Si Raiven ay talagang nakatulog na sa sinehan dahil sa pagod, Suot ang Earphone niya na walang tumutugtog para hindi maingayan sa mga nanunood sa loob ng sinehan. Ilang saglit pa, Nagsigawan ang lahat sa sinehan dahil sa takot, Maging si Cherry at Mylene ay hindi na din napigilan ang sarili na mapatili. Umabot pa sa puntong sa takot ni Cherry ay napayakap na siya sa katabing si Raiven.
“Wahh..!!! Shocks!” Sumisigaw habang nakayakap at nayuyoyog si Raiven.
Hindi padin natinag ng ingay si Raiven kaya tuloy padin ang pagtulog nito sa kabila ng sigawan sa sinehan at likot ni Cherry.
“Wuy Friend, Kilala mo ba yang niyayakap mo diyan? Kung makayakap ka ah, Boyfriend mo? Haha..” Biro ni Mylene.
“Huwag ka nga maingay friend, Natatakot ako eh, Choosy pa siya? Buti nga yakap-yakap siya ng isang dyosa habang natutulog siya eh, hek.” Sagot ni Cherry.
“Bahala ka jan, Mamaya sapakin ka niyan, Haha.. Teka, di ba siya yung nasa coffee shop kanina?”
“Oo siya nga, Hayaan mo na siya, Manood na ulit tayo.” Sagot ni Cherry habang nakayap patago kay Raiven.
Natapos ang Pelikula at Umalis na sila Cherry at Mylene. Maya-maya ay nagising na din si Raiven.
“Woaahh.. Teka anong oras na ba? Mukhang eksakto lng ata pag-gising ko ah, Nag-aalisan palang sila lahat. Mukhang Kailangan ko na umuwi at baka hanapin na ako ni tanda.” Umunat at tumayo sa kina-uupuan.
“Bakit parang nangalay ata itong braso ko? Parang inipit ah, Nanaginip lang naman ako na lumalaban..” Tanong niya sa sarili.
Wala siyang kaalam-alam na si Cherry ang may kagagawan kung bakit nangalay ang braso niya, Dahil sa kalagitnaan kasi ng pelikula at pagtulog niya ay dito lang ito kumapit.
“Grabe yung Mr. Suplado mo ah, Manhid ba yun? Niyugyog mo na halos sa kaka-kapit mo naghihilik padin? Haha.. Sa bagay kung nagising siguro yun malamang masasapak ka talaga nun sa ingay at likot mo, Ang macho pa naman, haha..” Biro ni Mylene kay Cherry.
“Hahaha.. Ang weirdo talaga niya noh?” Sagot ni Cherry.
“Mas weirdo ka friend, Feeling close? Yakap agad? Haha.. Landi mo friend.. hek.”
“Hoy, Hindi ako malandi noh, Natatakot lang talaga ako kanina. Pero friend, Ang gwapo niya kahit nakapikit, Isa pa.. Mabango siya ah.. Haha..”
“Kita mo yang kalandian mo? Haha.. Tara na umuwi na tayo.”
Habang naglalakad sila palabas ng hospital, May natanggap na text si Mylene galing sa Daddy niya.
“Huh..? Friend, Nag-txt si Daddy, Basahin mo ito dali!” Nagmamadaling sinabi kay Cherry.
“Ano? Ang Dad nasa Ospital daw? Itanong mo naman sa Dad mo kung saang Hospital siya nandoon?” Nag-aalalang sinabi ni Cherry.
“Wait lang tatawagan ko si Dad.” Sagot ni Mylene.
“Ano ba yan.. Sana naman ok lang si Daddy..” Sa isip ni Cherry.
Ring… Ring..
“Naku, Ito na si tanda, Hinahanap na nga ako..” Tumatawang si Sec. Jin kay Raiven.
![](https://img.wattpad.com/cover/20704684-288-k259453.jpg)
BINABASA MO ANG
My Dear Protector
Novela JuvenilGmail: heartbeatspersecond@gmail.com Yahoo Mail: heartbeatspersecond@yahoo.com Facebook: heartbeatspersecond Twitter: @heartbeatpersec