chapter 11

4 0 0
                                    

LIZA's POV

"Diba siya iyong babae kagabi?" sabi ni Lance

"Diba si Jas yan?" sabi naman ni Ace

Hindi ako nakapagsalita, hindi ko alam ang sasabihin ko!

Bakit magkausap si Nanay Nadia at si Jas? Bakit umiiyak si Nanay Nadia? Ano ang connection nilang dalawa?

"ate? uy? ok ka lang?" tanong bigla ni Lance sakin

"Oo naman!" sabi ko

"Tara na?" tanong ni Lance

"Uwi na tayo, medyo sumama ang pakiramdam ko eh" sabi ko kay Lance

"Ok" sabi na lang nito

Bago pa kami tuluyang umalis napatingin pa ako kina Jas. Ano ba talaga ang mayroon sa Jas na iyon?

Pagdating namin sa bahay dumiretso na agad ako sa aking kwarto at saka nahiga.

"Ok ka lang?" sabi ni Ace

"Oo naman, pahinga lang ang kailangan" sabi ko

"Sure ka?" paninigurado nito, nakita ko ang pag aalala sa mukha niya

"Oo" sabi ko na ngumiti

"Sige, iwan na muna kita para makapagpahinga" sabi nito saka biglang naglaho.

Nang makaalis si Ace, hindi ko mapigilan maisip ang tagpo kanina, umiiyak si Jas, Umiiyak si nanay Nadia ano kayang connection nilang dalawa bakit parang close na close sila? Tapos si Ace, ano ang naaalala niya kay Jas?

Dahil sa madami ang iniisip hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

********************

Nagising akong para bang ang gaan gaan ng aking pakiramdam.

Tumayo ako mula sa aking kama at nag inat inat ng kaunti at saka lumabas mula sa aking kwarto.

"Himala, wala si Ace" bulong ko sa aking sarili

Ang tahimik ng buong bahay, parang ako lang ang tao, nasaan na kaya sila Mama?

Pumunta ako ng kusina para magsipilyo nang makita ko ang sulat sa ibabaw ng lamesa.

Dinampot ko ito at binasa, galing pala ito kina mama, nakasulat dito na umuwi na sila dahil nagkaproblema sa lugar namin, hindi na nila ako ginising dahil ayaw nilang makaistorbo.

"Umuwi na pala sila, siguro si Mam Gina pumasok na" sabi ko na lang sa aking sarili

Pagkabasa ng sulat nila mama, tumuloy na ako sa lababo at magsisipilyo.

Habang nagsisipilyo bigla ako nakarinig ng mga malalakas na tawa mula sa labas ng bahay.

Tawanan na para bang naghaharutan, base na din sa aking naririnig, isang babae at isang lalaki ang nag uusap habang malakas na nagtatawanan.

Dahil sa likas na sating ang salitang kuryusidad, wala ako sa sariling lumabas ng bahay nang matapos ako magsipilyo.

Doon nakita ko sa gate mismo ng bahay nakatayo ang dalawang nag uusap, tama nga ang sinabi ko kanina na babae at lalaki ang mga ito.

Ang sweet nila, naghaharutan silang dalawa, kung titignan para ba silang magkarelasyon.

Habang tumatagal ko silang tinitignan parang namumukhaan ko sila.

Teka? sila ba talaga iyon.? Hindi pwede iyon!

Hindi ko namalayan na papalapit ng papalapit na pala ako sakanilang dalawa.

OMG! Oh My Ghost! 😱Where stories live. Discover now