32. Gawk

222 9 0
                                    

Blythe's POV

"We're here."

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa balikat ni Credence. Medyo namumula pa ang mga mata ko dahil sa pagbabawi ng kakulangan sa pag tulog ko ngayong araw.

The flight took a few hours before our arrival at Palawan.

"I'm sorry, napulikat ba ang braso mo?" Nag aalala kong tanong kay Credence na ngayon ay kinukuha ang bagahe namin.

"No, don't be silly.." natatawang tugon niya, "and it's fine, tungkulin kong paglingkuran ka." Madrama nitong sabi na nagpatawa sakin.

"Siraulo." At kinuha na ang bagahe ko mula sakanya.

Nang makalabas na kami ay sabay sabay kaming naglalakad. Napapatingin sa banda namin ang ibang tao dahil maliban sa kasama namin si Idony Von Borja ay nandito rin ang buong pamilyang Roméo.

May naghihintay na kotse sa tapat namin at may nakasandal roon. Tutal ay sinusundan lang naman namin ang mga Roméo ay napagtanto kong para sa amin iyon.

"Magandang araw po, Tito, Tita," nakangiting sambit niya.

Pang summer look ang kanyang pananamit at naka shades kaya hindi ko namukhaan kaagad.

"Ezra!" Nakangiting tawag ni Tita tsaka siya nakipagbeso sa lalaki.

Nangunot ang noo ko, Ezra? Parang pamilyar.. at hindi ito dahil sa asawa ni Ezekiel.

Lumapit si King sakanya at tinapik ang balikat, "salamat sa van, hindi mo naman kailangang pumunta pa rito."

Tumango si Ezekiel, "malayo ang pinagtatrabahunan mo rito, nasa siyudad ka lang namin."

"No, it's fine! Tsaka, may pinuntahan rin naman talaga ako rito kaya mas nauna akong dumako rito, sakto at nasabayan ko pa kayo kaya ako nalang rin ang nagmaneho ng van." Pagkatapos ay biglang lumitaw ang mapaglarong ngisi, "uy! Hindi ba't Ezra rin ang pangalan ng asawa mo, Kiel?"

"Y-Yes.." nawala ang cool facade bigla ni Ezekiel na animo inaasahan ang ganito mula kay.. Ezra.

Doon ko lang narealize na siya yung waiter sa Cafe Nectar noon! Iyong kaclose ni Alegre sa trabaho! Hindi ba?

Dumako ang mga mata ko sa singsing na suot niya, oo nga! Tama ako!

Gusto ko sana siyang lapitan kaso baka hindi niya ako naalala sa dami ng mga naging customers niya, baka mapahiya pa ako sa mga kasama.

"Nasaan siya!?" Pangungulit ni Ezra habang nilingon kami na tila ba naghahanap.

Tinuro ni Ezekiel ang kanyang asawa na tahimik at hindi malaman kung anong gagawin.

Kaagad namang nilapitan ni Ezra si.. Ezra, "hi! Ezra Roméo nga pala!" Naglahad siya ng kamay kay Ezra.

Namilog ang mga mata ko sa narinig. Roméo!? Isa siyang Roméo!? Edi.. pinsan nila siya?

Nagaalinlangang tinanggap niyon ng asawa ni Ezekiel at nagpakilala, "Ezra.. Roméo."

Malakas na tumawa si Ezra na lalaki na animo tuwang-tuwa na may kapangalan siya, sa first name at last name.

Nilingon ni Ezra na lalaki si Ezekiel, "sana naman hindi ako pumapasok sa isip mo tuwing sinasabi ang Ezra Roméo at mawirduhan."

"Oh, don't worry, man, I'm already weirded out.. believe me."

Tumawa nanaman si Ezra at hindi narin napigilang ang pag tawa ng mga nakakatandang Roméo.

Pagkatapos ay dumako ang mga mata niya kay Idony na nananahimik at nagmamasid katulad ko. "Uy! Si Idony Von Borja! Hindi ko alam na close pala kayo, Tita? Tito?"

Seven Deadly Sins: Vierre RoméoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon