman, Haha..” Naisip ni Mylene habang natatawa.

“Oh bakit ka natatawa diyan?”

“Wala, Hihi..”

“Pano ba yan Mylene, Schoolmate na tayo, Tuturuan mo ako kapag may Exam ah.. Haha..” Pabiro ni Cherry pero may halong seryoso.

“Hay nako, Turuan ka diyan, Mag-aral ka, Daya mo talaga.. Ipakita mo naman saken mga natutunan mo sa LA.” Reklamo ni Mylene.

“Ano ka ba, Fashion Design pinag-aralan ko dun, Kaya ano namang ipapakita kong natutunan ko? Hello, Accounting ang course ko ngayon, So anong relate nun dun? Haha..” Pabirong sagot ni Cherry.

“Siya nga pala, Di ba nagkita kayo ni Kuya sa LA? Sabi niya sa akin binisita ka daw niya bago ka bumalik dito pero binalewala mo lang daw yung effort niya na puntahan ka..”

“Ah, Oo, Yung kuya Sander mo na yun, Naku.. Naiinis nga ako kay Daddy eh kasi binigay niya yung address ko dun sa L.A nahanap niya tuloy ako. Sorry friend ah, Alam kong Brother mo siya pero kasi.. Ayoko na mapalapit kami sa isa’t-isa dahil lang sa gusto ng Daddy natin, Alam ko naman yung totoong plano nila eh, As usual.. Para sa business nanaman yun, Gusto nila na kami ang magkatuluyan para mag-merge yung mga company natin.” Paliwanag ni Cherry.

“Alam mo naaawa nga ako kay kuya dahil no choice siya, Kahit alam naman niya na ayaw mo sa kanya, Sinusunod padin niya ang Daddy. Sa kanya kasi planong ipasa ni Dad ang company namin so kailangan niyang sumunod, Kung hindi, Ako ang sasalo nung responsibilidad na iyon, At yun ang ayaw mangyari ni kuya..” Nakasimangot na sinabi ni Mylene.

“Huhh? Bakit naman? Gahaman lang sa pera? Haha..” Biro ni Cherry.

“Ano ka ba Friend? Hindi dahil dun iyon. Ang reason bakit niya ginagawa yun ay para hindi ako ang mag-suffer, Ayaw ni kuya na ako ang ipagkasundo sa iba para lang mapanatili yung paglago nung company, Gusto niya na maging malaya ako sa pagpili ko sa mamahalin ko. At syempre ayaw din naman niya na mawala ang pinaghirapan ng mga magulang namin kaya siya ang nagsa-sacrifice. Kaya sana be careful din sa mga ikikilos at mga sasabihin mo kapag kaharap siya ah.. ” Paliwanag ni Mylene.

“Grabe naman yang kuya mo, Ganun pala yun.. Na-Guilty tuloy ako.. Oh siya, Change Topic.. O kaya tara na, Mag-shopping nalang ulit tayo.”

Habang ang magkaibigan na si Mylene at Cherry ay nagpasyang mag-shopping, Sina Raiven at Andrew naman ay patuloy lang sa pag-gagala, Sinusulit ang mga araw bago magsimula ang pasukan.

“Bro, Di ba sa lunes na start ng pasukan, Daan kaya tayo sa International Bookstore? Bili tayo ng kung anong makita natin na magagamit sa pag-aaral natin, Kahit Ballpen lang ba at isang notebook total di naman ako magsusulat eh, Haha..” Biro ni Andrew.

“Sige bahala ka, Chance mo na ito para mag-aral, Mukhang sasayangin mo pa.” Sagot ni Raiven.

“Woy Bro, Biro lang yun, Syempre mag-aaral akong mabuti noh, Ayoko na maging taxi driver, Gusto ko na ako naman ang may-ari ng mga taxi na makikita mo dito sa siyudad na ito.”

“Wow, Taas naman ng pangarap ngayon, Sige Ayos yan, Pag nakisakay ako sana naman libre.”

“Kahit Ibigay ko pa isang taxi sayo at iuwi mo, Isaksak mo sa baga mo haha..” Pang-aalaska ni Andrew.

“Alaskador ka talaga noh, Kaya ka napapagtripan eh, Umayos ka na, Naku.. Mga maaarte at sosyal mga makakasama natin sa Richardson Academy, Baka Pagtawanan tayo dun.”

“Madali lang namang umarteng mayaman, Basta maganda ka manamit, tapos mabango at umastang kala mo madaming pera, Haha.. Kaso..”

“Anong kaso…?” Tanong ni Raiven.

“Wala akong magagandang damit, Hindi ba kapag Saturday hindi tayo naka-uniform? So pa’no un Popormang gangster tayo? Baka mabuko kaagad tayo ng anak ng Boss mo, Magmumukha tayong kahina-hinala sa lahat ng studyante dun kung mukha tayong inosente at pangkaraniwang mamamayan.” Paliwanag ni Andrew.

“Haha.. Wow, Ang lalim nun Bro, Makata? Rapper ka ba? Kala ko ba rockers tayo? Hehe.. Relax ka lang diyan, Heto kunin mo ito.” Iniabot ang isang ATM Card.

“ATM Card to ah, At.. Nakapangalan sa akin?” Nagtataka si Andrew.

“Oo, Nakapangalan sa’yo, May laman na yan, At every month may papasok pa daw na pera diyan worth 100,000 Pesos sabi sa akin ni tanda, Ayun daw yung budget natin na gagamitin sa pag-aaral at pang-disguise na mayaman tayo. Kaya kung gusto mo mamili ng mga gagamitin, Tara, Simulan na natin ngayon.” Pag-surpresa ni Raiven sa kaibigan.

“A-ano? 100,000??? Wew!!! Adik ba Boss mo? Bakit sobrang mapag-bigay naman ata sa iyo yun? Ang laki masyado nun, Feeling ko mayaman na ako nun kung may ganung halaga ako.”

“Ewan ko ba dun, Masyado silang mabait sa akin ni tanda, Para bang kilalang kilala nila ako simula nung kupkupin nila ako sa mansyon, Tsaka huwag ka ngang mag-alala, Barya lang sa kanya yan noh, Ikaw ang adik diyan kung di mo pa tatanggapin yan.”

“Haha.. Mukhang masaya ito Raiven, Tignan ko lang kung may manliit pa sa akin doon, Tawagin mo na ako ngayong si Mr. Andrew Stewart para sosyal, Haha..”

“Tumigil ka nga diyan, Puro ka kalokohan, Mag-focus ka nga sa pag-ddrive mo, Mamaya maaksidente tayo eh, Tatawagin nalang kitang manong Driver, Di ba astig? Haha..”

“Gagi, Haha.. Upakan kita diyan eh, Tara bili na tayo ng magagarang damit, Excited na ako ubusin laman nitong ATM na ito, hehe..” Nagmamadali magdrive si Andrew.

“Wuy Bro, Magdahan-dahan ka, Mahal daw itong sasakyan na ito, Tsaka baka mapahamak tayo!” Pasigaw na sinabi ni Raiven Dahil Sobrang Bilis magmaneho ni Andrew.

“Wooho! Relax ka lang diyan bro, Professional driver ata ito, Ang bagal pa nga ng takbo natin eh, haha..” Sagot ni Andrew.

“Umayos ka wuy! Naka-droga ka ba? Saya mo ah, Pag nakabangga ka ubos yang pera mo na yan, Magdahan-dahan ka!”

Hindi mapigil si Andrew sa kalokohan niya, Pinatakbo niya pa ang kotse ng mas mabilis, At Hindi inaasahang.. Peeeeeeeppp!!!

My Dear ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon