Isang gabi bago magsimula ang unang araw ng pasukan kinabukasan, Si Raiven ay bumisita sa dati niyang tinutuluyang apartment. Dito nakaimbak lahat ng mga libro na binibili niya kaya nagmistulang library na ang hitsura ng loob. Kahit may tinutuluyan siyang kwarto sa mansyon ni Mr. Harry Yu, Minsan ay dito niya padin napag-papasiyahan na umuwi lalo na kung inaabot na siya ng gabi sa training niya.
“Raiven? Anong ginagawa mo dito? Gabi na ah?”
“Ah, Ikaw pala Anna.. Bakit gising ka pa at nandiyan ka sa labas?”
Siya si Annabelle, Kapit-bahay ni Andrew sa Apartment na na tinuluyan niya, Isa siyang istudyante at iskolar sa PU, Bagamat mahirap lamang, Nabiyayaan naman siya ng talino at handang ibahagi ang mga nalalaman. Laki siya sa probinsya at nananatili siya sa maynila at umuupa para makapagtapos sa pag-aaral. Siya ang nang-impluwensiya kay Raiven na magbasa at mag-aral kahit wala sa paaralan.
“Hmm.. wala lang, Nalalala ko lang pamilya ko sa probinsya, Kamusta kaya sila? Hindi kasi ako nakauwi dun nitong bakasyon, Kailangan ko kasi magtrabaho at makaipon ng pang-gastos ko para sa pasukan.” Sagot niya kay Raiven.
“Ahh.. Nagdra-drama ka nanaman.. Pumasok ka na kaya sa loob ng kwarto mo, Madaming lamok dito sa labas.”
“Drama ka diyan, Minsan lang ako mag-emote eh, Ikaw talaga.. Teka, Bakit ang tagal mo atang hindi nakabisita diyan sa kwarto mo?” Tanong ni Anna.
“Itong mga nakaraang linggo kasi masyadong madaming nangyari, Basta naging busy talaga ako..”
“Ganun, Hindi ka man lang nagparamdam sa akin, Ay sa mga bata pala.. Lagi ka kaya nila tinatanong sa akin, Hinahanap ka.” Natarantang sagot ni Anna.
“Ah mabuti naman at nami-miss ako nung mga batang iyon, Kamusta naman pagtuturo mo sa kanila? Malamang mas tumalino nanaman mga yun, Magaling kasi teacher nila eh.”
“A-ano ka ba..? Hindi naman masyado..” Nahihiyang sagot ni Anna.
Tuwing sabado at linggo ay nagtuturo si Anna sa mga batang hindi nakakapasok sa iskuwelahan sa lugar nila. Minsan kapag hindi busy si Raiven ay tumutulong din siya at nagtuturo din ng mga nalalaman niya at nabasa niya sa mga libro niya.
“Oo nga pala, Isang taon nalang magiging ganap na teacher ka na noh.. Ga-graduate ka na nga pala..”
“Sana nga maka-graduate na ako Raiven, Gusto ko na talaga makatapos pag-aaral. Eh Ikaw? Ayaw mo padin ba mag-enroll? Mas gusto mo padin ba makipag-bugbugan at maging body guard? ”
“Hmm… Ang totoo niyan Anna, Mag-aaral na ako.” Sagot ni Raiven.
“Hah? Talaga? Seryoso ka? Yehey! Saan naman?”
“Sa Richardson Academy.”
“Hay.. Sabi na eh pinag-loloko mo nanaman ako eh..”
“A-anong pinag-loloko? Seryoso ako Anna..”
“Utot mo Raiven, Ikaw mag-aaral sa Richardson Academy? Hello, Di mo ata alam sinasabi mo at hindi mo alam kung anong klaseng school yun.. Pang-mayaman yun, Sira, Hehe.. ako pa niloko mo.”
“Hala, Sira ka din Anna.. Seryoso nga ako.. Pasukan na nga namin bukas eh..”
“Hay naku mag-hanap ka ng kausap mo..”
“Bahala ka, Ayaw mo maniwala.. Sige pasok na ako sa loob ah, Mukhang kailangan ko pang maglinis mamaya eh, Malamang puro alikabok na sa loob. Pumasok na na rin ng kwarto mo, Lumalamig na..”
![](https://img.wattpad.com/cover/20704684-288-k259453.jpg)
BINABASA MO ANG
My Dear Protector
Teen FictionGmail: heartbeatspersecond@gmail.com Yahoo Mail: heartbeatspersecond@yahoo.com Facebook: heartbeatspersecond Twitter: @heartbeatpersec