“Hello Dad, Ano bang ginagawa ng lalakeng yun dito sa L.A? at tinuro nyo pa talaga kung saan ako nakatira dito! Sorry dad, pero I hate to see him, at huwag niyo na kasi ako ipilit sa lalakeng yun! I’m not gonna marry that guy! Kung gusto niyo talaga siya.. Edi kayo ang magpakasal!, Huwag niyo ako isangkalan para diyan sa negosyo niyo.
Anyway.., sa ayaw at sa gusto mo, may plano akong umuwi diyan next week, I’m going to spend my whole summer vacation diyan sa manila, Masyado na akong na-iistress dito kaka-aral at makikita ko pa ang pagmumukha ng lalakeng yun.
Sige Dad, lowbat na phone ko, Bye.”
Tit..tit..tit..
Siya si Cherry Yu, Isang MMS, Maganda, Maarte at Sosyal, Anak siya ng isa sa pinakamayamang businessman sa pilipinas, Daddy lang naman niya si Mr. Harry Yu, ang may-ari ng pinakamalaking mall at stadium sa buong asia.
Kasalukuyan siyang nagaaral ng Fashion Design sa Amerika, Nasusunod man ang lahat ng luho niya sa yaman nila, Hindi naman siya masaya dito, Bakit?
Marami nga silang pera pero para naman siyang nasasakal sa buhay na meron siya dahil ang pakiramdam niya, Para siyang prinsesa na puno ng kadramahan ang kwento ng buhay.
“Hay.. grabe talaga itong batang ‘to, Hindi pa ako nakakapagsalita binaba na, Gusto kong bumawi sa kanya pero ako naman ang nababalewala niya.”
Ganyan lagi ang eksena nila ng Daddy niya sa phone kapag tinawagan siya. Hindi kasi siya masyadong malapit sa Dad niya na ang nasa isip lagi ay ang negosyo niya at ang pagpapayaman.
12 years old siya nung namatay ang mommy niya sa sakit na cancer, At nung mga panahon na buhay pa ito ay siya lagi ang kasama niya. Lalo pa siyang naiinis dahil ipinagpipilitan siya sa isang guy na hindi naman niya gusto.
“Teka, teka, tama ba pagkakarinig ko? Uuwi siya next week???...!!!”
“Secretary Jin, Maghanda kayo ng Welcome Party sa pagdating ni Cherry.”
“Yes Boss, masusunod po.” Sagot ng Secretary niya.
Excited ang Daddy ni Cherry sa paguwi niya dahil halos magtatatlong taon na ang nakalipas nung huli siyang makasama nito.
“Andito na ako.., hmm.. Secretary Jin anong meron at parang nagkukumahog mga tao dito sa mansyon na to’?”
“Oh Raiven, Bakit ganyan nanaman hitsura mo? Ilang beses ba kita dapat sabihan na ihinto mo na yung pagsali diyan sa Underground Fight na yan?”
Siya naman si Raiven, Isang MGM, Matalino, Gwapo at Malakas, Personal Body Guard ni Mr. Harry Yu, lumaki sa kalyeng palaboy-laboy at madalas napapasabak sa gulo, Pero ang karanasang iyon ang mga nagamit niya para maging matapang sa buhay noong wala pa sa mansyon ni Mr. Yu at hanggang ngayon dahil sa madalas niyang pagsali sa mga Underground Mixed Martial Arts Tournament.
“Ano pa bang dahilan bakit lumalaban ka pa? eh may maayos ka naman ng trabaho dito sa mansyon.” Tanong ni Sec. Jin.
“Sawa na ako sa buhay ko, yun lang.” Maikling sagot niya.
“Naku.. ikaw talagang bata ka! Nasisiraan ka na ng bait, Ayusin mo nga yang sarili mo, Magpaka-pormal ka naman, Kasa-kasama ka ni Boss sa mga lakad niya tapos ganyan ang hitsura mo, Puro pasa at sugat yang mukha mo.”
“Oo na tanda.. Hehe..” Pabirong sabi ni Raiven kay Secretary Jin, Kaibigan at tatay na kasi ang turing niya dito.
“Buwisit kang bata ka, anong sabi mo??!!, Gusto mo paliguan ko ng alcohol mga sugat mo? ”
“Haha.. Tanda! Hihi..”
“Tumahimik ka na nga, Oh ito, Gamutin mo yang mga pasa at sugat mo.” Inabutan siya ni Secretary Jin ang Yelo at gamot.
“Pero sandali lang tanda, Ano ba talagang meron at mukhang busy silang lahat sa pagaayos dito sa mansyon?”
Puk! “Aray!” Hinampas siya ng malakas gamit ang kamay sa ulo.
“Tigilan mo sabi kakatawag sakin ng tanda eh..”
“Kaya sila nag-aayos ngayon dahil uuwi dito next week yung anak ni Boss at magbabakasyon daw.”
“Huh..? Parang ang OA naman, Next week pa pala todong paghahanda agad?.” Reaksyon ni Raiven.
“Ano ka ba.. Halos tatlong taon niya ng hindi nakikita yung anak niya kaya excited siya at talagang paghahandaan niya..”
“Hmm.. Ok… Sa bagay matagal-tagal nga yun.. ”
“Ano-ano kaya mga mangyayari oras na dumating siya..? Parang curious ako sa kanya.” Hindi pa kasi niya nakikita o nakikilala ang anak ng Boss niya.
AFTER A WEEK...
“Welcome Back Miss Cherry..” Pagbati ni Secretary Jin sa pagsalubong sa Airport.“”
“Secretary Jin??!! Oh my Gosh, Thank you! Namiss ko po kayo, parang tumanda kayo ah..”
“……” Hindi nakaimik si Secretary nagpunas nalang ng pawis, Na-hurt ata.
“Ano ba yan.. matanda na ba talaga ako?” Sa isip-isip niya.
“Pero Secretary Jin pano niyo nalaman oras ng dating ko? Tsaka hindi naman ako nagpasundo ahh..”
“Iha, kayo nalang ang magusap ng Daddy mo tungkol diyan, Pero para sa seguridad mo itong ginagawa namin.”
“Halika na at excited na ang papa mo sa paguwi mo.”
“Uuwi? Saan?” Patanong na sumbat ni Cherry.
“Sa bahay niyo po, Sa mansyon.”
“Teka po Secretary, Wala naman ako nabanggit kay papa na magiistay ako sa mansyon.”
“H-Huh.. P-pero…” Hindi nakapgsalita si Secretary Jin.
“Taxi!, Sige po Secretary Jin, mauna na po ako..”
“T-teka Miss Cherry!, Saan kayo pupunta?”
“Bye..”

BINABASA MO ANG
My Dear Protector
Teen FictionGmail: heartbeatspersecond@gmail.com Yahoo Mail: heartbeatspersecond@yahoo.com Facebook: heartbeatspersecond Twitter: @heartbeatpersec