Chapter 10

5 0 0
                                    

Chapter 10

"Ma, punta tayo ng park" sabi ng bunsong anak ni Jen, kasalukuyan itong my ginagawa tungkol sa kanilang negosyo.

"gabi na anak, hindi na pwede at saka madaming ginagawa si Mama" sagot ni Jen

"please ma" pagmamakaawa ng anak niya

"Anak please makinig kay mama, at saka wala si Papa na maghahatid satin" sabi pa ulit ng bata pero bigla na lang umiyak ang anak niya.

"waaaaahhhh!!! gusto ko pumunta ng park!!!" sigaw nito sabay higa sa sahig at saka tinatadyakan ang upuan ng kanyang ina.

"Anak! Tumayo ka nga diyan! Makinig ka sakin" sabi ni Jen sabay tayo at hila sa anak pero nagpabigat ito at saka mas lalong nagpapapadyak kaya naman muntikan nang natumba si Jen.

Pak!

Sa sobrang inis napalo nito ang anak.

"huhuhuhu" hagulgol ng bata

"Ma, ako na lang sasama kay bunso sa park" biglang singit ng panganay na anak ni Jen

"Oh siya sige!" sabi na lang ni Jen sa anak para tumahan na anh kanyang bunso

"Mag ingat kayo doon, tutal 6 pa lang naman eh, huwag kayong aabutin ng 7:00 doon ok?" sabi nito

"opo! tara na bunso" sabi ng batang babae.

Umalis ang dalawang bata na walang kasamang matanda, malapit lang naman ang park kaya pwede itong lakarin ng mga bata.

Pagdating sa park . . .

"Bryl" sabi ni Jess

"oh bakit andito kayo? Gabi na ah?" sabi ng batang lalaki na tinawag ni Jess na Bryl

"Ikaw din namam ah" sabi ni Jess

"oo nga!" sabi ni Bryl sabay kamot sa ulo

"Kuya Bryl, laro tayo!" sabi ng kapatid ni Jess sabay hila sa kamay ni Bryl

"oh sige ano gusto mong laruin?" sabi ni Bryl

"Tagu Taguan" sabi ng bata

"Oh sige, ako na ang taya!" sabi ni Bryl sabay hanap ng puno at doon siya nagsimulang magbilang.

"Tagu taguan maliwanag ang buwan pagbilang ko ng sampu nakatago na kayo, isa, dalawa, tatlo . . ." sigaw ni Bryl, hindi naman magkandaugaga sa paghahanap ng matataguan ang dalawang magkapatid.

"dito ate" sabi ng kapatid ni Jess, nagtago ang mga ito sa isang malaking halaman na nasa park, medyo madilim doon dahil walang poste ng ilaw.

Magkatabi ang dalawang magkapatid habang tinitignan sa maliliit na butas o espasyo ng halman ang nagbibilang na si Bryl.

"siyam, sampu! Maghahanap na ako" sabi ni Bryl, palinga linga ito habang naghahanap.

Samantala . . .

"ate?" sabi ng kapatid ni Jess ng my nangalabit  sakanyang tagiliran pero hindi ito tumingin sa kapatid dahil tinitignan nito si Bryl

"oh?" sabi naman ni Jess ng my mangalabit sakanya na hindi din tumitingin sa kapatid

"ate?" sabi ulit ng kapatid nito na gaya ng dati nakatuon parin ng pansin kay Bryl

"oh?"

"ate?" sabi ulit niya

"oh?"

"ate? Bakit ka ba nangangalabit?" sabi ng kapatid nito ng apat na beses nang my tumapik sakanya

"eh ikaw nga diyan eh" sabi naman ni Jess.

Nagkatinginan silang dalawa dahil sa pagkabigla nang narinig nila ang sinabi ng isa't isa.

OMG! Oh My Ghost! 😱Where stories live. Discover now