Chapter 2

14 0 0
                                    

LIZA’s POV

“Rise and Shine ate Ganda! From your sister na mas maganda” nakangiting bati ni Lance sa akin

Masaya ang loka dahil ito ang araw na pupunta kami ng Manila. Siya ata ang pinakamasaya nang makuha ako sa University of Melon sa Manila dahil usapan nila ni Mama na pag nakuha ako at pag kagraduate niya ng High School doon na siya sa Manila mag aaral.

“ang saya mo bunso ah” sabi ko sakanya

“Syempre, dahil sa wakas makakapunta na din ako ng Manila, makakakita na din ako ng maraming gwapo, aray ate!”

Hindi ko naiwasang paluin siya sa sinabi niya.

“Hoy Bata! Ang landi landi mo!” sabi ko pa habang pinandidilatan siya.

“Halika na ate, kailangan mo na magprepare! Dali” sabi nito habang hinihila ako patayo.

“Mas excited ka pa eh” sabi ko habang tumatayo.

Paglabas naming ng kwarto ko, nagulat na lang ako ng makitang umiiyak si Mama.

“oh ma anyare?” sabi ni Lance

“Wala, wala ito” sabi ni Mama saka pinunasan ang kanyang mga luha.

“Sus! Nagdradrama nanaman kayo eh” sabi ko sabay yakap sakanya. Unang beses kasing my mapalayo sa aming pamilya.

“Wow! Best Actress Mader!” sabi ni Lance na ikinatawa namin

“oh bakit ang sasaya ng Pamilya ko?” biglang tanong ni Papa.

“Si Mama kasi pa nagdradrama nanaman” sabi ni Lance

“Oo nga pa” segunda ko

“Hindi naman ah” sabi naman ni Mama

“Ikaw talaga! Huwag kang mag alala, andito pa naman kami ni Lance, di ka naming iiwan.” Sabi ni Papa sabay yakap kay mama

“Uyyy!” asar ko

“Ewww” sabi naman ni Lance

“Ano Lance?” tanong ni Papa

“ah eh wala po, ang sabi ko tara na mag agahan, at babyahe pa po tayo diba?” sabi nito at nagpatiunang pumunta ng kusina, tumatawa na lang ako ng very very slyt!

After an hour, nakaayos na kami, sinarado ang bahay, siniguradong nakalock ang lahat saka kami pumunta sa sakayan ng Bus.

Habang naghihintay ng bus, hindi ako mapakali, pakiramdam ko mayrong nakatitig sakin.

Medyo lumayo ako kina mama, tinignan ko muna sila sandali para tignan kung napansin nila ako pero mukhang busy silang tatlo, nang itutuloy ko na ang paglalakad  . . .

(Bulaga)

"aaaaaahhhhhhh!" sigaw ko dahil sa gulat...iyong matandang nakita ko doon sa bahay nung natanggap ko ang sulat mula sa University of Melon ay kasalukuyang nasa harap ko. Nakangiti ito sakin. Buti na lang at hindi ako napaupo.

"Liza?!" narinig kong sigaw ni Mama, tumingin ako kay mama at sumenyas ng wait lang...

Tumango naman ito.

(psssst!)

rinig kong sabi ng matanda mula sa likod ko.

Tumingin ako sakanya, habang kinukuha ang headset ko mula sa body bag ko. Nang maisuot ko ang headset ko,

"Bakit lola?" tanong ko sa kanya, para bang my kausap lang sa phone.

"hindi mo na ba ako naalala ineng" sagot niya sakin saka ngumiti, doon ko lang naalala na siya pala iyong matandang nasagasaan noong nakaraang taon malapit sa bahay. Simula noong makita ko siya sa lugar kung saan siya nasagasaan, lagi na kami magkausap, pero this past few months hindi ko na siya nakikita.

OMG! Oh My Ghost! 😱Where stories live. Discover now