Chapter 3

13 0 0
                                    

LIZA's POV

Ilang linggo na din ang nakakalipas ng magsimula akong magtrabaho sa Unibersidad ng Melon dito sa Manila, masaya, minsan malungkot mas lalo na pag namimiss ko ang aking pamilya, hindi na rin mawawala ang takot.

Araw araw na lang ako nakakaramdam ng kakaiba sa eskwelahan na ito, kung hindi sa apartment eh dito sa eskwelahan ako nakakakita ng pangkaraniwang tao.

"Goodmorning Mam" sabay na sabi ng dalawang estudyante na nakasalubong ko, isang lalaki at isang babae.

"Goodmorning sainyong dalawa" sagot ko sabay ngiti, kasalukuyan akong naglalakad sa pasilyo ng eskwelahan, papunta ako sa aking klase.

"huh?" biglang sabi ng lalaki, hindi pa siya masyadong nakalagpas sakin kaya nakita ko kung panu niya kamutin ang kanyang ulo sabay iling pero tuloy parin ang paglalakad, kaya naman sinundan ko siya ng tingin, doon ko lang napansin na hindi pala niya nakikita ang kasama niya.

Araw araw na lang ako nakakakita, na minsan eh hindi ko na makita ang kaibahan ng tao at multo, parang nasanay na ako. Hindi ko na malaman kung tao pa ba o ligaw na kaluluwa na ang nakakasalamuha ko.

Pagdating sa klase ko,

"Goodmorning Class" bati ko sakanila

"Goodmorning Mam" sagot nilang lahat maliban sa isang estudyante na para bang ngayon ko lang nakita.

Tinignan ko muna ng mabuti kung tao ba ito o multo, medyo lumapit pa ako ng bahagya para naman makasigurado.

Medyo nakatagilid ito kaya hindi ko makita ang buong mukha niya...

Lalapit pa sana ako nang humarap siya sakin

"aaaaahhhhhh!" napasigaw at napaupo ako sa gulat dahil ang kaliwang bahagi ng mukha niya ay sunod, nakaluwa pa ang mata.

Mas nasindak ako nang bigla siyang ngumiti. . . Ngiti na unti unting naging tawa. . .

(Hahahaha)

Nagtawanan lahat ng mga estudyante ko.

Napatingin ako sa kanilang lahat.

"Halla mam Sorry" sabi ng estudyante kanina habang tinatanggal ang kalahating maskara niya.

"Sabi po kasi nila try ko po kung matatakot kayo" sabi niya sakin, tama nga ako bago lang siya at mukhang pilya.

"Ok lang, ano pangalan mo?" tanong ko sakanya habang tumatayo, tinulungan naman ako ng ibang estudyante tumayo

"Hi mam, ako po pala si Jasmine, Jas for short" sabi nito habang nakangiti..

Magandang bata si Jas, mukhang galing sa mayamang pamilya.

Nang medyo kumalma na ang pakiramdam ko, nag umpisa na akong maglecture.

Naging maayos naman ang klase, at napansin ko na matalino si Jas...

Gustong gusto niya sumagot sa mga tanong ko, at saka nagtatanong pag my gustong itanong.

*************************
"Mam Liza, hindi ka pa ba uuwi? Mauuna na ako kasi medyo masakit ang aking ulo" sabi ni mam Gina sakin, doon ko lang napansin na medyo gabi na din,

"Sige mam Gina" sabi ko sakanya saka ito umalis ng faculty room

Tatlo pa naman kami sa loob, nagche check pa kasi ako ng mga quizzes ng mga estudyante ko.

"Hmmmmm!" sabi ko habang nag uunat,

"Natapos din!" sabi ko sa sarili ng matapos ko ang lahat ng ginagawa ko.

"Sir Jack, Mam Maureen, Sir James, Mauna na ako" paalam ko sa tatlong kasama ko ng ready na ako makauwi

"sige mam, ingat ka po sa mga nakakasalubong mo" sabi ni Sir Jack

OMG! Oh My Ghost! 😱Where stories live. Discover now