44. Shoot

184 12 1
                                    

Blythe's POV

"Mommy, after we go to my school, what are we doing?"

I am now driving to Britannica Academia to get the certificate of recognition and other paperworks for proof of my daughter's enrollment and acknowledgement.

"We'll go to my shooting, do you want that, baby?"

Agad na tumango ang anak ko, "yes! Yes, Mommy, yes!" Natawa ako roon.

It will be my first time that I'm bringing my daughter to my shooting for our new project yet again, kaya siya excited ngayon dahil ngayon lang niya makikita kung paano naipa-progress ang takes.

Tinigil ko ang sasakyan ko sa parking lot ng Britannica. Pinatay ko ang makina at lumabas na para pagbuksan ng pintuan si Bliss. Bumaba ito ng sasakyan at agad na hinawakan ang kamay ko.

"Mommy, it's too big.."

Halos humalakhak ako sa kumento niya. Ang dati kasi nitong school noong nursery pa siya ay sakto lamang ang laki at lapad, pero ang mga eskwelahan na katulad nitong alma mater ko ay halos mahilo ka sa laki, at may iilang buildings pa para sa kapakanan ng sandamakmak na mga estudyante rito.

"I know, anak, but this is mommy's school when she was young.." kwento ko.

Nakita ko ang pagkinang ng inosenteng mga mata ni Bliss, "really po!?"

"Yes, baby.."

"Can I study here forever?"

Humalakhak ako, "not forever, baby, just until your college end.."

"I want to be like Mommy!" Yumuko ako para halikan siya sa pisngi at hawak-kamay kaming naglalakad patungo sa school.

Nang nasa loob na kami ng building para sa mga pre-schoolers and middle graders ay naupo kami ni Bliss doon para maghintay. I bought us some snacks along the way para maaliw ang anak ko habang naghihintay. She's quietly eating her ice cream with wooden spoon while playing with her feet.

Narinig kong tumunog ang phone ko.

[Fr: Vierre]

What are your plans for the day?

Nakagat ko ang pang ibabang labi ko.

Ever since that night, he's trying to be with me all the time. Hindi ko alam kung ano nanamang iniisip niya pero hindi narin ako nagrereklamo pa.

Huli na nang napansin kong nag iinit ang mga pisngi ko. Tss, at gustong-gusto mo naman, Blythe?

"So you're telling me that rumors about your boy toy is not true?" Alala ko noon sa gabing 'yon.

Kinunutan ko siya ng noo, ang lamig ay nararamdaman ko lalo sa likuran ko dahil sa kotse at dahil narin sa malamig na gabi.

"I don't have a boy toy."

"And yet you have a daughter?"

Nag iwas ako ng tingin sakanya. You have a daughter, too.

Tell him.

Tell him, Blythe.

I was about to tell him when—

"Vierre!"

Nagtagis ang panga ko.

Her. Her again.

Pagewang-gewang siya habang papalapit samin, it's clear that she's drunk, dagdagan pa ng matinding pamumula ng kanyang mukha.

Seven Deadly Sins: Vierre RoméoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon