46. Home

197 10 0
                                    

Blythe's POV

"We'll change our daughter's surname when we officially changed yours," Vierre whispered on my ear.

Pinapanood lang namin pareho si Bliss na nanonood ng TV sa living room dito sa penthouse niya.

"Officially changed mine?" Ulit ko.

"Our wedding, dumbo."

Bumilis ang tibok ng puso ko roon at muling tiningnan ang singsing ko sa daliri.

Huh, so we really are doing this.

Hindi ko alam pero dinapuan ako ng matinding pagkakasabik sa sinabi niya.

Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko at pinaglaruan ang aking mga daliri, "you and our daughter will live in my house from now on."

Nilingon ko siya, "house? Itong penthouse mo?"

"No, silly. You remember I had a house built years ago, right?"

Ah, oo, naalala ko nga 'yon. Iyon yung gabing kukunin ko sana yung parcel ni Idony tapos nalaman kong may nabanggit siya about sa bahay na pinapatayo.

"Gawa na ba yung bahay mo?"

"Oo naman.. pero semi furnished palang."

"Bakit dito ka parin sa penthouse mo nakatira at hindi nalang doon?"

"I was waiting for my fiancee to come home."

Natigilan ako sa sinabi niya at napatitig lang sakanya. He looked back at me and smiled before kissing me on the forehead.

"Daddy, I want too!"

Humalakhak si Vierre at tumayo na para lapitan si Bliss at halikan din sa noo.

I couldn't help but feel my heart flutter because of the warmness and affection of the thought that we're finally complete, we're finally together. Para akong maiiyak sa saya.

Pero hindi pa, huwag pa dapat pakampante. Dahil haharapin ko pa ang pamilyang mga Roméo.

"You alright?" Nabalik ako sa huwisyo nang marinig ang boses ni V, pareho sila ni Bliss na nag aalalang nakatingin sakin. Halos matawa ako dahil magkaugaling-magkaugali, magkamukha pa.

"Yes, of course."

My daughter kept on watching cartoons on the TV, si V naman ay nilapitan ako at muling tumabi sakin sa high chair pero siya'y nakatayo lang.

"Are you worried for later?"

Mamaya kasi ay pupunta na kami sa mga Roméo Hacienda. Magkikita-kita roon ang Roméo Seven para daluhan sila Tito Eros at Tita Alice sa hacienda. Doon narin namin ipapakilala nang maayos ni Vierre si Bliss sakanila.

"A bit.." amin ko.

"Don't be, hindi sila magagalit sayo.." aniya at maya-maya'y nakita kong biglang nagbago ang ekspresyon niya nang may maalala, "though medyo nagtatampo si Mama sayo."

Mas lalo tuloy akong kinabahan doon. "H-Ha?"

"Nagtatampo si Mama but it's nothing serious, she's not mad at you. You still have nothing to worry about."

But there is! That's Tita Alice we're talking about! Siguro ay pumangit ang tingin niya sakin dahil sa biglaan kong pag iwan sakanila. Oh, gosh.. how will she react when she found out I took Vierre years from being with his daughter, Tita's grandchild. 

Oh, gosh!

You are fucking doomed, Blythe Magallanes.

Si Bliss ay sumama kay Vierre sa kanyang kotse pauwi sa bahay namin, habang ako naman ay nasa kotse ko at nagmamaneho rin. Medyo ngumuso pa nga ako dahil sumama kay Vierre si Bliss kaso hindi ko naman magawang mag reklamo dahil una, mag tatay sila at pangalawa, panahon na para sila naman ang mag sama.

Seven Deadly Sins: Vierre RoméoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon