CHAPTER 6

100 8 4
                                        

Sumuko na si Cherry na mahanap ang phone niya, Napagpasyahan nila ni Mylene na mag-shopping nalang muna at manuod ng sine sa Mall nila. Dahil mayaman din ang kaibigan niyang si Mylene, May mga Body Guard na nakabuntot sa kanila.

“Alam mo ba friend, na-miss ko talaga itong ginagawa nating ito, Kaso hanggang ngayon ganun parin, Di man lang tayo makapag-enjoy ng tayo lang, May mga nanonood padin sa mga kilos natin.. Naalala mo pa ba dati nung tinakasan natin mga Body Guard natin? Haha..”.

“Hay Naku.. Syempre, Di ko makakalimutan yun noh, Saya kaya nun.. Nag-drive ka at kung saan-saan lang tayo napadpad, Akala natin nakatakas na tayo, Yun pala nandoon din sa loob ng sasakyan si Mr. Jin, natutulog, Nung nabangga mo yung sasakyan tsaka lang nagising, haha..”. Kwento ni Mylene.

“Nakakainis naman kasi si Dad, Kahit ayoko mag-aral sa ibang bansa para akong basura na pinapatapon dun. Edi sana palagi tayong magkasama, Nakakalungkot kaya dun, Ang malas ko.. kasi mga naging classmate ko puro bully. Buti nalang alam kong maganda ako kaya kahit anong sabihin nila tungkol saken, hindi ako naniniwala.”

“Wow friend, Sige ikaw na talaga ang maganda, Haha.. Over-Confident?” Biro ni Mylene.

“Hihi.. Agree ka nalang friend, Ililibre kita, haha..”.

“Pero ano na bang plano mo?” Tanong ni Mylene.

“Hmm.. Ganun padin, I-ttry ko padin i-convince si Dad na dito nalang ako ulit mag-aral. Alam mo naman na ayoko talaga ang fashion design di ba? Napilitan lang ako na pag-aralan yun sa LA dahil tingin ko hindi ko kakayanin mga kurso nila dun, Kaya dinaan ko nalang sa  skills at talent.”

“Kanina pinupuri mo sarili mo, Ngayon naman parang ang dating eh, Shunga ka, haha..”

“Hmmp.. Tse.. Basta maganda ako, Yun na yun, May angal?” Tumaas ang kilay ni Cherry.

“Ikaw na talaga! Haha..” Nagtawanan silang dalawa.

“Ito po ang bayad, Huwag niyo na po i-plastic.” Naisipan ni Raiven na bumili ng bagong libro sa International Bookstore na nasa Mall kung saan kasalukuyang nandoon din sila Cherry at Mylene. Ito kasi ang madalas niyang ginagawa kapag wala siya sa training niya, Nagbibiike siya papuntang Mall at Magii-stay sa Bookstore para pumili ng libro at kapag nakabili na siya, Magi-earphone ito pero walang tumutugtog at magbabasa ng libro sa isang  Coffee Shop.

“Hay.. Hindi ako makapg-concentrate sa pag-babasa, Kaasar talaga yung tanda na yun, Hindi ko makalimutan mga sinabi niya sa akin, Naalala ko tuloy si Tatay. Mas mabuti nga kaya na sundin ko nalang ang gusto nila? Tama nga siguro si tanda, Hindi ito ang buhay na gusto ng mga magulang ko kahit wala na sila.” Nag-iisip habang humihigop ng kape.

“Friend Halika, Bilis, Tikman mo yung coffee nila dito, Masarap siya, Promise.” Inaya ni Mylene si Cherry na pumasok sa coffee shop kung nasaan si Raiven.

“Talaga Friend? Sige, Total pagod na din naman na ako kakalakad eh, Pahinga muna tayo.” Sagot ni Mylene.

Umupo silang dalawa sa table kung saan nagbabasa ng libro si Raiven mag-isa.

“Excuse me Sir, makikiupo kami dito ah, Wala na kasing vacant seat.” Paalam ni Cherry kay Raiven. Pero dahil naka-earphone si Raiven at seryosong nakayuko ang ulo at  nag-babasa, Hindi niya ito pinansin.

“Friend ang suplado niya, Palayasin ko kaya siya dito sa Mall namin?” Bulong ni Cherry kay Mylene.

“Ano ka ba friend? Masanay ka na nga, Madami ng ganyang lalake ngayon dito, Lalo pa yung ganyang hitsura, Gwapo na mukhang matalino pa at mayaman.” Sagot ni Mylene.

My Dear ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon