CHAPTER 9

74 6 4
                                    

Dahil sa kalokohan ni Andrew, May dalawang Babaeng muntik nang masagasaan, Mabuti nalang magaling na taxi driver talaga siya at kahit na sobrang bilis ang pagpapa-takbo niya sa bagong kotse ni Raiven ay nakapag-preno padin siya at hindi tuluyang napahamak ang mga ito..

“Friend ok ka lang? Muntik na tayo dun ah, Huwag ka mag-alala, Nakuhanan ko ng litrato yung sasakyan pati plate number niya. Siraulo yun, ang bilis magpatakbo, Nagulat pa ako sa busina niya, Ipapa-trace natin kung sino may-ari nun, Humanda sa akin yung driver na yun. Hmp!” Galit na sinabi ni Cherry.

Si Cherry at Mylene kasi ang muntik nang masagasaan ni Andrew pagtawid nila mula sa condo na kasalukuyang tinutuluyan ni Cherry. Magsho-shopping sana ang dalawa ngunit nagbago na ang isip dahil sa nangyari at nagpasya nang umuwi. Sobra kasing nagulat si Mylene sa pangyayari, Lalo na’t muntik na silang mahagip ng sasakyan.

“Tara Cherry, Bumalik nalang tayo pauwi habang hindi pa tayo nakakalayo, Hindi kasi maalis yung kaba sa dibdib ko. Ang lakas nung busina na yun, Napapikit nalang ako, Akala ko katapusan ko na, buti nalang pagdilat ko nakalagpas na yung sasakyan.” Kinakabahang sinabi ni Mylene.

“O sige, Halika na, Bukas nalang tayo ulit umalis, Buwisit yung driver na iyon, panira ng araw, Bumangga sana sinasakyan niya.”

“Tumahimik ka nga diyan friend, Masama yang sinasabi mo, Mamaya magkatotoo eh, Tara na.” Sumbat ni Mylene.

Si Raiven at Andrew naman..

“Bro, Sorry na.. Gusto ko lang maging wild kanina sa tuwa, Masyado lang akong na-excite sa mga nangyayari at mangyayari pa.” Paliwanag ni Andrew.

“Siraulo ka ba?! Pa’no kung nasagasaan mo yung dalawang babae na yun? At tinakasan mo pa, Di mo man lang hininto yung sasakyan at bumaba muna saglit at kamustahin kung ok lang sila.” Pasigaw na sagot ni Raiven.

“Bakit naman ako bababa? Hindi ko naman sila nasagasaan eh, Ok lang yun, Mas magagalit yun kung bumaba pa tayo.. Malamang magsisi-sigaw pa yun sa kalsada, Mapapahiya pa tayo. Tsaka mas ok na yun dahil  hindi nila tayo nakita, Ganun din naman tayo, Hindi naman natin nakita ng malinaw hitsura nila eh, nakatagilid sila, Kaya kalimutan mo na yun.” Paliwanag ni Andrew.

“Hays.. Anong klaseng driver ka, Pano kung ang nakita naman nila ay yung plate number ng kotse ko? Nag-iisip ka ba? Ako mananagot dun., Kamote ka talaga eh.” Sagot ni Raiven.

“Hay nako, Ang dami mo namang sinasabi bro, Wala na yun, Tapos na, Kalimutan mo na lang, Ang importante walang nasaktan ok? Pinagtitinginan na tayo ng mga tao oh, Nakakahiya, LQ tayo? Ano to’ Bromance? Pag-aawayan pa ba natin ito? Ano susuyuin pa ba kita? Haha.. Tara na, Bili na tayo ng mga damit natin.” Dinaan sa biro ni Andrew.

“Haist.. Baliw.” Maikling sagot ni Raiven.

Nakita ng mga sikretong nakabantay kay Cherry sa paligid ng condo ang nangyari at mabilis itong nakarating kay Secretary Jin.

“Hello.., Ano? Muntik nang masagasaan si Miss Cherry at Mylene? At dumire-diretso lang yung driver? Kamusta na sila? Nakuha niyo ba ang plate number nung sasakyan?”

Nang sabihin ng tauhan niya ang plate number nung sasakyan na muntik nang makasagasa kay Cherry at Mylene ay natahimik lang ito.

“Hindi pwede, Plate number yun ni Raiven ah, Hindi ko pwedeng i-report ito kay Boss, Malamang mahahigh-blood nanaman yun, at baka magalit kay Raiven. Ano nanaman kayang pinag-gagagawa nung batang na iyon. Sa bagay, Hindi pa siya ganun kagaling mag-drive kaya posibleng mangyari yun. Tatahimik nalang muna ako mukhang ok naman na sila Cherry eh..” Sa isip-isip niya.

My Dear ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon