13. Greet

127 8 0
                                    

Blythe's POV

"Eliveena Blythe Magallanes."

Tumayo ako at narinig ko ang palakpakan. Nagkasalubong kami ng mga magulang ko at umakyat na sa stage.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, feeling ko ay ang layo na ng narating ko, pero.. wala pa ako roon.

Tumigil kami sa harap ni Mrs. Morgana Raven na siyang principal namin at hawak ang medal at diploma ko.

"Congratulations, Miss Magallanes." Nakangiting tugon nito sakin na ikinangiti ko naman.

"Salamat po."

"Saan ka na mag aaral niyan?"

"Dito parin po, hehe."

"That's glad to hear then! Anong kukuhanin mong course, hija?"

Bago pa ako makapagsalita ay inunahan na ako ni Mommy, "Business Management ang course niya, Mrs. Raven." Malaki ang ngiti niya sakanya. Napangiti nalang ako, hindi makapag salita kahit na gusto ko.

Sinuot na sakin ni Mommy ang medal ko.

"Oh, hindi ko naman alam na si Vierre pala ang photographer dito." Napatingin agad ako sa gilid nang marinig ang sinabi ni Mommy, nang naglakad na kami para sa picture ay nakita ko agad si Vierre sa harap, nakahawak sa camera niya at handa na kaming kuhanan ng litrato.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko siya sa ibabang palapag, nakangiti sakin at kumikinang ang mga mata na animo proud na proud. Para akong maiiyak, this is the very first time I saw him like that.

"Anak, smile!" Ani sakin ni Mommy at ngumiti naman ako habang hawak hawak ko yung medal at ang diploma ko, pinicturan kami ni Vierre ng isang beses at napanood ko siyang yumuko para tumingin sa camera niya na nakangiti.

Bumaba na kami nila Mommy at Daddy sa stage at sinalubong agad kami ng mga Roméo.

"Blythe, hija, congratulations!"

Nagyakapan kami, "thank you po, Tita Alice."

"Congratulations, Blythe. You did well!"

Nginitian ko naman si Tito, "thank you po!"

Niyakap ko rin yung ibang mga Roméo. Nakaka-intimidate sa ibang mga tao kasi kumpleto sila, kahit pa ang mga palaging busy na sila King at Ezekiel.

"Vierre! Picture!" Dinig kong tugon ni Tita.

Lumapit agad samin si Vierre na naroon parin ang ngiti, hindi niya tinanggal yung mga mata niya sakin habang naglalakad papalapit.

Pinicturan muli ako ni Vierre na kasama ang mga magulang ko pagkatapos ng solo pic ko, sunod ay sila Mama at sila Tita, sunod ay ang mga Roméo, at yung Roméo Seven maliban lang kay Vierre.

"Vierre, kayo naman! Ikaw nalang wala pang picture sakanya!" Sigaw ni Seth.

Lumakad agad patungo sakin si Vierre, lumayo narin yung mga magulang namin para sa picture. Binigay ni Vierre yung camera niya at napawi ang nararamdaman ko nang maalala ko na ganitong-ganito rin yung nangyari noong junior high moving up ceremony ko.

Next thing I knew, V is already beside me, naamoy ko yung pabango niya. Tumikhim nalang ako para ayusin ang sarili at ngumiti nalang sa camera na hawak ni Reagan.

"Wala pa kayong ilalapit diyan?" King provoked that surprised us all. He smirked at us like he has deviousness roaming around his brain, "lapit pa, Vierre."

Seven Deadly Sins: Vierre RoméoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon