50. Avarice

311 13 1
                                    

Ᏸ: Thank you for being with me in this journey. Roméo Seven is a start of a different vibe from my early stories and Vierre Vante V. Roméo is the beginning of it. I look forward to your continuous support in my next stories as well, I love you all. 💙

Blythe's POV

"Sabi sa records mo ay dati ka nang nakulong sa bilangguan? Because you were caught with an attempted hit and run years ago." Sambit ng pulis na nasa harap ko, nakatingin siya ngayon kay Marlon na nasa likuran ko at nasa loob ng kulungan.

"Oo, bakit?" Maangas na tanong sakanya pabalik.

"Umayos ka sa pananalita mo!" Yung isang pulis din na nasa labas lang ng kulungan at nakabantay.

"Bakit pa? Nandiyan nanaman ang Roméong 'yan at ipapakulong nanaman ako!"

Naramdaman ko ang pag higpit ng hawak ni Vierre sa kamay ko, bahagya ko siyang nilingon at nakita itong mariing nakapikit at halatang nagpipigil nanaman sa sarili.

Narinig ko ang buntong-hininga ng pulis na nasa harapan ko kaya bumalik sakanya ang aking atensyon, nagtama ang paningin namin.

"Kaya mo bang ikwento sakin ang nangyari, Ms. Magallanes?"

"S-Sige.."

Nilingon na ako ni Vierre at binulungan, nakaakbay parin ito sakin at dikit na dikit ang balikat ko sa dibdib niya, hinahaplos naman ng isang kamay ang isang kamay ko.

"Are you sure, darling? We can go home and rest, I'll take care of things.."

Umiling ako, "no, I can do it."

Kinwento ko sa pulis ang nangyari, ramdam ko rin na nakikinig si Vierre dahil paminsan-minsa'y naaapektuhan siya sa mga sinasabi ko at humihigpit lang lalo ang hawak sakin.

The policeman around our age is typing all of my say in his computer for records. Tumatango ito sa mga kwento ko at hindi nagsasalita, all I can hear in the middle of my story is his keyboard.

"I want him jailed, Trev." Si Vierre nang matapos ako sa pag kwento.

Tumango yung pulis, ni-hindi ko alam kung bakit mukhang magkakilala ang dalawang 'to. "You can count on me, that idiot violated your girl—"

"He disrespected a woman." Mariing tugon ni V kaya muli akong napasulyap sakanya, kitang-kita ko ang galit at seryoso niya sa kanyang mukha.

Tumango lang yung Trev, "yes, you're absolutely right.." he then looked at me, "I'm so sorry, Ms. Magallanes, I'll make sure you get the justice you deserve. There's already enough injustice in this fucking country and I hate every single one of them."

Inalalayan ako ni Vierre nang tumayo kami para makaalis na. Nakasuot parin sakin ang coat ni Vierre at lukot parin ang aking damit. V didn't stop holding me ever since, he never wanted to leave my side after that scene.

Alam kong gustong-gusto niyang bugbugin si Marlon dahil sa ginawa niya sakin, at nasapak niya siya ng isang beses, I know he wanted to do worse but instead, he went to me and make sure I am in a safe situation.

We were about to leave when I grabbed his sleeve, he stopped and looked my way.

Nag angat ako ng tingin sakanya, "just a second.." tumango siya kahit na alam kong nagtataka ito.

Nang humakbang ako papunta sa kulungan ay agad niya akong pinigilan, "B.."

"Please.." I softly asked.

Kinagat niya ang labi niya, halatang hindi niya nagugustuhan ang iniisip ko ngayon, pero sa huli ay hinayaan niya lang ako.

I walked over to the cell, Vierre is still tailing me. I can feel the policemen's eyes following my every move and are alerted for any possible worse that could happen.

Seven Deadly Sins: Vierre RoméoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon