🎶Manila, Manila
I keep coming back to Manila
Simply no place like Manila
Manila, I'm coming homeI walked the streets of San Francisco
I've tried the rides in Disneyland
Dated a million girls in Sydney
Somehow I feel like I don't belong🎶Napapaidak si Liza habang nagwasalis ng kanilang bahay.
"Hinahanap-hanap kita Manila" sabay ni Liza sa kanta habang ginagawang mikropono ang walis at sabay ng paghamapas ng kanyang baywang pakaliwa't kanan. ..
"Ang ingay mong kay sarap sa tenga
Mga Jeepney mong nagliliparan
Mga babae mong naggagandahan
Take me back in your arms Manila
And promise me you'll never let go
Promise me you'll never let go""Ate! Ate! Ate!"
"Mani- . . ."
Napatigil si Liza sa kanyang pagkanta ng bigla na lang patayin ng kapatid niya ang radyo.
"Bakit ba?" tanong niya sa kapatid sabay irap.
" Meron kasing naghahanap saiyo!" sagot ng kapatid niya
"Sino?"
"Hindi ko po alam pero . . . gwapo, matangkad, maputi at . . .?" pambibitin na sabi nito
"At?" nakataas ang kilay na sabi ni Liza
"at yummy" sabi ng kapatid niya
"Lance!" natampal ni Liza ang noo niya sa sinabi ng kapatid. Alam naman niya na my pusong babae ang kapatid pero hindi siya sanay sa ganung salita na manggagaling dito.
"eh sa totoo naman eh" sabi nito
"ay ewan!" sabi ni Liza.
Palabas na si Liza ng mapansin na parang mas excited pa ang kapatid kaya naman . . .
"Oh!" sabi nito sabay bigay sa walis na kanina pa hawak
"Anu gagawin ko dito? Sasakyan ko at saka itatry kung lilipad?" sabi ni Lance na nakataas pa ang kilay
"eh kung ipalo ko kaya saiyo yan! Ituloy mo pagwawalis ko at haharapin ko lang sandal iyong naghahanap sakin!" sabi ni Liza
"eeehhhh naman eeehhh" pagmamaktol ni Lance
"Huwag kang mag ganyan kung ayaw mong isumbong kita kay Papa" sabi ni Liza na ikinatigil ni Lance
"Ito na nga oh magwawalis na! Kaloka! Madudumihan nanaman ang aking mga kamay!" maarteng bulong nito
"Ano? Ano sabi-"
"wala, sige na sister gora ka na, kanina pa naghihintay si papable sa labas eh!"
"LANCE!" sabi na lang ni Liza saka lumabas ng bahay na umiiling.
Pagkalabas my lumapit sakanyang lalaki,
"Ikaw ba si Liza?" tanong ng lalaki
"tama nga si Lance. Gwapo ito, Matangkad, maputi at saka Yummy." Naisip ng dalaga
"Hello Miss? Ikaw ba si Liza" tanong ulit ng lalaki na kaharap niya ng hindi man lang siya sumagot
"ah opo! Bakit po?" tanong niya
"may sulat ka po, pakipirma na lang dito"
"ah, ok po." Sabi ni Liza saka abot sa sobre na binigay ng lalaki
"Halla!" naexcite siya nang makita kung kanino o saan galing ang sulat. Galing ito sa eskwelahan na pinag applayan niya ng trabaho bilang guro.
"salamat po" sabi ni Liza sabay talikod sa lalaki, sa sobrang excite at kaba napatakbo siya pabalik sa bahay nila pero kasamaang palad . . .
Toinks
"aray!" Nadapa si Liza
"hahahaha" narinig na lang niya na tumatawa ang lalaki kanina, napasimangot siya imbes na tulungan siya ng lalaki tinawanan pa siya.
"Oh sis? Anu ginagawa mo diyan? Naghuhuli ka ba ng palaka?" sabi naman ni Lance sabay tawa, hindi napansin ni Liza na lumabas ang kapatid, sumingkit ang mata ni Liza sa inis.
Tumayo siya at pinagpag ang kanyang damit at tumingin ulit sa lalaking nagbigay ng sulat.
Tawa parin ito ng tawa hanggang sa. . .
Tumulo ang laway ng lalaki dahil sa kakatawa. . .
"Sh*t" sigaw nito sabay talikod kay Liza
"Yuck" sigaw naman ng dalawang magkapatid saka pumasok ng bahay.
Nagkatinginan ang magkapatid saka humagalpak ng tawa.
"Ganun ba ang yummy saiyo?" tanong ni Liza sa kapatid sa gitna ng kanyang pagtawa...
"hahaha teka ano ba sabi?" sabi ni Lance, doon niya naalala ang sulat.
Lumapit siya sa sofa habang tinitignan ang sulat na hawak niya.
"University of Melon" basa ni Lance
"Oh ate! Iyong inaplayan mo ng trabaho sa Manila ah" sabi ni Lance sa ate niya, na excite din siya
"dali buksan mo na! Ma! Pa! Si ate my sulat dali galing sa eskwelahan na inaplayan niya!" sigaw ni Lance.
Dali dali naman lumapit ang kanilang magulang, excited din na tinignan ang hawak ni Liza na sulat.
"buksan mo na ate!" sabi ni Lance
"ito na nga oh!" sabi naman ni Liza habang binubuksan ang sulat...
Wooosssshhhh
Bigla na lang nakaramdam ng kakaiba si Liza, biglang tumayo ang balahibo niya. Para bang my pinapahiwatig ang nararamdaman niya.
"Yehey!" sigaw ni Lance
"Ate natanggap ka! Ate! Yehey! Makakapunta na din ako ng Manila" masayang sabi ni Lance habang niyuyogyog ang kapatid niya.
Napatulala si Liza, hindi dahil sa sulat kundi sa nakikita niya mula sa likod ng kanyang kapatid.
Isang matanda na nakatingin sakanya. Nasa labas ng bahay pero iba iyong tingin niya para bang galit. Tumayo lahat balahibo niya ng ngumiti ito, kumaway at biglang naglaho.
"uy ate! Ok ka lang? Natulala ka na diyan? Wag mong sabihin na-?" tanong ni Lance sa kapatid ng hindi man lang magreact sa magandang balita, pati ang mga magulang nila ay nagtataka.
Alam ni Lance ang kakayahan ng kanyang ate na makakita ng multo. Silang dalawa lang nakakaalam nun. Dalawa lang silang magkapatid kaya wala silang sikreto sa isa't isa.
"shhh" sabi ni Liza sa kapatid
"Ok ka lang ba anak?" tanong ng kanyang ina
"Oo ma! Ok lang" maagap na sagot nito.
"Tara magcelebrate" sigaw ni Lance saka nagtawanan ang buong pamilya.. . . Itutuloy . . .
Lagi pong tandaan: Ang konsepto ng kwentong ito at ang mga pangalan ng tauhan ay kathang isip lamang ng ating manunulat. Kung ang kwento ay tugma sa inyong karanasan ito ay hindi sinasadya.
NO TO COPY + PASTE Plagiarism is NOT ALLOWED
Like + (Positive/Negative) Comment is always welcome.
