47. Birthday

206 9 0
                                    

Blythe's POV

A month later and my daughter started her school days again as a preschooler. 

Hinatid na muna namin siya ni Vierre sa kanyang first day bago kami magsi-pasok sa mga trabaho namin. We are in front of the door of Bliss' classroom, inaalalayan ng teacher nila ang mga bata papasok at may iba ring mga magulang na hinahatid ang mga anak nila.

Bliss waved her tiny hand cutely at us, "bye, Mommy.. bye, Daddy.."

"Bye, baby.."

Nag squat si Vierre sa tapat niya at inabot ang kanyang buhok para haplusin ito, "are you scared, love?"

Umiling si Bliss kahit na halata naman sakanya. Ganito talaga siya tuwing first or early days niya, since baguhan palang naman siya sa pagiging estudyante at mas lalo pa't nagbago siya ng eskwelahan.

She raised her clenched tiny fists in the air, "I am not scared, Daddy, I can do this po!"

Napangiti ako. She's saying this now because we had a little 'pep talk' last night before going to bed.

"That's my girl," lumapit si V para halikan ang pisngi niya, "pasok ka na, baby, susunduin ka ni Daddy mamaya.."

Patagilid ang ulo kong nilingon siya, "hindi ba si Ardenn ang magsusundo sakanya?"

Tiningala niya ako, "ako ang magsusundo sa anak natin, Veena." Matigas niyang sabi na may pinalidad.

Ngumuso nalang ako. Bumabawi lang ba siya para sa mga nawalang taon sakanya? Or is it possible that he's still jealous of Ardenn? Jesus.

"Now, how will you introduce yourself, Bliss?" Si Vierre na binalik ang atensyon sa anak. Napailing nalang ako sa tinanong niya.

"Vanta Bliss Roméo.."

"Very good!"

Nasapo ko nalang ang noo ko.

Tumayo narin si Vierre nang muling mag paalam ang anak namin at pumasok na sa classroom. Nilingon niya ako habang sapo ko parin ang noo ko.

He smirked, "you're just jealous because our daughter's not using your maiden name anymore." Hindi ako sumagot sakanya, sa halip ay umirap na lamang ako. He chuckled before grabbing my waist and pulled me close to him to whisper, "don't worry, darling, you'll get to your turn soon."

Tinulak ko siya dahil nasa tapat kami ng mga bata, hindi appropriate ang landian dito, bawal ang PDA.

"Vierre? Vierre Roméo?"

Sabay naming ginalaw ang mga mata namin ni Vierre patungo sa may ari ng boses.

"It is you!" She laughed once before hurriedly went to us.. or him.

Bago pa niya kami maabutan ay binulungan ko na muna ang katabi ko, "hmm, one of your exes, V, you should say hi.."

Sinamaan niya muna ako ng tingin bago hinarap ang kanyang ex. "Hey, Hilary."

"Hi! Long time no see!" Agad siyang nakipagbeso sakanya. Ni-hindi manlang inisip ang mga batang nakamasid. Walang pakundangan.

Sinubukang lumayo ni V nang pasimple, "why are you here?"

"Oh, I'm a teacher here!"

"Wow, congrats.. so your dream really came true, huh?" And he even knows about her dream! 

Akala ko ba hindi siya sa seryoso sa mga ex niya bago ako? Bakit siya nakikinig ngayon sa mga pangarap nila? At alalang-alala pa talaga, ha!

"Yes!" She laughed sensually. Hindi 'to bagay maging guro ng mga bata. "Enough about me! How about you? I heard businessman ka na raw, ah?"

Seven Deadly Sins: Vierre RoméoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon