04. Question

167 11 1
                                    

Blythe's POV

Nagpahatak ako kay Vierre na hindi na muling nabalikan ang beer kong in-order sa counter. Sa higpit ba naman ng hawak niya sa kamay ko ay hindi na talaga ako makakatakas. Ni-hindi na nga ako nakapagpaalam sa mga kasama ko.

Nang makalabas na kami ay gininaw agad ako sa lamig ng simoy ng hangin dahil inatake agad kaming dalawa pagkabukas palang ng pintuan.

Hindi ko napigilang manginig.

Naramdaman ni Vierre ang panginginig ko kaya lumingon ito sakin at binitawan na ang kamay ko. Para akong batang nag reklamo, "bakit mo binitawan yung kamay ko?"

Natigilan ito sandali sa ginagawa na hindi ko nakuha noong una. "Why? You want to hold my hand?"

"Oo!"

He gave me an amused expression, "bakit?"

"Your hand is warm! It's freezing out here!" Damn it, Blythe, for sure you're gonna regret saying that when you're sober!

He chuckled softly and I think.. no, lasing lang ako. "Calm down, B, I'm just removing my leather jacket for you to wear it." B.. is that the first time he called me that?

Pinasuot na nga sakin ni Vierre ang jacket niyang tingin ko ay kay Jason since siya ang mahilig sa leather jackets sa pamilya niya. Hinawakan na muli ni Vierre ang kamay ko tsaka na kami naglakad patungo kung saan.

Bumagsak ang mga mata ko sa kamay naming magkahawak. I think this is the first time we held hands this way and this long. Kailangan pala lasing muna ako bago kami magkamabutihan, pustahan susungitan nanaman niya ako kapag hindi na ako lasing.

We stopped walking in front of his car, binitawan na niya ako para pagbuksan ako ng pintuan at alalayan ako sa pag pasok roon. Sa puntong 'yon, hindi ko na talaga naisip ang mga totoong kasama para magpaalam na pumapasok na ako ngayon sa kotse ng ibang lalaki.

He helped me with my seatbelt, hindi pa nakatakas sakin ang paninitig niya sa labi ko kaya hindi ko alam kung mas lalo lang ba akong tinamaan ng alak kaya medyo uminit ang pakiramdam ko, o dahil sakanya, o pareho.

He remained standing by my side while I was waiting for him to finish whatever the hell he was doing. Nang nagtama sandali ang paningin namin ay umiwas agad siya at bumuntong-hininga, tsaka niya ako tinalikuran at sinarahan ng pinto. Umikot siya sa driver's seat at umupo narin roon.

Sa byahe namin, hilong-hilo parin ako, hindi ko mawari kung anong mararamdaman ko at anong sasabihin ko. Right now, I just really want to turn off this aircon.

Kahit na umaalog ang paningin ko, successfully ko namang napatay yung aircon sa side ko, he glanced at me because of that, "bakit mo pinatay?"

"Nahihilo ako lalo.."

Tumango siya at pinatay na talaga ang aircon ng kotse, pagkatapos ay binuksan niya ang bintana namin. Oh, thank God.

We were quiet in the middle of the road, paminsan-minsan ay lalong umaatake ang pagkakahilo ko kaya sumasandal ako sa headrest at sinasapo ang ulo ko. Parang.. gusto ko sumuka?

"How many did you drink?" Aniya.

"I don't know, many?"

"Hinayaan ka ng kasama mo na uminom ng marami?"

"Uh-huh."

"Then why did he let you buy a beer by yourself?" Ha? Anong sinasabi nito? He?

Ewan ko sayo.

Hindi ko na nasagot ang tanong na 'yon hanggang sa namamataan ko na yung bahay namin sa malayo, alam na ng mga Roméo kung saan ang bahay ko matagal na, at buti nalang alam rin ni Vierre.

Seven Deadly Sins: Vierre RoméoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon