LIZA'S POV
Wala akong nagawa kundi tignan na lang ang papalayong si Jas
"Hoy!"
"hoy!" napasigaw ako sa gulat nang bigla na lang nagpakita si Ace
"Ano ba kasi tinitignan mo diyan" sabi naman nito sabay tingin sa tinitignan ko.
"Iyong estudyante ko" sagot ko sabay tingin ulit kay Jas
"Iyon bang babaeng kausap mo kanina?" tanong niya ulit
"Oo" sabi ko
"Alam mo my kamukha siya" sabi ni Ace na nakapag kunoot ng noo ko. Tinignan ko si Ace na kasalukuyang nakatingin sa papalayong estudyante ko
"Oh bakit ka ganyan makatingin sakin" nagulat na lang ako nang nakatingin na pala sakin si Ace
"Wala, tara na nga!" sabi ko na lang
"ok" sabi niya...Hindi ko napansin na tumitingin na pala mga nakapaligid sakin, nagtataka dahil mag isa akong nagsasalita. Wala akong nagawa kundi yumuko na lang habang naglalakad paalis sa lugar na iyon.
***************
"Dito, dito iyon" sabi sakin ni Ace.
"Alam ko" sabi ko sabay smirk, naglagay na ako ng headset para naman hindi ako pagtinginan ng mga tao.
"Sungit naman!" sabi niya sakin
"hindi naman" sabi ko
"Slight lang" sabi niya sabay nagpatiuna sa paglalakad. (Naglalakad nga ba sila? Lumulutang ata) Kaya ayon hindi na ako nakapag react.
Lumapit ako sa isang ale na nagtitinda ng mga street food, malapit lang sa lugar na kung saan kami nagkita.
"Gandang gabi ale" pambungad ko
"Magandang gabi din saiyo ineng, ano gusto mong bilhin?" sabi niya, wala siyang customer sa oras na iyon kaya suya ang nilapitan ko.
"ay pabili po ng fishball at kikiam" sabi ko na lang
"dito mo ba kakainin?" sabi niya
"opo sana"
"sige." sabi nito at nagsimulang lutuin ang mga order ko
"oh ito na" sabi niya pagkaraan lang ng ilang minuto sabay abot sakin ng order ko
"Ale," sabi ko, hindi ko alam paano ako umpisahan.
"Ano iyon?" tanong niya
"Matagal na po ba kayo dito?" sabi ko
"ay oo, mga 10 years o higit pa na nagtitinda ako dito, teka bago ka lang ba dito? Mukha ka kasing galing sa probinsya" sabi niya
"ay opo. Nakuha lang po kasi ako magturo diyB sa university" sabi ko sabay turo sa school na pinapasukan ko
"Teacher ka pala" sabi niya
"Opo" sabi ko
"Huwag ka magpacute, itanong mo na" biglang singit ni Ace na nasa likod ng matanda
"hindi ako nagpapacute!" wala sa sariling sabi ko habang pinandidilatan si Ace
"huh?" sabi ng ale, buti na lang at nakayuko ito kanina
"wala po ale, tanong ko lang po hindi po ba delikado dito? I mean sa disgrasya?" sabi ko
"Naku diretsahin mo na" sabi naman ni Ace
"tumigil ka, kung ayaw mong bawiin ko ang pagpayag ko sa pagtulong ko saiyo" sabi ko na lang sa isip ]ko dahil alam kong maririnig naman niya